Alone in the still darkness of the night
My eyes are blind to see
The serenity that envelopes the darkness
Made my ears deaf to hearAlone yet peace seems so far to reach
Instead of peace, I felt nothing but guilt and fear
Guilty for I am living a humdrum life
And afraid for tomorrow I'd die alone.Marahang itiniklop ni April ang pahina ng notebook na kinasusulatan ng tula na ginawa nya isang taon na ang nakakaraan.
Ginawa nya ito nung araw na iwanan na sya ng tuluyan ng kanyang pamilya.Kapag binabasa nya ito, hindi nya maiwasan ang magbalik tanaw sa nakaraan.Nung ang mga magulang nya ay masayang naglalambingan habang nagkakape sa kanilang veranda at silang apat na magkakapatid naman ay masayang nakatunghay sa kanilang mga magulang.
Apat silang magkakapatid na puro babae na may kanya-kanyang angking kagandahan at talento.Nakapagtapos silang lahat ng pag-aaral dahil na rin sa pagsusumikap ng kanilang mga magulang.
Nagkakilala ang mga magulang nila sa ampunan kung saan lumaki ang mga ito.Nakapag-aral pareho sa tulong ng mga sponsor ng bahay ampunan.Nagka-ibigan ang mga ito kaya ng matapos sa pag-aaral at lumabas ng ampunan,nagpakasal sila at bumuo ng sariling pamilya,isang pamilya na wala sila pareho.
Dahil parehong nakapagtapos at nagsikap sa buhay ang mga magulang ni April, naging maunlad ang buhay nila na kahit hindi na maghanap-buhay ay makakaraos sila at mabibili nila ang lahat ng kanilang magustuhan.
Naalala pa nya nung magtapos ng high school ang ate Maki nya,binilhan ito ng brand new car at nung magtapos naman ito sa kolehiyo sa kursong Accountancy, isang condo ang ineregalo ng mga magulang nila dito.Hindi naman sila naiingit sa ate Maki nila, ito kasi ang panganay at pinaka-matalino sa kanilang apat.Pantay naman ang tingin ng mga magulang nila sa kanila dahil kung ano man din ang maibigan nila ay ibinibigay ng mga ito.Katunayan nung siya naman ang magtapos sa kursong business administration ay sariling negosyo na gusto nya ang ibinigay ng mga magulang nya sa kanya.Mayroon sya ngayong maliit na pabrika ng vetsin.
Gayon din naman ang dalawang kapatid pa nya na si Micah at Yewonly, nasusunod din ang gusto ng mga ito.Pero kahit ganun ang buhay na kinalakihan nila,hindi sila yung matatawag na spoiled brat at bratinella.May malinis silang puso, mapagmahal sa kapwa at malapit sa Diyos.
Masasabing kuntento na sa buhay si April.May mababait at mapagmahal na magulang at mga kapatid na lagi nyang karamay sa lungkot at ligaya.
Bukod sa nobyo nyang si Atty.Midnight Sandejas, ang mga magulang nya at mga kapatid na si Maki, Micah at Yewonly ang tanging mayroon lang sya sa mundo nya.Hindi nya gugustuhin na mawala sa kanya ang isa man sa mga ito dahil sa kanila lang umiikot ang buhay nya.Isang malamig na gabi ng Disyembre, may nagaganap na malaking salo-salo sa malawak na bakuran nila April.Engagement party ito ng Ate Maki nya at ng business tycoon na nobyo nito na si Garret Ancheta.Masaya ang lahat para sa ate nya at naging tuksuhan nga sa party na baka sila na ni Midnight ang susunod.
Ngiti lang ang itinutugon nya sa mga nagbibiro dahil wala pa namang binabanggit sa kanya ang nobyo tungkol sa pagpapakasal.Marahil ay hindi pa ito handa at handa naman syang maghintay." Huy April,kailan nyo ba balak ni Midnight? Gusto na kasi ni Boyd na magsabi kila papa." tanong ng kapatid nyang si Micah sa kanya.Matanda lang sya dito ng isang taon kaya hindi sya tinatawag na ate.Ok lang naman kasi nirerespeto naman sya nito bilang nakakatanda,sinusunod syang madalas nito.
" Wala pa kaming napag-uusapan ni Midnight eh.Sige kung hindi na makapaghintay si Boyd eh di mauna na kayo,willing naman akong maghintay pa." sagot nya sa kapatid.
" Eh paano yan ate April, niyayaya na rin ako ni Zeus na lumagay na sa tahimik,gusto nya kasi na kaming dalawa ang mag-manage sa pineapple plantation nila.Hindi naman yata maganda kung uunahan pa kita." turan naman ng bunso nila na si Yewonly.
BINABASA MO ANG
WANDERLANDIA'S ONE SHOT STORY
Randomthis content is all about wanderlandia's one shot (tragic) story about (4)four admins of the said group