R

184 25 10
                                    

Note: Sorry for typos; wrong spelling, wrong grammar and etc.
-
"Your Presence"

"Papi Mccoy, kamusta naman ang pagiging sawian sa pag-ibig." Napatigil ako sa pagkakabisado ng lyrics ng kanta. Sumali kasi ako sa contest ng department namin. At dahil huling taon namin ito, gagalingan ko ang pagkanta ko. At, para sa kanya din tong kantang kakantahin ko.

Napatingin ako kay Mccoy na kasalukuyang papasok ng room namin. Pinagmasdan ko sya, lalo na ang mga mata nya. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nito kahit ang kanyang labi ay ngumingiti.

"Wag nga kayong maingay. Buti nalang wala si Ella dito." Pagsaway ni Mccoy sa mga tropa nya.

Hindi ko maiwasan na hindi manghinayang sa kung anong merun sila noon. Akala ko nga, sila talaga ang magkakatuluyan, kaso wala, eh. Hindi yun nangyari.

"Ano nanaman ang nasa isip mo? Ako nanaman ba?" Bigla akong kinalibutan nang may bumulong sa tenga ko mula sa likod ko. Agad ko syang hinarap at tinaasan ng kilay.

"Ang hilig mo talagang manggulat, Jay." Inis na sabi ko sa kanya.

"Gusto mo naman." Sabi nito sabay taas baba ng kilay nito. Mas itinaas ko ang kaliwa kong kilay.

"Hindi ko gusto--"

"Kasi mahal mo ako." Sabi nya sabay kindat sa akin. Napaiwas ako nang tingin sa kanya. Feeling ko namumula ako sa ginawa nyang pagkindat. Bakit kasi ang gwapo nya?

"Uy! Nagwagwapuhan sya sa akin. Namumula ang dalawa nyang pisngi." Nakaramdaman ako ng hiya at kilig. Kaya naman, agad akong napatayo. Papaalis na sana ako ng room namin ng bigla nya akong niyakap mula sa likod ko.

"Okay, I'm sorry. Wag ka nang magalit." Bulong nya sa tenga ko.

"You don't have to. Hindi ako galit. Hanggang ngayon kasi hindi pa din ako sanay na tayo nang dalawa. I mean, hindi ko aakalain na ang mahal ko ay mahal din ako." Mahina kong sabi at niyakap naman nya ako ng mahigpit. Napapikit naman ako at dinama ang higpit na yakap nya na may kasamang pagmamahal.

"Hoy! Tama na yan! May naiingit dito, oh. Si Papi Mccoy naiingit sa inyong dalawa." Agad naman akong napadilat dahil sa gulat. Pero, nanatiling nakayakap parin sa akin si Jay.

"Magtigil ka nga, Gabby." Hindi naman namin sila pinansin. Nagtitigan kami ni Jay at ngumiti sa isa't isa na ubod ng tamis.

"Tama na yang landian nyo. Ipagpatuloy nyo yan kapag tapos na ang klase ko sa inyo." Agad namang napalayo kami ni Jay ng isang pulgada sa isa't isa.

"Ano pang hinihintay nyong dalawa? Valentine's Day? Halloween muna bago yun. Bumalik na kayo sa upuan nyo. At, pwede ba wag kayong magtabi. Ayoko kong may nakikita akong naglalandian sa oras ng klase ko." Masungit na sabi ng prof. namin. Agad naman kami bumalik sa upuan ni Jay. Katulad ng sabi ng terror naming prof. Naghiwalay kami ng upuan. Mahirap na baka palabasin kami ng room. Mas uunahin ko pa din naman ang pag-aaral.

"Landi pa more, friend." Bungad na pang-aasar sa akin ni Lina ng maka-upo ako.

"Wag ka nang maingay. Baka marinig pa tayo at palabasin tayo." Saway ko sa kanya pero ngiting nakakaloko lang ang ginawa nya.

I sighed. Napailing nalang ako at humarap sa terror naming prof para makinig sa kanyang ituturo sa amin.

~~~

"Friend, una na kami. May kailangan pa kaming bilhin." Sabi sa akin ni Lina.

"Wag kang munang mauna, bata ka pa." Alalang sabi ko sa kanya.

Your PresenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon