Belated Merry Christmas and Happy New Year.Ito po yung dapat na ia-update ko nung Christmas kaso mabagal net.
Tapos yung para sa New Year Special naman baka sa Sunday :)Chapter 23
Jade's POV3AM na pero hindi pa din ako nakakatulog.
Naguguluhan pa din ako.
Ewan ko pero feeling ko nag che-cheat na ko kay Axel.
Hindi.
Nag che-cheat na talaga ako sa kanya.
Pareho kami ni Jeron na hindi mapakali.
Naguguluhan pareho.
Kung ako naguguluhan , mas naguguluhan siya.May asawa siya , at may anak pa.
"Jade?"
Bigla niyang tawag sakin.Tumingin lang ako sa kanya.
"Sasamahan mo ba ko? Ipag lalaban ba natin?"
Nanlaki naman agad yung mata ko.
"Jade sa dami ng pinag samahan natin , sa araw araw na ginawa ng diyos , sa araw araw na nabubuhay tayo mas lumalalim ng lumalalim yung nararamdaman ko sayo."
Napatigil naman ako sa sinabi niya.
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya , kikiligin , o iiyak.
Pero sasamahan ko ba siya? Ipag lalaban ba namin!?
Nakakainis naaamaaaan!Bakit ba kasi kailangan pang mangyari lahat ng 'to.
He sat down sa bed kung saan ako naka upo saka hinawakan yung dalawang kamay ko.
"Jade please? Hindi ko magagawang ipag laban ka kung hindi mo ko sasamahan."
"Pero Jeron?""Wala ng pero pero Jade. Mahal mo ko diba? Mahal natin ang isat isa. Please Jade?"
Nag mamakaaqa na siya.
Ano baaa! Gulong gulo na ko.
Axel's POVPag dating ko kung saan nanggaling yung boses ni Jade wala na siya doon.
Bigla naman akong kinabahan.
Baka kung ano na nangyari don.
Bumalik na ko sa Van kung saan nandoon silang lahat.Lahat sila tulog pa. 3AM palang eh.
Pero si Tita gising dahil alam kong nag aalala siya kay Jade.
"Iho nahanap mo na ba si Jade?"
"Hindi pa po Tita eh."
"Nasan na kaya yung anak ko."Tapos umayak nanaman siya.
Sobrang natatakot na din si Tita at sobra ng nag aalala.
Ayaw na ayaw pa naman ni Jade na umiiyak yung mama niya.
"Tahan na po Tita. Hahanapin ko po si Jade."Tapos yumakap siya sakin.
Cinomfort ko nalang siya.
"Iho may sakit ka pa din. Ang taas ng lagnat mo."