Paper Roses

64.5K 1.6K 350
                                    

Salamat po pala sa mga nagustuhan ang Sweetheart Dance. I hope you'd like this one too! 

________________


PAPER ROSES


Valentine's day ngayon.


Eh ano ngayon? Tss.


Hindi ako bitter ah. Naiinis lang ako kasi, yung ex ko, sarap batukan. Ang lakas kasi mang-asar. Kesyo kung hindi daw sana kami nagbreak, edi may bulaklak rin daw dapat ako.


Manahimik siya noh.


Buong araw ng Valentine's Day, wala akong nakikita kundi mga couples na ang sweet sweet. Tapos etong kumag kong ex, biglang eepal at sasabihing.. "Inggit ka sa kanila? Ikaw kasi eh, pinakawalan mo pa ko. Forever alone ka tuloy."


Eh ayun, suntok lang sa sikmura ang inaabot sa akin.


"Hoy te, wag ka ngang magmukmok dyan. Lika na, mall daw tayo sabi ng mga babaita." Aya sa akin ni Sef. Nag-iisang bading sa grupo namin.


"Tss, sa mall pa talaga noh?" Sabi ko na lang at sumunod naman sa kanila.


Ayun nagmall lang naman kami at lalo lang din silang nainggit sa mga babaeng may hawak na roses, balloons, at kung ano-anong kaekekan.


Samantalang ako, tahimik lang ng biglang may nagtext..


FROM: TSONGGONG EX.

Ayan kase, nakipagbreak pa sa akin. Wala tuloy natanggap na flowers. :P


Ay leche talaga, kala mo naman siya may binigyan.


Nagtataka kayo kung bakit kami nagbreak noh?


Ganito kasi yan, nahuli ko lang naman ang tsonggong ex ko na may kalandian. Ang totoo, sanay naman akong malapit siya sa girls. Kaya lang, a month ago, napuno na yata ako kaya ayun.


Napalinya tuloy ako, "Pagod na ko, bahala ka na. Pwede ka namang manlandi, pero sana diba, ako lang nilalandi mo. Hindi yung kung sino-sino dyan. Eh hayop ka talaga, kaya ayan na, malaya ka na. Dun ka na sa kanila."


Pero after kong sabihin yun, medyo naluha-luha pa ko.


Tapos ilang araw din akong umiyak noh.


Nagulat nga rin mga kaibigan namin eh, ilang taon na rin naman kasi kami. Kaya lang, dumating siguro sa point na feeling ko, nasobrahan na kami sa isa't isa.


"Jen, spaced out ka na naman." Sabi ng mga kasama ko.


ONE SHOT Short Stories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon