Break

12 1 0
                                    

Umaga na ng sabado, ngunit hindi parin ako makatulog. Hindi ako pinatulog sa halu-halong emosyon at sa mga bagay na tumatakbo sa aking isipan sa buong magdamag. Napansin din ng mga magulang ko na ako ay medyo maputla at matamlay pero pinapabayaan nalang nila ako. Pagdating ng hapon ay tinawagan ko na si Kurt. 

"Kamusta pre? May balita kana ba sa tita mo?", tanong ko. 

"Oo pre, tinawagan niya na ako kaninang umaga, tang*na pre di kami nakatulog ni Felix dahil sa nangyari", sabi niya. 

"Pare-parehas lang pala tayo, nga pala, anong sabi ng tita mo?", tanong ko. 

"Nung pagkatapos daw nating tumawag sakanya ay agad siyang pumunta sa lugar ng apartment, wala na daw yung katawan ng babae at iilang tao narin nalang ang nasa kalsada na nag-uusap usap", sabi ni Kurt. 

"Tapos?", tanong ko habang pinagpapawisan ng malamig. 

"Kinuha daw ng tita ko yung pagkakataon na yon para gumawa ng paraan, buti nalang daw ay naglalagay siya ng palamuti pang pasko sa mga apartment niya kaya inayos niya ulit yong mga yon agad agad para matakpan yong dalawang butas sa pinto", sabi ni Kurt. 

"Ayos yang tita mo ha", ang nasabi ko nalang kay Kurt sa ginawang pag cover up ng tita niya para sa nagawa naming krimen. 

"Pagdating daw ng mga pulis, nakita ni tita na may mga nakausap na silang tao doon at pinagtatanungan. Sa mga narinig niya, wala naman daw senyales na may nakakita na umuwi tayo sa apartment.", sabi ni Kurt.

 "Pwede na daw ako bumalik sa apartment pero dapat akong magpanggap na wala akong kinalaman sa nangyari, isa pa daw ay hindi naman taga-samin talaga yung babaeng napatay pero asahan ko parin daw na kakausapin ako ng mga pulis bukas para marinig yong palusot ko este yung panig ko pag bumalik sila. Hehehe", sabi ni Kurt at binaba ko ang cellphone ko. 

Nagawan ng paraan ng tita ni Kurt na pagmukhaing wala kaming kinalaman sa pangyayaring 'yon. Swerte narin namin na walang nakakita sa ilang oras na pag-stay namin sa apartment ni Kurt at nagkataon ring walang tao yung dalawang kalapit na apartment sa mga oras na 'yon. Kaming apat lang na magbabarkada ang saksi sa pangyayari. Si Steve, sa mga oras na 'to ay di ko parin nakaka-usap, pero kung sakaling isa sa siya mga napagtanungan dapat ngayon palang ay pinuntahan na kami isa isa ng mga pulis. Pero mukhang di niya rin kami sinumbong, tunay nga siyang kaibigan. 

-----

Kinabukasan, tumawag ulit sakin si Kurt. 

"Oh kamusta?", tanong ko. 

"Dumating na yung mga pulis pre, kinausap narin nila ako. Ayos pre, lusot tayo. Sa ngayon, mukhang iniisip nila na ligaw na bala ang sanhi at buong baranggay ang ini-espeksyon nila dahil di daw malinaw yung mga sinasabi ng mga nakausap nila kung saan maaaring nanggaling yung mga putok ng baril. Mukhang sineswerte tayo. Hehe", sabi ni Kurt na may kampanteng tono. 

"Siguro nga, sana naman pero wala ba tayong balak alamin kung sino yung babaeng yon? At kung saan nakaburol yung babae?", tanong ko. 

"G*go! Wag na. Tsaka aksidente nga lang ang nangyari pre, nakalabit namin ni Felix tig-isa yung baril kaya di rin ako sigurado kung sino ba samin talaga ang nakabaril sa babaeng yon lalo na't isang bala lang ang tumama sa babaeng yon. Gaya ng napagusapan natin nung nakaraan, kalimutan nalang natin to pre. Bukas nalang ulit.", mungkahi niya at ibinababa na ang cellphone. 

-----

Gumising ako ng maaga para makapasok rin agad at magbaka sakaling maabutan ko si Steve na maaga ring pumapasok sa campus, pero nabigo ako. Wala parin si Steve, di parin niya sinasagot mga tawag ko. Buong araw ay hinintay naming mag-babarkada si Steve pero mukhang di parin siya nakaka move-on sa nakita niya. Naalala ko tuloy yung kwento sakin ni Steve noon sa amin na nung nasa highschool pa daw siya ay isang araw habang kasama niyang maglakad pauwi yung kapatid niya ay kamuntikan na sila mabangga ng isang truck na nawalan ng kontrol at nakita niya nalang ang mga taong nakalumpasay sa kalsada na duguan. Isang linggo daw siyang nanginginig sa takot at di nakapasok. Marahil ay ganon din ang nangyari sakanya ngayon. Kung di talaga siya papasok ngayong linggo, dahil christmas break na next week, baka sa balikan na sa January namin siya muling makikita.

----------

Tropang FKMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon