NAKANGITI si Kenleigh habang nakatingin sa mga magulang at ilang mga kamag-anak na abala sa paghahalungkat ng mga dala niyang pasalubong. She had missed them and their loud voices.
Naroon siya sa sa bahay nila ni Heidi. Wala roon ang kaibigan dahil nasa San Nicolas na ito, doon gaganapin ang kasal nito kaya naman halos araw-araw ay naroon ito. Nag-resign na rin kasi ito sa trabaho sa bangko. Sa susunod na araw pa lamang siya tutulak patungong San Nicolas.
Doon na rin sa bahay tumutuloy ang kapatid niya na may trabaho na. She was going to buy Heidi's share... kasi ito na ang unang mag-aasawa. Tama nga ang hula niya... maiiwan siya. Beinte nuwebe na siya, wala man lang siyang balak na mag-asawa.
I mean... I do have a plan. I just don't know when.
Nang sumunod na araw ay maaga siyang nagising para maaga rin siyang makarating sa San Nicolas. Nag-pack na rin siya ng ilang damit dahil matatagalan pa siya roon. Ang mga magulang naman niya at kamag-anak ay doon na muna nang ilang araw dahil balak pa ng mga itong magpunta sa isang malapit na resort, na hindi raw puwedeng hindi siya sumama, kaya naman paglalaanan niya iyon ng oras.
Medyo busy ang schedule niya, pero wala siyang maramdaman na pagod. Iba rin kasi talaga na naroon na siya sa sariling bansa.
Bago pa man siya matapos ay tumawag na si Heidi sa kaniya.
"Ken! Gusto ko na kitang makita, sorry... gusto ko talagang sumama sa parents mo sa airport kaya lang abalang-abala pa talaga 'ko rito, I cannot make up my mind with the cake and souvenirs. I need you here."
Natawa siya. Iyon na lang naman ang aasikusahin nito, dahil maaga naman ang naging preparasyon nito sa nalalapit na kasal. "Don't worry... papunta na 'ko."
Gusto niyang itanong kung naroon ba si Dale, pero pinili niyang huwag na lang. Sa pagkakaalam niya ay abala ito bilang Chief Operations Officer sa construction company ng lolo nito.
Yes, she would see him. Hindi naman pwedeng wala ito sa kasal ni Heidi.
"Ikaw lang ba magda-drive? I'm sure you're tired. Mag-bus ka na lang."
Natawa siya. "At hindi ba nakakapagod mag-bus? Okay lang ako. Promise. Maaga akong natulog kagabi. Hindi rin kasi ako pwedeng ihatid ng kapatid ko. May pasok siya sa trabaho."
"Okay, see you later!"
Matapos ang tawag ay inilagay na niya sa loob ng kotse ang gamit. It was a new car, ibinenta na niya ang dati niyang kotse. Madalas na ang kapatid ang gumagamit habang hindi pa ito nakakabili ng sarili nitong kotse. "Ma, aalis na 'ko."
"Ikamusta mo na lang ako kay Heidi, ha... at magkikita kami sa kasal niya."
Tumango siya at nag-mano na sa mga magulang.
She had four hours to drive kaya naman ay dumaan na muna siya sa isang coffee shop.
Bumalot sa kotse niya ang playlist na inihanda niya para sa biyahe niyang iyon. Isang beses pa lamang siyang nakapunta sa San Nicolas, at nasa college pa lamang sila ni Heidi nang mangyari iyon. Medyo limot na niya ang ibang daan pero may GPS naman siya kaya panatag siya na makakarating doon nang mabilis at hindi naliligaw.
Tiningnan niya ang relo, alas onse na ng umaga at base sa navigation sa cellphone niya ay malapit na siya sa San Nicolas. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang pagloloko ng makina ng sasakyan, it sounded like her car wanted to throw up. Itinabi niya iyon sa daan. Pinalipas na muna ang ilang sandali saka sinubukan niyang paandarin ulit. Pero walang nangyari. Napabuntong-hininga siya, hindi naman iyon naubusan ng fuel. Sa tingin niya ay mechanical problem iyon. May mga dumaraang sasakyan pero mas magiging madali kung tatawagan na lamang niya si Heidi, malapit na lang din naman siya.
BINABASA MO ANG
Wildest Fantasy (COMPLETED)
RomanceDale was her best friend's cousin. At sa kanila ito tumutuloy pansamantala. Wala naman sanang problema, but he was oozing with sex appeal. Kahit anong apila niya sa sarili, hindi niya kayang huwag magpa-alipin sa mga halik at haplos ng binata. So...