Bakaw #28

46.7K 1K 116
                                    

Bakaw or Buwakaw - in basketball term, eto yung mahilig magsteal ng bola. Tapos sobra kung makahawak, hindi binibitawan yung bola hangga't hindi sure na makakapoint. May ibang term 'to sa iba eh, pero eto yung naaalala ko na sinabi sa akin ng mga kabarkada kong lalaki. Sorry if di ko siya ma-explain ng maayos, I'm not really good with B-ball terms :P

Sabaw lang 'tong one shot na 'to. Sana magustuhan niyo pa rin. :)


PS. Eto yung mga panahong uso pa ang TETRIS sa facebook! Hahahahaha

__________________


Bakaw  #28.


Lea's POV.


Andito na naman ako sa court ng subdivision namin. Pinapanuod ko yung laban ng boyfriend ko against sa kabilang village. Ayoko nga sana eh, kaya lang, kailangan naming mag-usap.


Bakit?


Makikipaghiwalay na kasi ako.


Mga 6 months ago, may nakasabay ako sa jeep. Nakabasketball uniform siya.


Kinausap niya ko, na-crush at first sight yata sa akin. Ang ganda ko kasi, haha. Joke lang.


Tapos yun, hanggang sa inadd niya ko sa FB, tapos madalas kaming naglalaban sa online games. Una tetris lang, kaya lang nalaman niya marunong akong mag-NBA. Deh ayun, pati yun nilaro na rin namin.


Naging close kami, parang barkada lang ganun.


Alam ko namang may boyfriend ako.


Pero hindi ko naman nararamdaman.


Ganun yata talaga? Bakit sa tuwing nanliligaw, parang laging andyan, pero pag kayo na, nawawala rin?


Labo.


Mark's POV.


Andito kami ngayon sa court sa village nila Lea. Ngayon ko lang yata siya nakitang manunuod ng laro. Siguro kasi, andito boyfriend niya.


Pero ang alam ko, hindi sila okay eh.


Ang sabi nga niya, balak na nga daw niyang makipaghiwalay.


Siraulo naman kasi yung boyfriend, di niya alam kung anong pinapalampas niya.


Si Lea yun.


Yung magandang magaling pang magtetris at magdota sa akin. Syempre mas magaling ako sa NBA.


Pero si Lea yun.


Mahal ko na nga yata yun eh.

ONE SHOT Short Stories.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon