Samahan

24 1 0
                                    

"Salamat", sabi ko sa sarili ko habang naglalakad sa tabi ng kalsada bitbit ang aking mga gamit. Apat na taon na pala din ang nakakalipas at siguro naman ay maaari na akong magsimula muli.

-----

Gumising ako ng maaga para pumasok sa unang araw ko bilang college student sa isang sikat na state university dito sa aming syudad. Sa totoo lang ay hindi ko lubos maisip yung sarili ko na magpatuloy sa kolehiyo pero dahil salungat ang mga magulang ko sa desisyon kong tumulong nalang sa trabaho ng aking itay sa bigasan ay nagpatuloy nalang ako sa pag-enroll sa college. 10:30 a.m. ang oras ng unang klase ko ngunit nakarating na agad ako sa campus, na may isang oras lang na layo mula sa bahay namin, ng bandang 9:30 a.m. Pagdating ko sa classroom, sa loob ng silid ay may isa naring lalaki, na sa aking palagay ay kapareha ko ng kurso, na nakaupo na at nakatingin lang sa bintana.

"Excuse me, Physics kadin ba? First year?", tanong ko sakanya habang nag-aalok makipagkamay.

"Ah, Oo, Steve nga pala", sagot niya at inabot din ang kanyang kamay.

"Mike nga pala. Hehe", pahabol ko at umupo malapit sa kanyang upuan habang hinihintay pa namin ang iba naming mga classmate na unti-unti naring nagsipasok.

-----

"Okay, class dismissed", sabi ng professor namin ng matapos ang dalawang oras na klase. 

Saktong lunch break din namin 'yon kaya niyaya ko narin si Steven na sabay na kaming magpananghalian. 

"Mike!", sigaw ng isang classmate namin na agad namang nagpahinto saking paglalakad at lumingon agad ako. 

"Sabay na kami ni Felix sainyo, pwede ba?", dagdag niya, habang hakbay hakbay pa ang isa pa naming kaklase.

 "Tara", pa-ngiting sagot ko. At magkakasama kaming lumabas ng campus upang maghanap ng sulit na makakainan.

Doon nagsimula ang di inaasahang samahan naming apat. Simula noon ay lagi na kaming magkakasama kapag may pasok. Sama sama kaming nananghalian at maliban pa doon, sa twing mayroon kaming mahaba-habang break ay lagi kaming tumatambay sa dorm ni Felix na may ilang kanto lang ang layo mula sa campus. 

Sa halos isang taon na naming pagsasama ay napalapit na talaga sila sa akin. Dahil narin sa pagiging only child ko ay sila narin ang tinuring kong mga kapatid. Si Felix, siya ang itinuturing kong pinakamatalino sa grupo. Mahilig siyang magbasa ng mga novel at lagi niyang naipapasa ang mga quiz at exam sa lahat ng subject namin. Siya ang inaasahan naming magbabarkada kapag gagagawa ng assignment. Si Kurt, ang dakilang playboy at rich kid pero siya ang pinaka kwela sa grupo. Habulin siya ng mga babae, mahilig din kasing makipagfling, kahit may girlfriend na siya na nasa katapat lang naming university. Si Steve naman, siya ang pinakamalapit sa akin sa tatlo. Kilala siya sa buong klase bilang shy-type at baby sa grupo dahil matampuhin pero lingid sa kaalaman ng iba, magaling kumanta si Steve at parehas kaming mahilig tumugtog ng gitara lalong lalo na kapag nasa dorm kami ni Felix. 

-----

Isang araw sa aming pangawalang semestre sa pangalawang taon sa kolehiyo ay pumasok si Kurt sa classroom na hindi maipinta ang kanyang mga mukha. Madalas kasi kung pumasok siya ay akala mo kung sinong siga. Nagtaka na kaming tatlo at agad siyang kinausap. 

"Pre, anong meron?" tanong ko kay Kurt na naka-yoko lang habang nakaupo. 

"May nangyari ba?" dagdag na tanong ni Felix ngunit din parin umiimik si Kurt. 

Hinayaan nalang muna naminsi Kurt dahil mukha talagang hindi niya kami kakausapin sa mga oras na yon. Maya't maya pa ay nag-announce ang aming class president na hindi papasok ang professor namin sa huling klase namin sa araw na yon. Nag-aya si Felix na tumambay nalang at mag-inuman sa dorm niya para narin mapag-usapan ang problema ni Kurt.

 "Sa apartment ko nalang tayo tumambay", biglang salita ni Kurt.

 "Hahaha. Nagsalita rin", sabi ko. 

Si Kurt ay nakatira ngayon, kalilipat niya lang daw nung isang linggo, sa isang apartment na pag mamay-ari rin lang ng tita niya na may isa't kalahating oras ang layo mula sa campus. Yon din ang pinaka-unang pagkakataon na nag-aya siya na pumunta sa lugar niya. 

"Tara!", sigaw ni Felix habang si Kurt naman ay kahit papano ay nakakangiti na.

 "Susunod nalang siguro ako sainyo Mike", singit ni Steve. 

"Kikitain ko na naman yung kapatid ko, text niyo nalang ako kung papaano ako makakapunta", dagdag niya pa.

Si Steve ay may nag-iisang kapatid na babae na nag-aaral lang din sa katapat na university. 

"Ay teka, deadbat na ang cellphone ko, text mo nga kapatid ko Mike", dagdag niya pa at binigay sakin ang number ng kapatid niya. 

"Ok na, sige brad, kitakits nalang". Sagot ko at nauna na kaming pumunta kina Kurt.

----------

Tropang FKMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon