Felix!

7 1 0
                                    

Lumipas ang dalawang linggo, unti-unti ng bumabalik ang sigla sa aming samahan. Di na namin maysadong napag-uusapan yong mga nangyari non para narin kay Steve na bumabalik narin sa dati niyang wisyo. Foundation day ng state university namin sa araw na to, walang klase pero pumasok parin kaming magbabarkada para mag-enjoy sa mga events na mayroon sa campus sa araw na yon. Nang malapit na mag-gabi, 

A"Mga pare, mauuna na akong umuwi ngayon ha? Birthday kasi ngayon ng kapatid ko kailangan ko ng umuwi", sabi sa amin ni Steve habang busy kaming tatlo manood sa intermission number ng isang sikat na banda na dumalo sa campus. 

"Di mo man lang kami aayayain? Para mapakilala mo narin kami sa kapatid mo. Single ba siya pre? Hehehe", pabirong sinabi ni Kurt. 

"Oo nga naman", gatong ni Felix. "Sige na, kailangan ko na umalis.", sinabi ni Steve habang nakangiti at kumaway na paalis.

 "Wala talagang balak yang si Steve na ipakilala satin yung nag-iisa niyang kapatid lalong lalo na kay Kurt. Delikado. Hahaha", sabi ko at bumalik nalang kaming tatlo sa panonood. 

Nang matapos na ang mini-concert sa campus ay kumain muna kaming tatlo at nagsi-uwian na. Pagdating ko sa bahay mga 9:00pm narin yon, tumawag si Kurt sa cellphone ko. 

"PRE!", sigaw niya sa akin. 

"Ano meron pre? Napata–"

 "Nagchat sakin si Beverly, yong babaeng kakilala ko sa FB, na nakatira malapit sa dorm ni Felix! P*ta pre! Puntahan natin si Felix ngayon! Tang*na!", sabi niya at binaba niya agad ang tawag.

 Kinabahan ako at nalilito pa kung ano ba nangyari kay Felix, nagmadali nalang din akong nagpaalam sa mga magulang at umalis agad para tumungo kina Felix. Habang nasa byahe ay naisipan kung tawagan si Steve.

 "Mike, bakit?", sagot niya.

"Tumawag sakin si Kurt, natataranta, mukhang may nangyari kay Felix, papunta na kami sa dorm niya", sabi ko. 

"Ano?! Pupunta rin ako, kalahating oras lang byahe ko, hintayin niyo ko", sabi niya. 

Bumaba agad ako sa jeep na sinakyan ko at ng nasa kanto na ako malapit sa dorm ni Felix ay nakita ko na ang mararaming tao na nagtitipon, nakakita rin ako ng sasakyan ng pulis na nakaparada. Kinakabahan na ako ng mga sandaling yon, blanko narin ang utak ko.

 "Mike!", sigaw na narinig ko at kinuha ang atensyon ko. 

Naaninag ko si Steve na kumakaway ng mabilis kasama si Kurt. Tumakbo agad ako papunta sa kanila. 

"Asan si Felix pre?!", agad na tinanong ko kina Kurt at Steve. 

Dahan dahang may tinuro si Kurt at nung lumingon ako ay para akong naligo ng yelo at di ko magalaw ang buong katawan ko sa nakita ko.

 "Tang*na! Si Felix?!", sabi ko habang tinitingnan ang katawan ng kaibigan ko duguang nakahandusay sa kalsada sa tapat lang ng dorm niya. 

"Sino gumawa nito?!", tanong ko habang nakatingin kina Kurt at Steve na nagsisimula ng umiyak. 

Maya't maya pa ay dumating na ang ambulansya at ang panganay na ate ni Felix na humahagulgol habang nakikita ang kanyang kapatid na wala ng buhay. Kinausap namin siya at nagdamayan kami. Lumapit samin ang isang pulis at tinanong kung may alam ba kami sa nangyari. Magulo ang isip ko sa mga oras na yon pero nagawa naman naming sabihin nalang ang nangyari sa buong araw na yon hanggang sa sandali na maghiwalay na kaming tatlo nila Kurt at Felix. Kinausap din namin yung Beverly na nagchat kay Kurt pero narinig niya lang ang dalawang malakas na putok ng baril habang nasa loob siya ng dorm niya at paglabas niya ay nadatnan nalang din niyang nakabulagta si Felix na may isang tama ng bala sa ulo at di naabutan kung sino ang gumawa ng krimen. 

Alas dose na ng madaling araw, wala na ang mga tao sa kalsada. Kaming tatlo nalang nila Kurt at Steve ang naroroon, nakaupo sa pintuan ng dorm ni Kurt. Pinagmamasdan ang dugo sa kalsada. Di ko pa talaga matanggap sa mga oras na yon ang sinapit ng aking kaibigan. 

"Nangyari sakanya mismo yung nangyari noon?", pakuwari ko.

"Ibig sabihin may nakakita sa pangyayaring yon maliban sating apat?", mahinang tanong ni Kurt.

"At kung meron man, naisip niya kayang si Felix ang bumaril? At kaya niya nagawa to?", mabilis na sinabi ni Steve.

 "Kung may nakakita man? Bakit di niya nalang tayo isinumbong?! Mas malala pa tuloy ang ginawa niyang hayup siya!", sabi agad ni Kurt na nagsisimula ng kabahan muli. 

"Malinaw saking hindi aksidente ang nangyari kay Felix, di tulad ng nangyari noon", paliwanag ko. 

"Aksidente man o hindi, parehas parin yong krimen", sabi ni Steve. 

"Malabo pang makipagtulungan sa mga pulis na hanapin yung kriminal dahil mapwepwersa tayong bungkarin yung nangyari dati," sabi ko.

 "Kahit ano pa man, di ko parin matanggap na di na natin makakasamang muli si Felix. 18 years old palang siya, inaasahang magtutuguyod sa pamilya niya balang araw", dagdag ko na bigla nalang din nagpaalala sa akin sa kawalan din na naidulot namin sa pamilya ng babaeng yon.

----------

Tropang FKMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon