Apartment ni Kurt

13 1 0
                                    

Matapos ang halos isa't kalahating oras na byahe at kaunting paglalakad ay nakarating kami sa apartment ni Kurt na may palamuti na agad pang pasko. Pumasok kaming tatlo at bumungad agad sa amin ni Felix ang sala ni Kurt na halatang di pa gaanong naayos. Nagmadali si Felix na buksan ang tv at naghanap ng pwedeng panoorin, ako naman ay umupo lang sa couch, habang si Kurt ay pumasok sa kwarto niya na nasa tabi lang ng sala. 

"Dito ko dinala nung nakaraang araw yung babaeng nakakausap ko sa facebook", pabirong sinigaw ni Kurt.

 "Siguro may kinalaman diyan yung pagbabaktol mo kaninang umaga", pabiro ring sagot ko. 

"Break na kayo ni Maxene pre?", tanong agad ni Felix habang nanonood ng tv. 

Nanahimik nalang si Kurt sa pagkakataong iyon at pumunta narin sa sala makalipas ang ilang minuto. Maya't maya pa ay naalala ko nalang si Steve. 

"Ay, oo nga pala. Itetext ko si Steve kung paano pumunta dito kina Kurt." sabi ko at binuksan ko ang messenger. 

"Takte, wala rin pala akong load, di nagsend yung message ni Steve sa kapatid niya. Hahaha" natatawang nasabi ko. 

"Pasahan nalang kita ng load", sabi ni Kurt. 

"Ay baka patay parin yong cellphone ni Steve" sabi ko habang tinatype ko na ang message ko kay Steve. 

"Eh di text mo nalang yung number niya tsaka yung number ng kapatid niya para sure, baka magkasama naman yon ngayon eh", sagot sakin ni Felix kaya ganon nalang din ang ginawa ko.

 Makalipas ang isang oras na pagtatambay at panonood ng movie ay nakaramdam ako ng gutom.

 "Pre may makakain ba tayo dito?" tanong ko kay Kurt. 

"Oo pre, may tinapay ako sa kusina tapos kunin mo yung hotdog sa ref, lutuin mo na yun lahat", utos niya. 

Agad naman akong pumunta sa kusina nila na nasa bandang likuran lang ng apartment. Habang nagluluto ako ay narinig ko si Kurt at Felix na nag-iingay sa sala. 

"Tang*na pre! paano ka nagkaroon ng ganyan?!", sigaw na tanong ni Felix habang si Kurt naman ay humahalakhak sa tawa. 

"Pahawak nga pre!", sigaw niya ulit. 

"Ayoko nga. Hahahaha", nang-aasar na sagot ni Kurt. 

Naririnig ko silang na parang pinag-aagawan nila ang isang bagay ng bigla nalang nakarinig ako ng dalawang malakas na putok. 

BANG! BANG! 

Gumulat sakin ang mga ingay na 'yon na agad nagpatigil sakin sa paghihiwa ng hotdog. 

"Tunog yun ng baril", kumbinsi ko sa sarili ko habang nabalisa ako ng ilang segundong katahimikan.

 Wala na ako sa tamang katinuan sa mga pagkakataong yon at tumakbo nalang ako papuntang sala para tingnan kung may masama bang nangyari kina Kurt at Felix. Nakita ko ang dalawa na tulala rin sa pangyayari at parehas hawak hawak ang baril na nakatututok sa may pintuan. Napanatag ako sandali dahil okay lang sila Kurt at Felix pero agad kong napansin ang dalawang butas sa pinto sanhi narin ng balang dumaan doon. Tumakbo agad ako palabas at binuksan ang pinto. Nanlaki ang aking mga mata sa bumungad sa akin. May isang estudyanteng babae na nakahandusay at duguan sa kalsada sa tapat ng bahay ni Kurt. May tinamaan sila Kurt at Felix na nakita din ang naging sanhi ng kanilang nagawa. Laking gulat ko pa na sa di kalayuan sa babaeng nakahandusay, mga dalawang metro lang ang layo, ay nandoon si Steve na tulalang gulat na gulat din sa nasaksihan. Naisip ko nalang sa mga sandaling yon kung nagkataong nakarating si Steve ng ilang minutong mas maaga ay maaaring siya pa ang napahamak.

 "G*go pre! Anong ginawa niyo?!", sigaw ko kina Kurt at Felix na putlang putla na sa pangyayari. 

"Nasa labas din si Steve! Kamuntikan niyo narin siyang patayin!", dagdag ko habang nanginginig sa magkahalong takot at galit.

"T*ngina! Makukulong tayo!", sigaw ni Kurt sabay tago ng baril sa kanyang likuran. 

"Anong gagawin natin?! Gumawa tayo ng ingay, maya maya pa ay darating ng mga tao at mga pulis! Mahuhuli tayo! Ayoko pang makulong!", sigaw ni Felix. 

"Tara tumakas tayo! Dali sa likuran na ng apartment tayo dumaan!", sagot ni Kurt. 

"Paano si Steve sa labas?! Baka mapagkamalan din siya!", tanong ko at sa paglingon ko ay nakatitig lang sa amin si Steve na para bang wala paring alam sa kung anong nangyari. 

"Pabayaan mo siya, wala siyang baril! Di siya makukulong! Tara na dali!", mabilis na sinabi ni Kurt. 

Tumakbo kami patungo sa likuran ng apartment ni Kurt at tumakas. Habang nasa kasagsagan kami ng pagtakas ay wala akong ibang iniisip kundi ang makatakas sa problemang ito. Nang makalayo layo na kami ay nagpahinga kami sa isang parke. 

"Ano pre gagawin natin?!" hinihingal na tanong ni Felix. 

"Eh di manahimik!" sagot ni Kurt at kinuha ng kanyang cellphone at tinawagan ang tita niyang may ari ng apartment. Sinabi agad ng diretso ni Kurt ang nangyari at nagtalo sila sa cellphone ng halos kalahating oras. Nang matapos silang mag-usap, 

"Okay na pre, di daw tayo ilalaglag ni tita, magpapalusot nalang daw siya kung sakaling tanungin siya ng mga pulis at isa pa bagong lipat lang ako dun at wala pang gaano nakaka-mukha sa akin", kampanteng sinabi samin ni Kurt habang naghahabol din ng hininga.

 "Paano si Steve?! Isumbong kaya tayo nun sa pulis?!", sabi ni Felix. 

"Hindi!" "Tang*na!", sagot ko na sinabayan agad ng mura ni Kurt. 

"Kaibigan tayo ni Steve, hindi niya tayo isusumbong! Kailangan natin siyang makita at makausap agad", dagdag ko at nanahimik nalang kami sa kaba. 

Nang lumalalim na ang gabi ay nagpasiya na kami na magsi-uwian at nangakong walang maglalaglag sa isa't-isa at kakalimutan ang buong pangyayari. Kinukumbinsi namin ang mga sarili namin na aksidente lang ang naganap. Sa mga oras na yon, alam kong may dapat panagutan si Kurt o si Felix pero hinayaan ko nalang din na patayin ako ng konsensya ko. Hindi ko kayang makita ang barkada ko na itinuturing ko naring mga kapatid na mabulok sa kulungan. Nang naglalakad na kami ay napadaan kami sa isang tulay. Huminto sandali si Kurtmay hinugot sakanyang likuran at dali dali nitong itinapon ang baril sa ilog. 

"Wala nang ibidensiya", nagawa pang magbiro ni Kurt. 

"Buti nalang weekends na bukas, walang pasok ng dalawang araw", sabi ko nang maisip ko na kailangan naming magmagtyag kung ano ba ang mga sumunod na nangyari doon sa lugar nila Kurt. 

Tumuloy muna si Kurt sa dorm ni Felix at nang makauwi na ako ay naisip kong tawagan si Steve para kamustahin pero hindi niya sinasagot.

----------

Tropang FKMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon