1

68 21 5
                                    

Note: Sorr for typos; wrong spelling, wrong grammar and etc.
-
"Your Presence"

"Anna!"

"Bakit?" Malumanay kong sabi. Para bang wala akong gana sa lahat ng bagay ngayon.

"Kainin mo na yang pagkain mo." Napailing naman ako at inilayo ko ang isang plato na punong puno ng pagkain.

"Busog pa ako."

"Busog ka pa? Nung nakaraan ka pa hindi kumakain ng matino, eh." Napatingin ako sa kanya at napangiti ng tipid.

He sighed. "Kainin mo na yan, Anna. Nangangayayat ka na at baka magkasakit ka pa nyan." Alalang sabi nya. Ginalaw ko naman yung kutsara para lagyan ng ulam at kanin saka ko iyon sinubo at kinain.

"Tapos na." Sabi ko ng malunok yung kinain ko sabay ngiti ng tipid.

"Anna." Mahinang sabi nya at napabuntong hininga nalang ako. Wala narin akong nagawa kundi piliting kainin ang pagkaing nasa harapan ko kahit wala akong gana. Alam kong sobra syang nag-aalala sa akin dahil ilang araw narin akong ganito at walang ganang kumain.

Sino naman gaganahang kumain kumain kung hanggang ngayon ay hindi pa din nagpaparamdam sa akin si Jay? I mean, hindi pa ba na naaalala na anniversary namin ngayon? At, nakakawalang gana talagang kumain sa lugar na kung saan kami laging kumakain ni Jay.

"Kapag nakita ko talaga yung lalaking yun, masasapak ko talaga sya." Agad akong napatingin kay Calv. May inis at pag-aalala akong nakikita sa mukha nya.

"Alam mo, Anna. Kung ganyan lang din ang nangyayari sa inyo, mas mabuting maghiwalay nalang kayong dalaw--"

"H-hindi ko sya kayang hiwalayanan, mahal ko sya." Halos mawalanan ako ng boses dahil nagsisimula nanamang magsiwaldasan ang nga luha ko.

"Mahal mo sya, pero mahal ka pa ba nya?" Hapahagulgol ako sa sinabi nya. Buti nalang unti lang ang kumakain dito at unti lang ang makakakita sa aking umiiyak.

"M-ma-mahal nya ako, may ti-wala--"

"Siguro nga mahal ka nya. Pero, sa oras na makita kong umiiyak ka dahil sa kanya. Hindi ako magdadalawang isip na bawain ka sa kanya." Natigilan ako sa sinabi nya. Madiin ang pagkasabi nya nito at kilala ko sya, gagawin nya talaga ang mga sinasabi nya.

Napabuntong hininga sya at ngumiti sya sa akin.

"Calv--"

"Paano ba yan, Anna, uuwi na ako sa amin. Sayang at ang swerte sya dahil hindi ko sya nakita sa ilang araw kong namalagi dito. Kung nakita ko man sya, hindi ako magdadalawang isip na sapakin sya at bawain ka."

Oo nga pala, kailangan na nyang umuwi sa kanila. Sa mga araw na hindi kami nagkasama ni Jay, sya ang nakasama ko at dahil sa kanya ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. At ngayon, uuwi na sya, wala na akong makakasama sa araw na ngayon na dapat masaya. Wala na akong karamay sa araw na ito.

"Sana naman sa muling pagkikita natin ay masaya kayong dalawa. Hindi katulad nito. Kilala mo ako, Anna. Ginagawa ko ang mga sinasabi ko." Sabi nya at ngumiti ng bahagya.

"Pero bago man ako tuluyang umuwi sa amin, sasabihin kong, mahal ka nun. Kitang kita ko yun nung una kaming magkita sa debut mo. Magtiwala ka pa din sa kanya at may supresang ibibigay yun sayo." Sabi nya at nagbigay naman yun ng pag-asa sa akin na, sana nga ay may supresa sya sakin ngayong anniversarity namin.

"Tara!" Yaya nya at abot ng isang panyo. Kinuha ko naman yun at pinunas sa basa kong pisngi dahil sa mga luha. Matapos nun, agad kaming lumabas sa kainan.

Your PresenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon