9

63.3K 647 17
                                    


HULING GABI na nila ni Dale na magkasama na walang iniisip, dahil wala ang kaibigan niya. But she was coming back tomorrow and they would be back to their normal routine. Nginungutngot ang dibdib niya sa pag-aalala na hindi man lang niya nasasabi sa kaibigan ang tungkol sa kanila ni Dale. But she was at the edge. At the edge of happiness... or lust, whatever you call it. She was just too happy. Too happy she didn't want to think about telling her best friend... yet. Not just yet.

"Let's go."

Napatingin siya kay Dale na kalalabas lamang sa kuwarto nito. He was wearing a washed denim style button-up with his black jeans. Pinilit niyang ilayo ang mata rito. Although he just looked so irresistible. She was sitting on the couch, typing things on her laptop.

"Where?"

"'Made a reservation for dinner."

"You didn't even tell me." Nahinto siya sa ginagawa. "Akala ko ba dito lang tayo?"

"I don't want you to refuse. Come on, magbihis ka na," anito at ngumiti sa kaniya.

"You should stop smiling like that," aniya at tumayo na.

"Why?"

She shrugged. "You just look stinking cute."

Natawa ang binata.

Nagmadali naman siyang pumasok sa kuwarto niya at nagbihis na. She went for her casual tweed blazer and black skirt. Pinasadahan niya ng suklay ang maayos na namang buhok. She just went for a natural makeup, kaya naman hindi na siya natagalan.

"Pasalamat ka nagmadali akong talaga, baka inabot ka rito nang ilang oras," aniya sa binata nang makalabas na.

He laughed and reached for her hands.

Sa isang romantic restaurant siya nito dinala. First time niya roon, at kasama pa si Dale. It was nice. At ang mas lalo pa niyang na-enjoy ay ang mga kuwento ng binata. Ang sarap nitong kausap. Parang ngayon lang yata niya na-enjoy ang kasama na hindi si Heidi ang kaharap. He was cute, he made sense... he was a great conversationist and she loved every second of their dinner.

Pagkatapos nilang kumain ay dumaan pa sila sa mall, wala naman siyang bibilhin pero sumang-ayon na rin siya sa gusto ni Dale na pumunta doon. Ayaw niyang matapos kaagad ang gabi nila.

Nang magsara na ang mall ay pinahintay pa muna siya ng lalaki dahil may kukunin lang daw ito sandali.

"Ano naman?" nagdududang tanong niya rito.

"Just... school stuff."

"Hmm... Sure." Aniya. Kung ano man ang kukunin nito ay madali lang naman siguro.

Tinanaw na lamang niya ang papalayong binata.

"Ken?"

Napapitlag siya at pumihit sa likuran niya.

"Ryan?"

"Hi," nakangiti nitong bati sa kaniya. Ngiting-ngiti na para bang walang nangyari. Na para bang pagkatapos ng pangga-gago nito sa kaniya ay hindi nito sinabi sa mga kaibigan nito na frigid siya at in love na in love rito.

'Sarap mong suntukin. "Anong ginagawa mo rito?"

"Nakita kita paglabas niyo, hinintay ko lang na umalis ang kasama mo."

Kumunot ang noo niya. "Bakit, may kailangan ka?"

He sighed. "Look, I'm sorry. Alam kong-."

"Wala na 'yon, Ryan. Makakaalis ka na," pagtataboy niya rito. Sobrang late ng sorry nito. At wala siyang balak makipag-plastikan dito.

Wildest Fantasy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon