1

118K 935 11
                                    


"OH COME on, Ken. Really? Papayagan mo akong pumuntang mag-isa sa party?" nakabusangot na tanong ni Heidi sa kaniya.

She sighed. "Hyd, you're not going there alone. Kasama mo si Joseph, na boyfriend mo," she smirked.

Tumabi ito sa kaniya. "I know, I know. You're still mad at me for hiding the fact that Joseph is already my boyfriend. Pero kasi, hindi pa ako sure, you know. I had to make sure na siya na talaga saka ko sasabihin sa 'yo. Alam mo naman na ilang relationships ko na ang naunsiyami dahil padalos-dalos ako."

"Padalus-dalos o hindi, hindi ka pa rin magiging sure. In this world, you will never be sure."

Marahan nitong dinutdot ng hintuturo nito ang tagiliran niya. "Hugot na naman?"

"Hindi iyon hugot, totoo iyon."

"Fine. Basta huwag ka nang magtampo, please. Two weeks pa lang naman kami."

"Hindi ako nagtatampo. Magbihis ka na nga."

"So, hindi ka talaga sasama?"

Umiling siya.

Napailing ito. "There will be boys there. Hot, gorgeous boys. It's time for you to go out and have fun. You know, meet people... have sex! Yes, sex. You need sex. Well, not really sex... but make out session. You know what I mean?"

Natawa siya. "Yes, I know what you mean and I am not interested. Please, I'm busy. May tatapusin pa ako. I don't need sex or make out session. I'm fine."

"You need to date," seryosong wika nito.

"You always say that."

"It's been three years. Baka sabihin na naman ng mokong na iyon na patay na patay ka sa kaniya."

Biglang nagdilim ang paningin niya pero agad ding nakabawi. "Well, too bad, it's not true. At wala akong pakialam kung gusto niyang ianunsiyo sa buong mundo. Ang kapal naman ng mukha niyang isipin na siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin ako."

"Sorry, I shouldn't have brought him up."

Itinaas niya ang kamay. "It's okay. Alam ko namang mas galit ka sa gagong iyon."

Napangiti ito. "You know it. Sabihin mo lang sa 'kin at talagang sasaktan ko ang walang hiyang 'yon."

She beamed at her friend. "No need. Ang suwerte naman niya para paglaanan pa natin ng enerhiya at panahon."

Her friend just sighed. "So, wanna go out tonight?"

Muli siyang umiling. "Nah, 'still not changing my mind. I'm not lying, Hyd. May tatapusin pa 'ko. My boss is flying to Switzerland tomorrow."

She was working for a private philanthropist. Isa siya sa mga accountants nito. She was in charge of his taxes. She had been working for Mr. Nald for two years. And she loved her job. Sa bahay lang siya madalas magtrabaho. Minsan lamang niya kailangan na pumunta sa main office ng employer niya.

"Okay. Okay. But please, consider the idea of dating," hirit ni Heidi.

She sighed. She knew her friend's intentions were genuine and she was just thinking about her but she just actually didn't have time and the energy.

"Hyd, I know you mean well, but relationships are so overrated. Why do I need to be in a relationship? Pareho kayo nina mama at papa. I'm only twenty four. Why can't I just be happy on my own? I am happy on my own. I'm a strong independent woman who don't need no man."

Wildest Fantasy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon