Katapusan

13 1 0
                                    

Nang sumapit na ang gabi, niyaya ako ni Steve na kumain muna bago umuwi. Mga 9:00 p.m. narin ng nagkayayaan na kami umuwi. 

"Pre, di ka ba natatakot umuwi ngayon na mag-isa?", tanong ni Steve habang naglalakad. 

"Natatakot din.", sagot ko. 

"Siguro, samahan na kitang umuwi hanggang sainyo para sigurado," mungkahi niya. 

Lumingon ako sa kanya at napahinto. 

"Oh paano ka?" tanong ko. 

"Wag mo ko alalahanin, hindi naman sa nagmamalinis pero wala ako sa bahay ni Kurt nung nangyari yung trahedya. Tatlo kayoong naroroon... Di natin alam." sabi ni Steve na kumumbinsi sa akin na sa aming dalawa, ako nga ang maaaring sumunod kung sakaling hindi parin tapos gumanti ang tao sa likod ng pagkamatay ni Felix at Kurt. Di nalang ako nagsalita at hinayaan ko nalang siyang sumama sa akin pauwi. 

"Sa amin ka nalang magpalipas ng gabi," payo ko kay Steve habang nakasakay kami ng jeep pauwi sa amin at pumayag naman siya. 

Habang nasa kalagitnaan ng medyo mahabang lakaran pauwi na samin ay di namin naiwasang pagkwentuhan muli ang nangyari noon at subukang malinawan sa lahat. Wala narin naman gaanong tao sa kalsada. 

"Lubos ko ng pinagsisisihan ang nangyari noon", panimula ko. 

"Kung sana nandoon lang ako sa sala, napigilan ko sana yung dalawang yon na paglaruan yong baril na yon. At di sana umabot sa ganito", dagdag ko habang tumutulo na ulit ang mga luha sa aking mga mata.

 "Kung di ko naman napigilan, sana sumuko nalang kaming tatlo at hinarap ang karampatang parusa at humingi ng patawad sa pamilya ng babae. Nakulong lang sana kami, at walang mamatay", sabi ko pa. 

Nanahimik lang si Steve habang nakikinig sa iba pang mga nasasabi ko at pansin ko ring nagmamatyag siya sa paligid.

"Malapit na tayo, ayan na ang bahay ko, wag ka na mag-alala dyan Steve", biro ko sakanya habang natatanaw ko na ang bahay ko. 

"Mabuti kung ganon. Hehehe", biglang sabi ni Steve at may naramdaman nalang ako malamig na bagay na nakadikit sa likod ng ulo.

 Napahinto ako sa paglalakad.

 "Ilang minuto nalang ay mapaghihiganti ko na ng tuluyan ang pinakamamahal kong kapatid na babae", mabilis na sagot niya na gumulat sakin. 

"Anong pinagsasabi mo Steve?!", tanong ko ng malakas habang nagsisimula na akong pagpawisan ng malamig. 

"Bakit di mo sinend sa kapatid ko na kikitain ko siya sa araw na yon?!" 

"Naghintay ako ng ilang minuto sa labas ng campus niya at di siya lumabas, nainip ako kaya pumunta nalang ako sa malapit na convenient store para magpacharge, pagbalik ko nakita ko nalang mga classmate niya at sinabing pupuntahan niya daw ako sa bahay ng kaklase ko"

"Agad namang pumasok yung text mo sa cellphone ko kaya pumunta narin ako, nagbabakasakaling maabutan yung kapatid ko papunta kina Kurt" 

"Nang makita ko na siya, tinawag ko siya pero di niya ako narinig kaya tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya ng marinig ko ang dalawang malakas na putok at natumba nalang ang kapatid ko sa harapan ko at wala ng buhay!"

"Hindi ko matanggap sa mga oras na yon, na namatay sa harapan ko ang nag-iisang kapatid ko!!!"

 "Hindi ko rin matanggap na pagtingin ko sa pinagmulan ng putok ay nandoon ka, Mike, at sila Felix at Kurt! Hindi ako makagalaw at di ko alam ang dapat kong gawin, nagtatalo ang isip ko sa mga oras na yon" 

"Nakita ko nalang kayong tumakbo paalis na para at di pinanagutan ang krimen na ginawa niyo!"

 "Sa sobrang tensyon ay nahimatay ako, paggising ko nasa bahay na ako at nakita ko ang pamilya kong umiiyak ng malakas dahil sa pagkawala ng kapatid ko" 

"Dumating ang pulis sa bahay namin, kinausap nila ako pero hindi ako nakapagsalita. Iniisip ko sa sarili ko na hahayaan ko kayong sumuko sa pulis... pero nagkamali ako."

 "Anong ginawa niyo?! Ibaon sa limot?! Di ba kayo kinakain ng konsenya niyo?!! Nakapatay kayo at kapatid ko yon!" 

"Sorry Mike, pagkatapos ko sayo, isusunod ko narin ang buhay ko."

 Tumigil ang mundo ko sa mga narinig ko. Hindi narin ako makagalaw, di ko maisip na ilang segundo nalang ay maaaring matapos na ang buhay ko. Di ako makapagsalita, hindi ko masabi ang mga gusto kong sabihin. 

Bigla nalang dumilim.


-----


Nakita ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa higaan ko. Nasa tabi ko ang mga magulang ko na umiiyak sa tabi ko. Doon ko nalang napagtanto na nahimatay ako kagabi. 

"Si Steve?!" una kong tinanong sa mga magulang ko.

Nalaman ko nalang na narinig ng mga magulang ko na may maingay sa labas at pag-silip nila ay nakita nila si Steve na may tinututok na baril sa akin. Di sila gumawa ng ingay at tumawag agad ng pulis. Sakto ng nawalan ako ng malay at natumba ay dumating ang mga pulis at sinubukang pinigilan si Steve, pero nagpumigil si Steve at tinutok parin sakin ang baril kaya't napilitan na ang mga pulis na barilin at napatay si Steve. Napagdesisyunan kong sumuko sa mga pulis matapos ang lahat ng trahedyang nangyari, inamin ko ang totoong nangyari sa kapatid ni Steve. Kinasuhan ako at nakulong ng apat na taon sa salang paghadlang sa pagkamit ng tunay na hustisya. 

                                             ----------END----------

Pag-uwi ko ng bahay ay sumalubong sa galak sakin ang mga magulang ko na sabik na sabik sa aking muling pagbalik. Dumiretso agad ako sa aking kwarto na halos wala paring pinagbago. Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, di ko parin pinagsisihan na naging malapit na kaibigan ko sila Felix, Kurt, at Steve na bumuo sa samahang FKMS.

(Thank you for reading my first ever short story!)

Tropang FKMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon