Kiss Over Ten.
LAUREN'S POV.
"Ikaw!!! Akala mo naman gwapo ka. Ish. Bwisit!" Nanggigil kong sabi sabay walkout sa harapan ni Drew.
"Asar talo ka talaga kahit kelan."
Hindi ko na siya pinansin at dumeretso na ko sa pagwalk out ko. Wala talagang instance na hindi ako pinipikon nung panget na yun eh.
Mukhang hukluban.
Nakakainis talaga!
"Bakit nakasimangot ka, miss? Sayang naman ang ganda mo." Biglang sabi ng nilalang na sinabayan ako sa paglalakad.
Mukha siguro akong timang kaya nawindang sa akin.
Tinignan ko naman kung sino man 'tong nilalang na nagandahan sa akin. Naks.
OMOOOO. Gwapo, sht.
"Miss, okay ka lang?" Nakangiti niyang tanong.
"Ha? Ah.. ano, oo. Okay lang." Wala sa sarili kong sagot. Grabe talaga, ang gwapo eh.
Magpapantasya pa lang sana ako ng biglang may humablot sa kamay ko at hinila ako palayo dun sa gwapo.
"Aray! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa humablot sa akin.
Si Drew pala.
Panira talaga 'to sa pantasya ko eh.
"Umayos ka nga." Masungit niyang sabi.
Aba, parang kanina lang lakas mang-asar nito ah.
DREW'S POV.
Tignan mo 'tong babaeng 'to. Tinaasan na naman ako ng isang kilay.
Pakshet kahit masungit ang ganda.
"Ano?" Tanong ko sa kanya kasi nakataas lang talaga yung isa niyang kilay. Sanay naman na ko eh, kaya lang mas maganda talaga siya pag nakangiti.
"Ba't mo ba ko hinila?! Kainis ka talaga forever!" Sigaw pa niya sa akin sabay ginulo niya yung buhok niya.
Natawa tuloy ako.
Nilapitan ko siya para ayusin yung buhok niya, akala niya yata anong gagawin ko kaya natulala.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT Short Stories.
RomanceKung babasahin mo 'tong mga 'to at single ka, wag kang magalit sa akin! Haha. Mainggit ka na lang sa mga babae. Swerte nila eh. At kung may lovelife ka naman, kwentuhan mo ko. Gusto kitang gawan ng OneShot katulad ng sa kanila. ;)