SHE WOULD have thought it was just a dream but no... everything was real. Hayun nga siya at nagmamadaling lumabas sa kuwarto ni Dale. It was four in the morning, mabuti na lamang at nagising siya. Halos dalawang oras lamang ang naitulog niya. Pero ganoon pa man, pakiramdam niya ay may pakpak ang mga paa niya.
Hindi na niya ginising pa si Dale. Ano naman kasi ang sasabihin niya? Na thank you sa magandang sex, at babalik na siya sa kuwarto niya?
Minabuti na lamang niyang matulog na lang uli.
Nang magising siya ay umaga na at malamang ay nakaalis na sa trabaho si Heidi. Matapos mag-ayos ay umakyat siya sa taas, gustong makita si Dale, pero mukhang nakaalis na rin ito. Sa susunod na buwan na ang board exam at kailangan nitong mag-concentrate. Nahilamos niya ang palad sa mukha. Kung may magtatanong sa kaniya kung ano ang gusto niyang gawin, she honestly did not know.
Baon pa rin niya ang nangyari sa kanila hanggang sa magtanghalian siyang mag-isa. Nang tumawag si Heidi ay gustong-gusto niyang ihinga dito ang saloobin pero naunahan na siya ng hiya, sa mismong best friend pa niya siya nahiya. Pero anong magagawa niya, malapit din si Dale dito. Ano naman ang sasabihin niya sa kaibigan? Hindi rin nga niya alam kung ano ang sasabihin sa sarili.
"Well, I just called to tell you that Jake's on his way there."
Napamulagat siya. "Huh? Bakit?"
"Dadalawin ka. Sinabi ko naman na okay lang, kaya go na. Tumawag lang ako para ipaalam sa 'yo at sabihin sa 'yo na mag-ayos ka na. Dali. Bye," dere-deretsong wika nito at pinutol na ang tawag. She sighed. Pinalitan niya ang suot na pyjama ng maong pants at simpleng t shirt. Ayaw naman niyang magmukhang ewan na haharap kay Jake.
Nang dumating ito ay may dala itong bulaklak at isang supot na takeout sa paborito niyang restaurant, naikuwento na niya iyon dito. Naalala pala nito. Nahiya na rin siyang sabihin na tapos na siyang kumain.
"'Di ka na sana nag-abala," aniya rito.
Umiling ito. "Kakain ka na naman ng fast food. Heidi told me about your habit, and it's not good for you," anito sa kaniya.
Siya naman ang napailing. Si Heidi, kung ano-ano ang ikinukuwento kay Jake.
Tinulungan na siya nitong ihanda ang pagkain sa taas. Dahil sa paboritong pagkain niya ang nakahain, game na naman siyang kumain. As soon as they started eating, she heard someone opened the door downstairs. Soon enough, bumungad sa kanila ang mukha ni Dale. Nakita na nito ang kotse ni Jake sa baba kaya alam niyang hindi na ito nagulat sa nadatnan.
Lihim siyang napabuntong-hininga.
"Hello, Dale...," bati ni Jake rito. "Saluhan mo kaming kumain," yaya nito.
He just smirked. "Are you guys' on a house date?"
Hindi siya bayolenteng tao pero gusto niyang ihagis dito ang hawak na tinidor nang mga oras na iyon.
Jake just laughed. "No, naghatid lang ako ng pagkain para kay Kenleigh. Join us."
Umiling ito. "I'd rather not." Dere-deretso na itong pumasok sa kuwarto nito.
She sighed. "I'm sorry about that, Jake."
Ngumiti lamang ito sa kaniya.
Dahil sa inasal ng magaling na si Dale ay nawalan na siya ng ganang kumain. After what happened last night, she was, atleast, expecting something good today. Na hindi sila mag-aaway ng binata. Pero dahil sa nangyari ay mukhang balik na naman sila sa dati.
BINABASA MO ANG
Wildest Fantasy (COMPLETED)
RomanceDale was her best friend's cousin. At sa kanila ito tumutuloy pansamantala. Wala naman sanang problema, but he was oozing with sex appeal. Kahit anong apila niya sa sarili, hindi niya kayang huwag magpa-alipin sa mga halik at haplos ng binata. So...