SIMULA
Masayang kumakain ng meryenda ang magkakaibigang Micha, Faye at April sa paborito nilang Coffee Shop. Pare-pareho silang galing sa trabaho maliban kay April. Si Micha ay isang freelance singer at si Faye ay may sariling ice cream shop. Si April naman na dating guro ay tumigil na sa pagta-trabaho-- ayun na rin sa kagustuhan ng kanyang asawa na agad naman nyang pinaunlakan. Mas gugustuhin na lamang nyang alagaan ang kanyang pamilya.
"Kumusta naman ang buhay may asawa?" Tanong ni Micha kay April sabay subo ng chocolate cake. Napatigil siya sa pagsubo ng kanyang yema cake.
Napangiti siya. "Mabuti naman. Masaya."
"Mabuti kapa. Aba etong si Micha, wala atang balak magpatali. " Tumatawang sabi ni Faye.
Natawa siya.
"Mahirap matali sa iisang lalaki. 'Di pa keri ng beuty ko mga besh." Sabay halakhak ni Micha.
Nagtawanan silang tatlo.
----
Pagabi na nang makauwi si April. Napahaba ang kwentuhan nilang magkakaibigan. Kung ano-ano napag-usapan nila. Tungkol sa kanya-kanyang buhay ang pinagkwentuhan nila. Lalo na sya, na syang may asawa sa kanilang tatlo. Single pa kasi ang dalawa nyang kaibigan.
"Mama.." Tawag ng bunso niya. Yumuko siya at binuhat ito.
"Where's kuya?" She asked her daughter Mari Kris. Maki ang madalas itawag namin sa kanya.
"Upstairs. Playing video games." Sagot nito.
Ngumiti siya. "Bakit gising kapa? Is daddy home?" Umiling si Maki.
Dumiretso siya sa kusina.
Mukhang nakakain na ang mga ito. Maybe Julea did the job. Kahit may katulong, siya pa rin ang personal na nag-aalaga sa mga ito.Nagkataon lang na nagkayayaan sila nila Micha at Faye kaya iniwan nya muna sandali ang mga bata kay Julea. Napatingin siya sa orasan nang bumukas ang pinto. Alam niyang si Albert yun-- ang asawa.
11:30 is what the clock says.
Tumayo siya at sinalubong ang asawa. She kissed his cheek. "Ginabi ka nanaman ata." sabay kuha sa mga gamit nito at sinimulan asikasuhin ang asawa-- kagaya ng palagi niyang ginagawa.
"I had a dinner with a client." Maikling sagot lang nito habang nagbibihis. Nakaupo siya sa dulo ng kama nila habang taimtim na nakatitig dito.
"Na naman?" She doesn't look convince.
"Yeah." He said lazily saka dumiretso sa kama.
She sighed. He looks tired at mukhang wala itong balak makipag-usap sa kanya. She decided to go to bed with him. Nakaharap siya sa asawa habang ito ay nakatalikod sa kanya.
Niyakap nya mula sa likod ang asawa saka tuluyang nagpahila sa antok.
---
Ilang ulit na palaging ginagabi ng uwi si Albert pero hindi gaya ng dati, hindi nya na ito natatanong kung bakit ginagabi ito o ano, dahil didiretso na ito sa kama at matutulog na.
She can't blame him. Maybe his too tired.
--
Kagaya ng nakasanayan, maagang nagising si April para asikasuhin ang mga anak at ang asawa. Halos hindi siya magkadaugaga sa pag-asikaso.
"Ice, don't forget to eat your food and wait for the school driver to arrive. Wag kang sasama kung kani-kanino. Okay?" Pagkausap niya sa panganay habang hinahanda ang lunch box nito. Nasa grade 3 na ang panganay niya at nasa kinder garden naman si Maki.
BINABASA MO ANG
WANDERLANDIA'S ONE SHOT STORY
De Todothis content is all about wanderlandia's one shot (tragic) story about (4)four admins of the said group