Prologue:

315 30 11
                                    

Note: Sorry for typos; wrong spelling, wrong grammar and etc.
-

I strummed my guitar and start singing.

♪Summer after high school when we first met
We'd make out in your Mustang to Radiohead
And on my 18th Birthday
We got matching tattoos♪

I really love this song. Kantang nangangako. I mean, pangakong walang hanggan. Pangakong kahit paulit-ulit na napapako ay paulit-ulit ding natutupad. Ang gulo no? But, yan ang pagkakaintindi ko sa kanta. A promise that will never last.

Used to steal your parents' liquor
And climb to the roof
Talk about our future
Like we had a clue
Never planned that one day
I'd be losing you♪

Alam mo yun na kahit sobrang hirap ng pangako nila sa isa't isa. Tutuparin nila yun kahit sa kabilang buhay pa. Hinding hindi nila kakalimutan ang pangakong yun at tutuparin nila yun kahit anong mangyari.

♪In another life
I would be your girl
We'd keep all our promises
Be us against the world♪

And you know what I wish whenever I sing this song? I wish na mahanap ko ang lalaking magmamahal sa akin at tutuparin ang mga pangako namin sa isa't isa kahit sobrang hirap tuparin. But, I know mahirap nang makahanap ngayon ng lalaki seryoso. Mangilan-ngilan nalang kasi sila.

♪In another life
I would make you stay
So I don't have to say
You were the one that got away
The one that got aw--♪

"Boo!" Napatigil ako sa pagkanta at muntikan ko nang mabitawan ang gitara ko.

"Ano ba? Wag ka ngang manggulat. Aatakihin ako sa puso sayo, eh." Iritang sabi ko sa kanya at ngumiti lang sya ng nakakaloko na mas lalo akong nairita sa kanya. Inirapan ko nalang sya.

"Sige na, ipagpatuloy mo na yang pagkanta mo." Hindi ko naman sya pinansin. Bahala sya dyan, binadtrip nya ako.

"Sige na. Kumanta ka na ulit. Hindi na kita gugulatin o iistorbuhin. Makikinig nalang ako sayo, sa pagkanta mo." Sabi nito na ikinalingon ko sa kanya. Nakangiti ito na mukhang ewan. Gusto ko sanang tumawa pero napailing nalang ako at sinimulan ulit ang naudlot kong pagkanta.

Habang kumanta ako ay sa kanya lang ako nakatingin at ganun din sya sa akin. Para bang may magnet ang mga mata namin at hindi namin maalis ang tingin namin sa isa't isa.

Napapikit at napangiti ako habang kumakanta. Kahit nakapikit ako ay ramdam na ramdam ko na nakatingin pa din sya sa akin. Hindi nito inaalis ang tingin nito sa akin, na para bang gusto nya akong bantayan dahil baka kung anong mangyari sa akin.

But, you know what, simula ng makilala ko sya ay nag-iba ang takbo ng buhay ko. Ang dating simpleng buhay ay naging magulo dahil sa sobrang kulit nya at lagi nya akong kinukulit. Pero, kahit sobrang kulit nya, kulang nalang ay maging bata ulit sya, never akong nainis sa kanya. Although, pinapakita ko na naiirita ako sa kanya. Pero sa totoo lang, gustong gusto kong kinukulit nya ako at nandyan sya sa tabi ko. At isa pa, ayaw ko syang mawala sa tabi ko. Gusto ko laging nandyan sya at ramdam ko ang presensya nya sa paligid ko.

At kung mangyari man na mawala sya, hinding hindi ko sya kakalimutan. Mananatili syang nasa puso't isipan ko, magpakailan. Dahil, ang simpleng buhay ko na boring ay nilagyan nya ng kulay na gustong gusto ko at ayaw kong mawala yung kulay na iyon.

Napadilat ako ng matapos kong kantahin ang buong kanta. Nakita kong nakangiti syang nakatingin sa akin at nginitian ko din sya. At dahil din sa kanya ay nakakangiti ako ng totoo at walang halong kaplastikan.

To be continued.

Your PresenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon