1

57 19 3
                                    

Note: Sorry for typos; wrong spelling, wrong grammar, etc.

"Your Presence"

"Anna!" Tawag ko sa kanya at agad ko syang niyakap. Alam kong kailangan nya to. Alam kong kailangan nya ng karamay at masasandalan, ngayong naaksidente si Jay at kritikal ang kalagayan yan nya.

"K-karl, si J-jay. H-hindi ko kayang wala sya sa b-buhay ko. B-bakit kung kailan kami na kami masaya, s-saka pa ito m-mangyayari?" Sabi nya at umiyak ng umiyak sa dibdib ko.

Iyak lang sya ng iyak. Hinayaan ko lang syang umiiyak. Yan ang kailangan ngayon, ang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman nya ngayon sa pamamagitan ng pagluha.

Hinigpitan ko naman ang yakap ko sa kanya habang hinihimas ang likod nya. Sa ganitong paraan ay maipaparamdam ko sa kanya na may taong handa syang damayan at mahalin kahit patago.

Ilang minuto din kami sa ganing posisyon hanggang sa bigla nalang syang napatigil sa paghikbi .

"A-anna?" Tawag ko dito atsaka ko hinawakan ang balikat para ilayo sya ng unti sa akin.

Kitang kita kong namumutla ang mukha nya. Alam kong hinang hina sya. Muntikan na kasi syang matumba, buti nalang hawak ko ang dalawa nyang balikat. Nakahawak din sya sa dibdib nya at nakapikit ang mga mata nya.

"K-karl, h-hindi ako m-makahinga." Mahinang sabi nya at nawalan na sya ng malay.

"A-anna. Anna!"

~~~

Malungkot ang mukha kong tinitignan si Anna na nakahiga ngayon sa hospital bed. Hindi ko lubos isipin na may sakit pala sa puso si Anna, na malala na ito at agad dapat syang operahan.

Ngumiti naman ako ng bahagya dahil unti unting dumidilat ang mga mata nya. Sa wakas, nagising din sya. Isang linggo na din ang nakakalipas mula nung operahan sya.

"K-karl." Mahinang sabi nya nang makita nya ako.

"Nasaan si Jay?" Natigilan ako sa tanong nya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na wala na si Jay, na binawian na ito buhay, na hindi na kinayaan ni Jay.

"Karl, nasaan si Jay?" Ulit nyang tanong. Ayoko sanang sagutin amg tanong nya para hindi sya masaktan pero kailangan nyang malaman.

"Wala na si Jay, Anna. Binawian na sya ng buhay." Unti unting lumalabas ang mga luha nya sa kanyang mga mata. Nasasaktan ako, nasasaktan ako kapag nakikita ko syang nasasaktan.

"A-anong wala na si Jay? A-alam kong b-binibiro mo lang ako. H-hindi magandang biro ito. K-kaya, p-please lang, s-sabihin mo kung nasaan si Jay, Karl." Sabi nya at inalis ang kumot na bumabalot sa kanya. Nagmamadali syang maka-alis sa higaan.

"A-anna, wag ka munang magkikilos, hindi pa masyadong magaling ang sugat mo." Yan nalang ang nasabi ko para huminahon sya.

Napahawak naman sya sa dibdib nya. Napatingin sya sa akin habang patuloy na umiiyak. Pakiramdam ko ay alam nyang hindi nya puso ang gamit nya ngayon, at naghahanap sya ng kasagutan sa akin.

"Alam kong alam mo na hindi yan ang puso mo." Malungkot na sabi ko sa kanya.

"K-kaninong puso to?"

"Kay Jay." Natigilan naman sya sa sinabi ko.

"Kailangan mo ng operahan nun, Anna. Kailangan ipa-heart transplant ang puso mo dahil sa malala na ang sakit mo. At, sa mga oras na yun, binawian na ng buhay si Jay, at baka ganun din ang mangyari sayo kung hindi ka ooperahan, Anna." Tahimik lang syang nakatingin at nakikinig sa akin habang umiiyak.

Your PresenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon