3

78.4K 781 16
                                    

KENLEIGH woke up with a heavy heart. O mas tamang sabihin na awkward ang pakiramdam niya sa sarili dahil sa nangyari kagabi. She wanted to just think it was all a dream. Or hallucination. Lihim siyang natawa sa sarili. It wasn't a dream. Nakatulugan niya si Heidi habang nanonood sila ng pelikula at kinailangan siyang buhatin ni Dale patungo sa kuwarto niya. At dahil isa siyang marupok na babae, nagkunwari siyang natutulog pa dahil gustong-gusto niyang ang paraan ng pagkakabuhat sa kaniya ng binata.

You are so in trouble.

Pumasok na sa trabaho si Heidi. Ang naabutan niya sa living room ay si Dale, may binabasa ito sa libro nito. Nang mapansin siya ay nag-angat ito ng tingin.

"'Morning..."

Nginitian niya ang binata. "'Morning."

Iyon lang at muli na nitong ibinalik ang atensiyon sa binabasa. She made her way to the cupboard and made her coffee. Itinuon niya ang pansin sa labas ng bintana. Their neighbors were getting ready for school and work. At hayun siya, iniisip kung tama ba ang nararamdaman niya. She could not forget about the damn kiss. She felt like his warm lips were still on her neck. Nakagat niya ang labi. Was it normal?

Of course, I'm a young woman... natural lang. But not with Dale, for fudge's sake.

"I'm going."

Napatingin siya sa binata. Aalis na ito patungo sa review center. Tumango siya. Then, he was gone. Medyo nanibago at naging pormal na ang pakikitungo nito sa kaniya. Lihim naman siyang nagpasalamat. It was what she wanted, right?

Hinarap na lamang niya ang trabaho. Nakakulong lamang siya sa kuwarto, lumabas lang nang kumalam ang sikmura. Noon tumunog ang cellphone niya. It was Heidi.

"Hello?"

"Hey, puwede mo bang sunduin si Dale? I can't go... may pinapatapos pa ang manager ko na report. I'm trapped here."

Kung hindi lang nito sinabi na sunduin niya si Dale, she would have laughed. Heidi sounded miserable. Alam niyang ayaw na ayaw nitong nag-o-overtime. Nang i-check niya ang oras ay alas singko na pala ng hapon. Dahil sa taas ng ginagawa niya, nakalimutan na niyang i-monitor ang oras.

"Nasa Highway Resort ang magaling."

Kumunot ang noo niya. "One hour drive from here? Are you kidding me?"

"Sadly, I'm not. Nagkayayaan daw ang mga kaklase niya, hindi na nakatanggi." Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kaibigan sa kabilang linya.

"Okay, I'm going. Don't worry."

"Thanks, Ken."

She was on her pyjamas all day. Pinalitan niya iyon ng jeans at puting loose shirt, na siyang una niyang nahablot sa closet niya. Inilabas niya sa garahe ang pulang Mazda 3, nabili niya iyon six months ago mula sa kaibigan ng kakilala ni Heidi. Ibinenta niya ang dating kotse at gamit ang pera mula roon at mula sa naipon niya, nabili niya ngayon ang ginagamit na sasakyan. It was secondhand but still in a very good condition.

Mahina siyang napamura nang makita ang traffic. Kinuha niya ang cellphone at t-in-ext ang kaibigan. Sinabi niya ritong baka matagalan siya dahil doon. Sumagot naman ito na wala raw problema, kalakip ng mensahe nito ay ang numero ni Dale. Is-in-ave niya ang number nito. She thought of texting him, but she dismissed the idea. Baka sinabihan na ito ni Heidi.

She got at the resort at seven in the evening. Hindi na siya nag-abala pang pumasok. Tinawagan na lamang niya si Dale. Pero hindi naman ito sumasagot. She sighed in frustration. Matapos ang tatlong dials ay nagdesisyon siyang pumasok na.

Wildest Fantasy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon