Dahil ang lungkot lungkot ng panahon dito sa Baguio kaya eto, nasulat ko 'to habang nagpapahinga sa dami ng schoolworks.
____________________
Stage Three.
Magkikita kami ni Josh mamaya, sabi kasi niya, may pag-uusapan kami. Excited na nga ako eh, tagal na rin kasi naming hindi nagkikita. Busy kasi.
Matagal na kaming mag-bfgf ni Josh, halos magtatatlong taon na rin. Mula fourthyear high school hanggang ngayong college.
From: Baby <3
Mamayang 4, hintayin kita sa carpark.
Pero recently, parang hindi na kami.
Madalang magkita.
Madalang magkausap.
Kahit magtext, madalang na rin.
Ewan ko kung bakit, lagi ko naman siyang tinetext at tinatry pang tawagan. Pero lagi daw siyang busy. Ayoko namang maghinala. Hangga't maaari, ayokong mawala yung tiwala ko sa kanya eh.
4PM, Carpark.
"Ang tagal mo." Yun agad ang sinabi ni Josh sa akin pagdating ko. Hanep, wala man lang greeting.
"Sorry, ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko.
"Aya.." Niyakap naman niya ko ng mahigpit. Nakakapagtaka pero parang ang sakit ng yakap niya.
"Sorry, hindi ko na kaya." Sabi niya. Hindi kaya ang alin? Halata sa mukha ko na naguguluhan ako.
"Pwede.. pwede mo na ba kong pakawalan? Sorry Aya. Wala na kasi, wala na yung dating tayo." Dugtong pa niya na halos hindi makatingin sa akin.
"Josh.." Wala, wala akong maisip na sabihin. Parang bigla akong nablangko. Parang, natanga na lang ako sa tapat niya. Hindi kumikibo. Pilit iniisip kung bakit.
"Sorry Aya."
Huminga ako ng malalim. Nagpipigil umiyak.
"Sigurado ka na ba?" Malungkot kong tanong.
"Oo."
Ang sakit, haha. Gusto ko siyang sigawan, gusto ko siyang tanungin kung san ako nagkulang. Pero wala, walang lumalabas na salita mula sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT Short Stories.
RomansaKung babasahin mo 'tong mga 'to at single ka, wag kang magalit sa akin! Haha. Mainggit ka na lang sa mga babae. Swerte nila eh. At kung may lovelife ka naman, kwentuhan mo ko. Gusto kitang gawan ng OneShot katulad ng sa kanila. ;)