Tropang KFMS

11 1 0
                                    

Eto na siguro ang pinakamalungkot na pasko at bagong taon na napagdaanan ko. Di kaya ng konsensya ko na maging masaya habang naiisip ko na may pamilya na malamang ay malungkot parin dahil sa di parin nila nakakamit ang hustisya para sakanilang anak at marahil ay hindi na nila makakamit pa. Madalas ko paring napapanaginipan ang pangyayaring iyon. Pero habang tumatagal ay nawawala narin kaba ko na darating yong araw ay huhuliin kami ng pulis dahil may nakakita bukod sa amin sa nangyari. Si Felix mukhang okay naka move on narin, parehas sila ni Kurt na hindi parin sigurado kung sino sakanila ang nakapatay kaya iniisip niya nalang na hindi siya ang dapat umako ng kasalanan. Eto namang si Kurt, na aminadong nakamove on na talaga sa pangyayari, at ng pamilya niya, na walang kaalam alam sa nagawa ng anak nila, ay nagpasko at nagbagong taon sa Singapore. 

-----

Kagaya ng aking nakasanayan ay pumasok ulit ako ng maaga sa unang araw ng taon. Napangiti nalang ako ng madatnan ko na si Steve na naroon na sa loob ng classroom, tulad lang ng dati. Agad ko siyang nilapitan sa sobra kong pagkasabik. 

"Pre! Kamusta ka na?", malakas na tanong ko na may halong galak sa muling pagkita ko sa aking kaibigan. 

"Ang tagal nating di nagkita at nagkausap ah", dagdag ko pa at umupo na ako sa tabi niya. 

"Ayos lang pre, kayo ba?", mahinang sagot ni Steve na nakatingin lang ng diretso sa harapan niya.

 Agad bumalik sa isip ko yung pangyayaring iyon at yung maaaring naging nag-iwan ng trauma sakanya.

 "Matagal ka na naming gustong kausapin mula noong araw na 'yon, gusto ka naming kamustahin. Natakot ako na kung maaga aga ka ng kaunti ay baka ikaw yong...", di ko na tinapos ang sinabi ko dahil pansin ko narin na wala siyang ganang pag-usapan yon at baka maging masama pa ang epekto ng pag-papaalala ko sakanya sa nangyari kaya nanahimik nalang ulit ako sa tabi niya. 

Maya't maya pa ay pumasok narin ang iba naming mga classmate. Nung pumasok si Felix ay nagulat din siya nung nakita niya si Steve at agad din itong kinamusta at kinulit. Sinenyasan ko si Felix na wag munang kausapin kaya tumigil narin muna siya. Noong si Kurt naman yung pumasok sa room,

"WHOOOOO! I'M BAAAACCCK!", sigaw ni Kurt habang bitbit ang isang bag na puno ng souvenirs galing Singapore. 

Napahinto rin siya ng makita si Steve na napapagitnaan namin ni Felix, lumingon siya samin at iniilingan ko agad siya. Nagmadali siyang ipamigay ang mga dala niya sa iba pa naming mga classmate at agad lumapit saming tatlo. 

"Kamusta mga pare?", nagagalak na tanong ni Kurt. 

"Saya mo ha, porket nagpa-Singapore ka lang", biro ni Felix. 

"Oh saan na yong mga pasalubong para saming tatlo?", dagdag ko na nagbabakasakaling magawa naming mapagsalita si Steve na parang walang nangyari.

 Inabot naman niya yung mga key chain na may mga pangalan namin. Kinuha naman ni Steve yung sakanya, ngunit tahimik parin siya at nagpupumilit ibaling sa iba ang kanyang atensyon. Hinayaan nalang muna namin siya na ganyan. Dumating ang oras ng lunch break, as usual magkakasama kaming mga tropa. Pinipilit naming gawing nakakatuwa ang usapan pero ang nagagawa lang ni Steve ay sumama sa amin at maging tahimik lang. Dahil mayroon na naman kaming 3-hour break mamayang hapon, nagyaya si Felix na tumambay sa kanila. Sumama naman ang lahat. Dating gawi, si Felix busy sa pagbabasa ng novel. Si Kurt na kahit sawi sa pag-ibig ay patuloy parin sa pambobola sa kanyang mga babae sa facebook. Kinuha ko naman yung gitara ni Felix na inaalikabukan na. 

"Pre, tugtog naman tayo oh", pamungkahi ko kay Steve habang nag-iisip ng pwedeng tugtugin.

 Tumahimik kaming tatlo nila Kurt at Felix para hintayin kung sasagot si Steve pero di parin siya nagsalita.

 "Ano ba pre?!", biglang sigaw na tanong ni Felix.

 "Ano magmumukmok ka nalang ba diyan na parang kabute?!", dagdag pa niya. 

"Ano, nagtatampo ka sa amin dahil iniwan ka nalang namin noong mga oras na yon na parang naihi na sa sariling pantalon? Hahaha", pabirong sinabi ni Kurt.

 Si Felix at Kurt ay nagiging manhid na sa pagkakataong yon sa nararamdaman ni Steve kaya umawat agad ako. 

"Felix! Kurt! tumigil nga kayo", sigaw ko at tinitingnan ko kaagad si Steve sa kung ano biglang gawin niya. 

"Ikaw na nga bahala diyan Mike", sabi ni Kurt sakin at bumalik nalang silang dalawa sa ginagawa niya.

 Lumipas ang buong hapon na at nagkasundo nalang kami na di na bumalik sa campus at pumasok sa last class namin sa araw na yon. Nang magkayayaan na na magsiuwian...

 "Ano ba talaga ang totoog nangyari sa loob ng apartment ni Kurt?", nanginginig na tanong ni Steve sa amin. 

"May kinalaman ba kayo sa nangyari?!", dagdag na tanong niya.

 "Narinig ko ang dalawang malakas na putok doon sa apartment kung saan nakita kita Mike", sabi niya sa aming tatlo. 

"Sabihin niyo sakin na wala kayong kinalaman!", sigaw niya. 

Iyon lamang ang pagkakataon na nakita namin si Steve na galit. Nagulat kaming tatlo sa pinakita samin ni Steve. Siguro dahil narin sa naiwang trauma sa kanya ng pangyayari kaya siya nagkaganon.

 "Oo, Steve, may kinalaman nga kami sa nangyari pero di namin sigurado kung sino talaga ang nakapatay samin doon sa babae. Ayokong makulong, ganon din si Felix at Mike... Steve, kalimutan nalang natin yon. Move on move on din.", sagot ni Kurt.

 "Bakit di kayo sumuko sa mga pulis? Mike, bakit?", matahan na tanong ni Steve sakin.

 Di ko alam pero kinakabahan ako sa mga sandaling yon.

 "Steve, magulo ang isip ko nung mga oras na iyon. Pero ang tumatak sakin non ay ayokong may mapahamak sa ating apat na magtotropa kaya ganon. At tsaka tayong apat lang din naman ang nakakita sa pangyayari.", sagot ko. 

"Kung tutuusin Steve, kasabwat kadin dito eh! hindi ka nagsalita nang anumang tungkol sa amin sa mga pulis kaya nakalusot tayo. Humihingi lang kami ng pasensya na nagawa ka namin iwan non, sigurado kasi kaming di ka pagkakamalang suspek kaya ganon", singit ni Felix na mukhang nagpinahon sa tensyon sa magtotropa. 

"Steve, Mike, at Felix, magtotropa tayo dito. Walang iwanan! Sana makalimutan na natin ang pangyayaring yon, pinagsisihan na natin yon kaya para narin sa ikabubuti natin, ibaon nalang natin sa limot ang mga yon. Bagong taon, bagong buhay! Hahaha", sabi ni Kurt. 

Hinakbayan ko nalang agad si Steve na kahit paano sa wari ko ay bumalik na sa dating katinuan at nalinawan narin sa pangyayari. 

"Okay na ba ang tropang FKMS?" pabiro ko at ngumiti nalang ang bawat isa. 

Nagkasundo nalang kaming magtotropa na mula ngayon ay ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng tropa na sa gayon ay di na maulit pa ang ganong insidente.

-----

Tropang FKMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon