Gabi ng makauwi si Lucas. Nasa veranda kasi ako ng kwarto ko kaya nakita ko siyang dumating. Hindi parin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Lucas kanina. Ano naman kaya ang kapalit ng pagtulong niya sakin. Hindi kaya... sana naman ay mali ang iniisip ko. Binuksan ko ang pintuan dahil biglang may kumatok. Bumungad naman ang nakangiting mukha ni daday.
"Maam pinapatawag po kayo ni sir Lucas. Punta daw kayo sa kanyang opisina." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni daday.
"Ngayon na ba?" Tanong ko.
"Opo, tara hatid ko na po kayo." Hindi naman malayo ang office ni Lucas sa kwarto ko kaya hindi kami natagalan.
"Kumatok ka nalang ma'am." sabi ni daday pagkatapos ay umalis na.
Knock knock
"Come in." Sabi ng baritonong boses ni lucas.
Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakaupo sa kanyang swivel chair habang nakatutok sa laptop. Nakasuot lang siya ng pajama at black na T-shirt na hapit na hapit sa kanyang katawan kaya kitang kitang ko ang muscles niya sa braso na nagfeflex tuwing gumagalaw siya... ano ba tong iniisip ko..
"Pinapatawag mo daw ako?" Nag angat naman agad siya ng tingin.
"Have a seat." Sabi ni Lucas at tinuro ang upuan sa harap ng lamesa niya.
"Uhmm ba't mo ko pinatawag?" Tanong ko habang nakayuko.
"About your question earlier." malamig ang tinging ipinukol niya sakin.
Tumango lang ako habang pinaglalaruan ang dulo ng damit ko. Naging habit ko na talaga yan simula pa nung bata ako.
"Be my wife" Napanganga ako sa sinabi niya.
"A- Ano? sabihin mo nga sakin.. nakadrugs ka ba?" Tinaasan niya lang ako ng kilay bago siya magsalita.
"Huwag kang mag alala, you'll just pretend to be my wife for the meantime and I'm not on drugs miss."
"Hindi basta basta yang sinasabi mo. Kasal ang pinag-uusapan natin dito."
"We will just be married for one year and after that we'll have an annulment, I will give you 10 million pesos in return." Seryosong sabi nito.
"Bakit kasi kailangan pa nating magpakasal?" Tanong ko. Naguguluhan talaga ko.
"It's none of your business."
"May karapatan ako dahil buhay ko ang nakasalalay dito." Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.
"I have to get married in order to have the company." He sighed.
"Pero bakit ako? wala ka bang girlfriend?" Tinignan niya naman ako ng masama kaya tumahimik nalang ako.
"One more thing, you will be working for me as my secretary starting tomorrow. " Sabi nito.
"B-Bukas?" Tanong ko.
"Yes." Sagot ni Lucas.
"Okay." I have no other choice. Sa ngayon papayag muna ako sa gusto niya. Habang wala pa kong mapupuntahan, dito muna ako sa bahay ni Lucas. Para na rin makabayad ako sa pagtulong niya sakin.
"You may leave." sabi niya at bumalik na sa kanyang ginagawa kaya tumalikod na ko at naglakad na papunta sa pinto. Pipihitin ko na sana ang siradura ng bigla siyang magsalita.