Chapter 1

483 3 0
                                    

Napabangon ako bigla.Tagaktak ng pawis ang mukha ko. Yung panaginip na naman na yun. Hindi ko alam kong bakit ko palaging napapanaginipan ang eksenang iyon. Siguro ay dala ng pagod kaya kung ano ano nalang ang napapanaginipan ko. Nagulat naman ako ng biglang may kumatok ng malakas sa pinto ng kwarto ko.

    

"Hoy! Rina wala ka bang balak gumising?! magtatanghali na't tulog ka parin!" sigaw ni tiyang.




"gising na po tiyang!" Sagot ko at nagmadaling bumangon sa kama para mag ayos.





"Bilisan mo at ng makapagluto kana.. baka magising na ang anak ko ng wala pang almusal." galit na sabi ni tiyang.





"Opo tiyang.." sagot ko naman. Gumayak na ko at pumunta na sa kusina para magluto ng almusal.



      Pagkatapos kong magluto ay tinawag ko na sila tiyang para kumain. Agad namang bumaba si Diane na masama ang tingin sakin kasunod sila tiyang.






"Oh ano pang hinihintay mo?! umalis kana at kakain na kami." galit na sabi ni Diane. Umalis nalang ako dahil ayoko rin namang mabulyawan ni Diane. Umakyat nalang ako sa taas at nagpalit ng damit dahil papasok pa ko sa trabaho. Sa isang maliit na coffee shop ako nagtatrabaho bilang waitress. Hindi rin naman ganon kalaki ang sahod ko na napupunta lang lahat kay tiyang. Hinihingi niya kasi ang sahod ko buwan buwan kaya wala ng natitira sakin kung may matira man ay sakto lang yun para sa pamasahe ko araw araw papuntang coffee shop. Gustuhin ko mang maghanap ng ibang trabaho pero wala namang tatanggap sakin dahil highschool lang naman ang natapos ko.





"alis na po ako tiyang." Paalam ko kay tiyang. Tinignan niya lang naman ako.






"Okay lang kahit wag kanang bumalik mas pabor sakin yun." sabi ni madeline. Hindi na lamang ako umimik dahil alam ko namang pag iinitan niya na naman ako.

      Ni minsan ay di ko manlang naramdaman na tinrato nila ako na parang pamilya. Simula palang ay mainit na talaga ang dugo ni tiyang sakin lalo na si tiyo samuel ang asawa ni tiyang tsaka ang nag iisang anak ni tiyang na si Diane. Madalas nila akong pagbuhatan ng kamay kaya hindi talaga maiiwasan na magkapasa ako o di kaya'y manakit ang katawan ko dahil sa sobrang pambubogbog. Pero hinahayaan ko na lang dahil kahit ganon ay malaki parin ang utang na loob ko sa kanila dahil kinupkop nila ko. Natagpuan lang kasi ako ni Lola cecil sa tabing dagat na walang malay noong 5 yrs.old pa lamang ako. Sabi niya ay nang magising daw ako ay nakatulala lang ako at hindi nagsasalita.. wala rin daw akong maalala ni pangalan ko nga ay hindi ko alam. Nakuha lang daw niya ang pangalang Rina sa suot kong bracelet kaya yun ang itinawag niya sakin. Mabait si Lola Cecil sakin kaya magaan ang loob ko sakanya. Sa kasamaang palad ay namatay si Lola cecil noong nag 11 yrs. old ako. Kaya simula non ay kila tiyang na ko tumira hanggang ngayon na 20 na ko.






     Pagkadating ko sa coffee shop ay sinalubong agad ako ni Euly.






"Buti naman at dumating kana nagsasawa na ko sa pagmumuka ni Cody" Medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya narinig ni Cody.





"Grabe ka naman sakin babe.." nakangusong sabi nito.





"Kumusta?" Tanong ni Euly sakin. Mapait naman akong ngumiti.





"Sabi ko naman sayo umalis kana sa bahay na yun eh.." tanging si Euly at Cody lang ang nakakaalam ng sitwasyon ko. Simula bata palang ay magkakilala na talaga kami ni Euly. Si Cody naman ay nakilala namin ni Euly ng magtrabaho kami dito sa coffee shop. Naging boyfriend ni Euly si Cody kaya naging kaibigan ko na rin siya.







"Alam mo namang hindi pwede diba? tsaka sila tiyang nalang pamilya ko.." umirap siya sa sinabi ko.






"psh. Gigil nila ko ah!" Inis na sabi ni Euly.






"Hayaan mo na." sabi ko








"Rina! sabay ka nalang samin pauwi.." sabi ni Euly. Malapit na kasing mag 10pm kaya kailangan na naming isarado ang coffee shop.





"Wag na mauna nalang kayo. " Sabi ko at ngumiti sakanila.





"Pero gabi na wala kang kasabay."sabi ni Euly.






"Okay lang ako."sabi ko.






"Sige, basta mag iingat ka." Sabi ni Euly at tuluyan ng umalis.








Nauna nang umuwi sila Euly at nagpaiwan muna ako para tulungan si ate jo na isarado ang shop. Waitress din siya dito, mas matanda siya sakin ng 3 yrs. kaya parang ate na ang turing ko sakanya. Pagkatapos ay umuwi din naman agad ako.






Pagkadating ko sa bahay naabutan ko si tiyo na umiinom ng alak sa sala.






"Hoy! pahingi nga ng pera." sabi ni tiyo sakin






"w-wala pa po akong pera tiyo.." mahinang sabi ko. Nagulat naman ako ng bigla niyang ibato malapit sakin ang hawak niyang bote ng beer.d





"Tangina! bat wala?!!" galit na galit na sabi niya. Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sakin at sinampal ako ng sobrang lakas kaya tumama ako sa may lamesa. Napaiyak nalang ako.






"Pera na nga lang ang hinihingi ko pinagdadamot mo pa! wala kang utang na loob." Napapikit naman ako sa sobrang sakit ng pagsabunot niya sakin.





"tiyo tama na po.." nanginginig na sabi ko. Bigla namang bumaba si tiyang. Nagising siguro siya sa sigaw ni tiyo.






"Ano bang nangyayari dito?!" Tanong ni tiyang.






"Eto kasing alaga mo napakadamot!!" Binalibag ako ni tiyo. Napapikit na lang ako dahil sa sakit ng katawan ko.






"Hinihintay mo pa kasing masaktan ka." galit na sabi ni tiyang. 





"sorry po tiyang." Nagmadali naman akong umakyat sa taas. Nakasalubong ko pa si Maddy sa hagdanan.






"masakit ba ?" nanunuyang sabi niya. Hindi ko na lamang siya pinansin at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko.








OWNED BY A BILLONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon