16

45.6K 569 12
                                    

Nagmamadaling umibis si Kenleigh mula sa sinakyang Uber. Inayos ang nagulong pencil skirt mula sa pagkakaupo. Humigit siya nang malalim na hininga at sinamyo ang masaganang hangin mula sa Bondi beach. One thing she loved about living in Sydney was Bondi. Captivating was an understatement when it came to describing its beauty. Katunayan, lahat naman ng beach sa Australia ay magaganda. Lahat ay gusto niyang puntahan.

Pumasok na siya sa hotel kung saan gaganapin ang thanksgiving party para sa company ni Mr. Nald. Invited ang lahat ng empleyado nito sa Australia at ang mga investors nito.

She sighed. She actually did not like gatherings like that, but it was Mr. Nald, ang taong sobrang laki ng naitulong sa kaniya. He did not only give her a job, he had given her more than that--- work ethics and experience. Marami itong naituro sa kaniya, sa mga nagawa niyang mali sa trabaho ay palaging naroon ito at ginabayan siya, lalo na nang dumating siya sa Sydney, two years ago.

Two years ago...

Hindi siya makapaniwala na dalawang taon na ang lumipas. Pakiramdam niya ay kahapon lamang noong umalis siya, dala-dala ang sakit sa dibdib niya. Kung hindi lamang siya nahiya sa kasama niya ay baka umiyak na lamang siya nang umiyak sa eroplano.

Ngumiti siya sa mga kasamahan nang makapasok sa loob. Mr. Nald immediately smiled when he saw her.

"I thought you were going to back out and tell me another lame excuse."

Natawa siya sa tinuran ng matanda. "Mr. Nald, you know I cannot say no to you. And that lame excuse only happened once."

Nangyari iyon noong imbitahan siya nito sa isang pagtitipon sa Melbourne. Nawindang siya sa dami ng bigating bisita nito at pakiramdam niya ay baka malula lamang siya sa pakikipag-usap sa mga ito. Hindi naman importante ang presensiya niya roon kaya tinawagan na lamang niya ito at sinabing masama ang pakiramdam niya. She knew he did not buy her excuse but he said no problem, nonetheless. That was her employer--- he was not pushy and most times, he understood her. Iyon din ang sobrang nakatulong sa kaniya kung bakit hindi siya sobrang nalungkot na malayo sa Pilipinas.

Tumango siya nang magpaalam ito at may kakausapin lamang. Naupo naman siya sa tabi ng mga kasamahan.

"Hi, Ken. You look great."

Napatingin siya kay Robert na nakaupo sa tapat niya. He was also a Filipino. Nagtatrabaho rin siyempre para kay Mr. Nald, nasa malapit lamang ito kaya ito ang madalas niyang makita. At madalas din itong magpalipad-hangin sa kaniya, hindi nga lang niya pinapansin. Wala siyang mai-o-offer dito, naiwan niya ang puso sa Pilipinas.

"Thanks, Rob. Ikaw din," kaswal siyang ngumiti rito. Ayaw niyang magkaroon ito ng impresyon na nakikipag-flirt siya rito.

Lahat ng kasamahan niya sa Sydney office ay mga banyaga, ang mga Pinoy na kasama niya ay sa iba't ibang panig ng Australia naka-assign. Malaki ang pasasalamat niya na tuwing nagkikita sila, kahit minsan lang, ay hindi awkward ang mga ito sa isa't isa. Ang isang kasamahan pa nga nila ay madalas siyang padalhan ng mga Filipino goods, na sobrang saya ang idinudulot sa kaniya.

Iba't ibang speakers ang pinakinggan nila sa buong gabi ng pagtitipon, siyempre ang last speech ay galing kay Mr. Nald. Nang matapos sila ay halos alas dose na ng gabi. Sasabay siya sa dalawang babaeng kasama niya dahil doon ang mga ito matutulog sa apartment niya.

Papalabas na sila sa elevator nang mahagip ng tingin niya ang isang function room. Mayroon ding pagtitipon na ginaganap doon. Natigilan siya nang makita ang isang pamilyar na pigura, nakatalikod mula sa kaniya at may kausap. Mas lalo siyang nanghina nang tumagilid ito...

Wildest Fantasy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon