game

96 8 3
                                    

"Maganda naman.. Bumagay ang blue dress sa buhok mo." April told her. She's not comfortable in social gatherings. She's a writer. She likes a place to think, peacefully. She accompanied her Ate April to a Corporate Recognition Dinner in a hotel where her sister is an awardee.
"Naiinip na ako." Bulong niya sa kapatid. Her green hair falls right above her shoulder when it is curled, her lips is a bit dry because of the matte pink lipstick she's wearing and eyes feels itchy because of her false lashes, she wants to remove it so bad. "CR lang ako. Mamaya ka pa naman di ba?" She asked. Tumango lang si April na nanatiling nakikinig sa speaker.
Kinusot niya ang mga mata habang naglalakad patungo sa restroom. Nakahinga siya ng maluwag when there's no one around, she pinched a part of the lashes, preparing to pull it when someone came out of the cubicle. Nagsusuot pa lang ito ng pantalon at kitang kita niya pa ang brief nito!
"What the---" Napaawang ang labi niya habang nanlalaki ang mata samantalang ang lalaking hindi pa tapos sa pagsusuot ng pantalon ng maayos habang nakakunot ang noo sa kanya. She couldn't help but to check him out, she's very sure that a guy is a foreigner kahit hindi ito sobrang puti. Expressive ang mga mata nito, he's tall and has a very attractive lips.
"Bastos tong Afam na to!" Ilene rolled her eyes. Hindi niya maitago ang pagkainis, lumalabas ang pagka-Gabriela Silang niya.
Tinitigan lang siya ng lalaki sa kanyang sinabi.
"Ano? Hindi mo ako naiintindihan?" Kumukulo ang dugo niya. She's mad knowing these foreigners feels entitled in her own country.
"Bakit ka pumasok sa CR ng mga babae ha? You want me to call a police? You think you can get a girl easily here in the Philippines just because you are handsome?" Pinasadahan niya ng tingin mula ulo hanggang paa ang Foreigner. In his black suit he really looks like a Prince Charming. Umiling siya para tanggalin sa utak ang mga papuri. Nakakunot pa din ang noo ng lalaki.
"We Filipinos are better than that! Ano? Hindi mo ako naiintindihan? Pupunta punta sa ibang bansa, hindi marunong mag-English! World War 3 ba ang hanap mo? Ano ha?" Pang-aaway niya pa. Kinakausap niya ito sa harap ng salamin. Walang karea-reaksyon ang mukha ng Foreigner na nakatingin rin lang sa kanya. Mas lalo siyang nainis.
"O baka naman gay ka? Oy wag mong idadahilan yon. May mga kaibigan akong gay at doon sila sa CR na panlalaki. In the first place lalaki ka naman ipinanganak-" Nag-Tagalog na siya dahil hindi naman siya maiintindihan ng kausap kahit mag-English pa siya.
Natigilan siya nang napapailing na ibinaba nung kausap niya ang pantalon nito hanggang tuhod saka maayos na hinagod ang polosleeves nito bago ibinalik ang pantalon to tuck in his sleeves. Hindi pa nakakabawi si Ilene sa pagkabigla. That is so ridiculous!
Magsasalita pa sana siya nang makarinig siya ng sunod sunod na putukan mula sa kung saan. Napatakip siya ng tainga at napapikit. She panicked in an instant. Nakarinig siya ng tilian kung saan saan kaya mas lalong nadagdagan ang kaba.
"AHHHHHH! Oh my God! Ano yon?" She yelled in panicked.
The foreigner didn't even flinch samantalang takot na takot na siya!
"W-what's that?" Her body started to tremble. She felt a tight grab on her wristed which startled her, she screamed again.
"Kumalma ka nga." Sinundan niya ng tingin ang kamay na may hawak sa kanya and she saw the Foreign guy holding her wrist.
"A-ano? Nagtatagalog ka?"
"Filipino, English, French, German and Japanese."
Hindi pa din siya makapaniwala nang sundan niya ito papalabas ng banyo. Huminto ito bago sila tuluyang makarating sa hotel lobby kaya huminto din siya, still shaking. They faced the door and he pointed out the signage that hangs in the restroom door where they came from and it says, MALE. Bold letters with a symbol of a human with no hair on top of the word.
"Garcia!" A loud voice roared across the hall. Hinanap niya iyon agad at pinanlakihan siya ng mga mata nang makitang may nakatutok na shot gun sa kanilang dalawa ng kasamang Foreigner.
"Ibigay mo siya sa akin!" The woman with a gun yelled. Mukha talaga itong kontrabida sa mga pelikula.
"No way, Micha!" Sagot naman ng lalaki sa kanyang tabi.
"Ibigay mo o ipapadala ko ang bangkay mo sa mga magulang mo? Akin na siya!"
"A-ako? Bakit ako?" Takang tanong niya. Nanigas ang kalamnan niya nang maglakad papalapit sa kanila ang lalaking may baril, nang ilang dipa na lang ang layo nito, may kinuha ang Foreigner na kanyang katabi na maliit na baril mula sa kanyang bulsa, itinapat niya ito sa babaeng papalapit at mabilis na inasinta ang balikat nito, napaluhod nga ito sa sakit. The Foreign guy pulled her hand again. Bago pa sila makalayo, she heard the woman trying to shoot them spoke.
"Dala ni Garcia ang anak ni Governor." Wika nung babae sa kanyang walkie talkie.
Humigpit ang hawak nung Foreigner sa kanyang kamay.
They walked faster, halos madapa na siya sa pahila sa kanya hanggang sa makarating sila sa isang itim na sasakyan at sumakay siya doon.
"Teka, nasa loob ang Ate ko!" Hindi siya pinansin ng lalaki at basta na lang pinaharurot ang sasakyan.
"Hey, nasa loob ang Ate ko! Naiwan ko din ang phone ko doon, my God! What is really happening? Kuyang Foreigner!"
"Agent Rye Garcia, I am a secret agent from Yukan'na." The guy spoke.
"Ibaba mo na ako diyan sa kanto, mag-ta-taxi na lang ako. Uuwi na ako."
"You can't."
"I can!"
"You can't. Hinahabol nila tayo."
"Ha! Ikaw lang. Bakit ako kasali diyan sa baril-barilan niyo?"
"Tonight, ipapakilala ang anak sa labas ni Governor Terenno, si Dra. Maki De Luna, her profile was kept secret because this might happen. The Governor feared that his first family will plot against his daughter which already happened."
"And so? Anong kinalaman ko don?"
"The bad guys thought that you are the daughter. I cannot just let you go now. I need to transfer you to a safer place."
Hindi siya agad nakapagsalita. Halo-halo ang tumatakbo sa utak.
"Eh di sabihin niyong hindi ako!"
"If we will do that, the will look for the real Governor's daughter which will put her life at risk."
"Ano ako? Fall woman? Ako ang gagawin niyong pain?! Uuwi na ako! Hindi naman siguro ako makikilala-"
"Para sa taong may green ang buhok at tattoo sa kaliwang braso, sa tingin mo hindi ka talaga makikilala?"
"Ay ang judgemental mo don.."
"You will put your family at risk kung uuwi ka sa inyo na parang walang nangyari. By now, the criminals got your face profile already."
Hindi siya muling nakasagot, pabagsak siyang sumandal sa upuan ng sasakyan.
"Kasalanan mo to eh! Bakit mo ako hinila papalabas ng banyo?"
"Kung hindi ka kasi naligaw sa banyo ng mga lalaki wala ka don."
"Pero hindi mo naman ako kailangang ilabas! Dapat nanahimik na lang ako doon!"
"HIndi kita inilabas." Iniangat ni Rye ang kamay niya at pinakita sa kanya. "Kanina mo pa hawak ang kamay ko. Ayaw mong bumitiw."
Her cheeks flared. Mabilis niyang inagaw ang kanyang kamay. All this time she thought Rye was holding her hand!
Rye drove in silence. Hindi na niya inaway dahil kitang kita niya kung gaano kaasentado ito. She doesn't want to die now. Gusto niya pang makita ang Nanay niya, Tatay, mga Ate niya at ang pusa niyang si Ginger. She have so many things to do.
"Dito na tayo." Huminto sila sa sa harap ng isang ordinary looking na bahay. May maliit na gate at sariling garahe. Lumabas lang sandali si Rye to open the gate and park, she got off the car as Rye covered his expensive car.
"Hanggang kailan ako dito? Rye ha, hindi mo ako pupwedeng ikulong dito. Sinasabi ko sayo, ipapakalmot talaga kita sa pusa ko." Banta niya.
"We will stay here until everything's fine."
"And that is?" Tumaas ang kilay niya.
"I don't know. We don't know. Mag-iintay lang ako ng tawag."
That changed her life 360 degrees. Living with a stranger for a month now without cellphone and laptop made her feel that she's in a convent. Yun nga lang, mayroong lalaking paboritong mag-topless habang palakad lakad sa tinitirhan niya.
"Alam mo, Rye. Ang wish ko talaga sipunin ka para makasanayan mo naman ang magsuot ng pang-itaas." She scanned his looks, his boxers almost falls of his waist, his chest is silly with muscles and his abs looked like they had been sculpted from a hard wood. He raised his brow at her while chomping a sandwich she prepared for him. Nakahiga pa ito sa sofa habang nanonood ng TV.
"Naakit ka na ba, Baby?" He smirked. She rolled her eyes at him. Palibhasa, he knows he's attractive.
"Can you stop calling me Baby?"
"Kasalanan mo, you didn't give me your nickname the first time we met." Nagkibit balikat pa si Rye.
She hated the nickname Rye gave her, pero wala siyang choice. Paborito nitong inisin siya.
"Minsan iniisip ko, kinikidnap mo lang ako at gusto mo lang ng mapagtitripan dahil bored ka sa buhay mo.
"If I would kidnap someone because I am bored, I would probably prefer a hot matured woman who will give me all my needs. Stiff ka na nga, hindi ka pa magaling magluto."
"Namemersonal ka na ah." Hinampas niya ito ng malakas sa balikat pero siya lang ang nasaktan. Rye chuckled, mas lalo siyang nainis.
Magwawalk out na sana siya nang hilahin siya nito sa kamay and she ended up falling in his chest. Their eyes met, suddenly Ilene became uncomfortable.
"Ang pangit mo." Bulong ni Ilene.
"Pangit ka din.." Masuyong bulong ni Rye sa kanya, his gaze fell to her lips, her heart pounded so fast. Kinailangan niya pang tumayo para maging normal ang tibok nito.
"A-anong gusto mong dinner?" She almost coughed her own words.
"I am happy that you are here, Ilene." It is almost a whisper. Imbes na sumagot, she walked to the kitchen and busied herself finding ingredients that she can cook, otherwise, she will tell him that she enjoys his company too.
Living with Rye is not that bad. Hindi naman ito masungit, mapang-asar nga lang. One time he surprised her with a box of Iphone 7, halos lumabas ang puso niya sa sobrang saya, but when she opened it, there's only striped colorful socks in it. Hindi siya masyadong nagalit dahil maginaw naman sa tinutuluyan nila ngayon, she can use it. She can shake off everything because her family knows she's safe wherever she is and that they are receiving the same protection as hers.
"Ilene." She stopped scribbling on her notes when Rye called her. "Gusto mong lumabas?" Rye asked. She's surprised that he would asked her out on a ordinary day. Siguro nainip na dahil parehas silang walang ginagawa.
"It is not a date, well. We will just walk around." He looked uncomfortable. Unang beses niyang nakita si Rye na bumaba ang confidence. She gave him a smile to kill the tension.
"Sure."
It is an afternoon walk. Unang beses niyang nakita ang labas ng kalsada mula sa kanilang tinutuluyan. Tahimik ang paligid at magkakahiwalay ang mga bahay. Nakarinig siya ng alon sa di kalayuan, about 100 steps more, nasa harap na sila ng dagat.
"Wow! Ang ganda!"
Rye smiled. He extended his hands which she willingly accept and they walked closer to the sea. The uneven sand made it difficult to walk, sumabog ang buhok niya sa mukha habang pinapakinggang ang kapayapaan sa dagat.
"What are the things you like to do, Ilene?" Rye asked. He looked so serious now which she finds odd.
"Writing, halata naman. Ikaw?" She asked.
"Fighting.."
"So you do it for a living, huh?" Kiniliti ng maliliit na alon ang kanyang paa, it helped her calm her nerves. Nakakamiss palang lumabas.
"Walang choice, the security agency is my family. I grew up learning how to fight. At first I am not really sure what I am doing. I just punch, kick, shoot. But then, I realized that God gave us a gift that we can use for our purpose."
"Ano namang purpose yan bukod sa kumita ng malaki at manganib ang buhay para sa iba?" Gusto niyang biruin si Rye pero nanatili itong seryoso.
"To die for the one I love." He whispered. Nanuyo ang lalamunan ni Ilene. Suddenly, Rye is getting intense. Hindi siya sanay na hindi siya inaasar nito.
"Ako kaya? Anong purpose ko kung bakit ako nagsusulat?" To lighten the mood she asked.
"To give balance." Rye smiled.
"Balance to what?"
"To an agent's life."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi pero hindi niya mapigilan ang pag-ngiti.
"So you like reading stories?"
"No. I like reading you. Isang buwan na kasi tayong magkasama hindi ka man lang gumagawa ng move. Kitang kita ko naman yung passion sa mga mata mo tuwing tinitingnan ako."
Napasimangot siya.
"Yeah, passion to kill."
"Patay na patay na nga ako sayo, papatayin mo pa.." His boyish grin almost melt her knees like a jelly.
"Are you hitting on me?"
"Damn, nahalata ako." A ghost smile formed in his lips. Ipinagpasalamat niyang hindi ito nakatingin dahil alam niyang nag-init ang pisngi niya.
Isang putok ang nagpatigil sa kanilang dalawa sa pag-uusap. A man in black trying to shoot them. Sa likod nito ay mas marami pang lalaki. May kinuha si Rye sa kanyang bulsa, itinutok ang baril sa mga lalaki. In every shot, he was able to take a man down.
"Ilene, run!" Hindi na siya nag-atubili. She ran really, really fast as Rye continuously shoot the bad guys. Pinipigilan niyang madapa. Ilang sandali pa, mas lalong dumami ang putok. Lumingon siya, she saw some guys where shooting the bad guys too but still they're still outnumbered. Naglalakad si Rye patungo sa direksyon niya habang patuloy na bumabaril.
"R-Rye.." She whispered when he was shot on his legs. Sinubukan pa ding lumapit sa kanya ni Rye but then he failed.
"Garcia! Don't move." An equally handsome guy shooting the bad guys instructed. Tumingin sa kanya si Rye.
"You are safe now. Mission accomplished." He said before closing his eyes.
Hindi niya alam ang nangyayari. She's mortified to see Rye bleeding, she realized that he's shot to different parts of his body. Awang awa siya. Huminto siya at akmang lalapitan si Rye nang may apat na lalaking lumapit dito para kunin ito.
"Miss, we will bring you home. We secured the Governor's daughter and the mastermind was caught. We apologize for dragging you in to this." Isang matandang lalaki ang lumapit sa kanya para personal na humingi ng paumanhin.
---
"Simula ng ibinalik ka dito ng Yukan'na Agency, hindi ka na masyadong nagsasalita." Inihatid siya ng kanyang Ate April para sa kanyang flight papunta sa isang book signing. "Mas gusto mo bang makulong doon? Tell me, kasing gwapo ba ng mga nag-hatid sayo ang nakasama mo doon sa Batangas?"
Hindi siya sumagot at bumaba na ng sasakyan. Wala naman siyang kakayanan para hanapin ang Yukan'na na yon. Secret agents daw sila so probably, hindi mo yon basta basta makikita sa internet. She tried but to no avail. Nag-aalala siya sa kalagayan ni Rye.
She smiled at the ground atendant that gave her boarding pass.
"Enjoy the flight!" Nakangiting habilin ng flight attendant. She smiled in return before walking to the boarding gate.
"Miss, gusto ko talagang katabi yung babaeng may green ang buhok saka madaming hikaw."
Natigilan si Ilene sa pamilyar na boses na yon.
"Sir, automated po ang pagpili ng seats."
"Sige na. Paano nangyayari yung nasa movies na magugulat na lang ang babae na katabi niya sa eroplano ang taong mahal niya?" Tanong pa nito.
Dahan dahan siyang lumingon at hindi makapaniwala kung sino ang nakapila doon sa harapan ng ground attendant at gumagawa ng gulo.
Si Rye.
Wearing a black jeans, black v-neck shirt and white sneakers. He looks so casual now. Dahan dahan siyang naglakad papalapit dito.
"Sinong may sabing gusto ka din nung babaeng gusto mong tabihan?" Kahit kinakabahan ay nagawa niyang sabihin.
Slowly, Rye titled his head to her direction.
"Yung Ate April niya. Sabi nung Ate niya lagi daw tahimik simula nung umuwi. Hindi daw masyadong kumakain, wala ding siyang update sa wattpad at twitter niya." Iniangat ni Rye ang cellphone niya na naroon sa twitter profile niya.
"Secret Agent ka ba talaga o stalker?" Natatawang tanong niya.
"Both. Kapag binabaliw ang utak ko ng taong gusto ko."
"Bolero." Tumalikod na siya kahit ang totoo ay kinikilig na siya.
"Ilene ko.." Nakikiusap ang tinig ni Rye.
"Seat 11A. Intayin kita sa gate."
Kalmado siyang nag-lakad pero ang totoo binabagalan niya.
"Is that a yes?" Rye asked.
"Sa anong tanong?"
"You like me too."
"Kanina stalker ka lang, asyumero ka na Aprilngayon?" Pinipigilan niya ang pagngiti.
"Ilene.." Pakiusap muli nito.
"Oo na. Sige na."
"Oo na?"
"Hindi na lang?" Pinipigilan niya talagang matawa.
"Game." An arm was draped to her shoulders. Instantly she felt comfort she never imagined.
---
"Ilene... Wake up.. Oras na.." Her Ate April woke her up. Puno pa din ng luha ang anyang mga mata. Luha ng panghihinayang. She just wished her dream was true. But no. It was still a dream. A dream of a chance with him. A chance with him.
But now, she stood up in a beautiful black dress, her skin is pale, eyes are red and remnants of dried tears. It is Rye's funeral today.
Mission accomplished. Rye died for the one he loved. And with him, Ilene's heart was buried to grave.

WANDERLANDIA'S ONE SHOT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon