M

87 21 6
                                    

Note: Sorry for typos; wrong spelling, wrong grammar and etc.
-
"Your Presence"

"It's time to let go, Anna." Napaiyak nalang ako unti-unting naglalaho sa paningin ko si Jay.

"Jay!" Naisigaw ko nalang ang kanyang pangalan nang tuluyan na syang naglaho.

-

Napabangon ako sa higaan ko at umiyak nang umiyak. Naririnig ko ang mga katok at tawag sa akin ng mga kapatid. Siguro narinig nila ang pagsigaw ko. Pero, hindi ko iyon pinansin. Nanatiling nakaupo sa kama habang yakap yakap ang aking mga binti at umiiyak.

~~~

"Anna?" Agad kong pinunasan ang luhang nagwawaldas sa aking mga mata. Saka tinignan kung ang tumawag sa akin.

"E-ella, ikaw pala. Bakit ang aga mo yata ngayon?" Sabi ko at ngumiti ng bahagya.

"Ako dapat ang nagtatanong nang ganyan. Bakit hindi ka pa pumapasok? Second batch ngayon at Second batch ka, diba?"

"Oo, pero--"

"Umiyak ka nanaman ba?" Natigilan naman ako sa tanong nya at tanging iling lang ang naisagot ko sa kanya.

"Eh, bakit maluha-luha yang mga mata mo?"

"Ahh... ehh... napuwing lang ako."

"May napuwing bang namumugto ang mga mata? Halatang umiyak ka, kaya wag ka nang magkaila pa." Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Alam naman nya palang umiyak ako, ang dami pang tanong. Parang sarap sabihin nya, kaso wala ako sa mood na makipagbiruan.

"Alam ko ang nasa isip mo. Bakit mo nalang kasi sinagot yung una kong tanong? Edi sana, isa lang ang naging tanong ko sayo." I sighed. Tama nga naman sya.

"So, bakit hindi ka pa pumapasok ngayon?" Tanong nya na nakatingin sa tinatawag naming Great Wall of China sa university namin.

"Bago ko yan sagutin. May tanong ako sayo." Sabi ko ay tinignan ang mga estudyante ng lalaro ng volleyball na hindi kalayuan sa kinauupuan namin.

"Anong naramdaman mo nang maghiwalay kayo ni Mccoy? Hindi ka ba nanghihinayang sa pinagsamahan nyong dalawa." Sabi tanong ko sa kanya at naramdaman ko naman na napatingin sya sa akin. Kaya naman ay napatingin din ako sa kanya. Ngumiti sya ng bahagya at napatingin muli sa Great Wall of China.

"Unang una sa lahat, hindi kami naging kami." Agad akong napatingin sa kanya.

"Hindi naging kayo, pero bakit sobrang sweet nyo sa isa't is--"

"Tama muna ang ibang tanong. Hindi ko tapos sagutin ang tanong mo kanina." Sabi nya at napatango nalang ako.

"Kahit hindi naman naging kami ni Mccoy, syempre nalungkot ako. Nalungkot ako at syempre nanghihinayang ako." Sabi nya at napangiti sya ng bahagya sa akin.

"Pero alam mo ba, Ella? Akala ko talaga para talaga kayo sa isa't isa. Akala ko perfect match na kayo, hindi pala." Kung tutuusin ay naging malungkot din ako para sa kanilang dalawa, sa nangyari kanila.

"Marami talagang namamatay sa maling akala." Bahagya syang napatawa sa sinabi nya at napailing.

"Akala ko din, eh. Pero, may mga bagay talaga na hindi para sa isa't isa. Na akala mo sila na hanggang sa huli, pero hindi naman pala. Parang kami ni Mccoy. Hindi talaga kami para sa isa't isa." Hindi ko maisawan na hindi masaktan sa sinabi nya. Para bang tinamaan din ako sa sinabi nya. Gusto ko sanang magsalita, ngunit nanatili akong tahimik dahil alam kong may sasabihin pa sya.

Your PresenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon