One Step Forward, Two Steps Back

45.4K 1.2K 381
                                    

Nastress ako sa acads. Ayoko ng mag-araaaal. TT_TT Hahaha. At dahil stressed ako, eto ang kinalabasan. 


_______________


One Step Forward, Two Steps Back.


Harry's POV.


Badtrip.


Paano, kanina pa ko kinukulit ng babaeng 'to. Babaeng walang ibang alam kundi dumaldal at magpacute. Minsan effective pero madalas nakakairita.


Tss.


"Eh bakit ba kasi ayaw mo kong isama?"


At talagang kelangan talagang nakapout pa siya habang nagtatanong. Amp, nakakainis.


"Bawal ka kasi dun." Simpleng sagot ko.


"EEEEEEEEEEH! Bakit? Bawal maganda dun? Bawal sexy? Bawal ako?"


At talagang pinuri ang sarili.


"Bawal ang maingay. Bawal ang madaldal. Bawal ang pacute. Bawal ang isip bata. Bawal ang immature." Naiinis ko ng sabi.


Maya-maya nagtaka na ko bakit bigla siyang nanahimik.


Humihikbi na pala.


"Oh tignan mo. Iiyak ka agad. Eh totoo naman lahat ng sinabi ko. Bahala ka nga dyan."


Tumalikod na ko at umalis.


Kasi kapag nagtagal pa ko dun, hindi ko rin siya matitiis.


Ay ampots, rhyming pa.



Mitchie's POV.


Immature? Isip bata?


Alam ko namang ganun talaga ako. Pero siya naman dahil kung bakit ganun ako. Tapos ngayon..


Hay.


Okay pa naman kasi kami dati.


Yung naglalambingan pa, nagkukulitan. Nagpapaka-isipbata.


Pero ewan ko kung anong nangyari.


Nagcollege lang kami, wala na.


Wala na yung Harry na mas makulit pa sa akin.

ONE SHOT Short Stories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon