"Rina gusto mo bang sumama sa mall?" tanong sakin ni euly. Nandito kami ngayon sa coffee shop. Sabado ngayon kaya medyo madami ang costumers.
"Ano naman ang gagawin ko dun?" mas gugustuhin ko pang magstay lang sa kwarto at magbasa ng libro.
"Mag eenjoy ka dun promise." sabi ni Euly
"Kailan ba tayo pupunta dun?" tanong ko
"Bukas ng hapon, day off naman natin yun diba?!"
"Oh sige, magpapaalam ako kay tiyang." baka kasi hindi ako payagan ni tiyang. Pag iinitan na naman ako nun.
"sus, kahit naman hindi kana magpaalam sa tiyang mo wala namang pakialam sayo ang mga yun." nakakunot noong sabi ni Euly.
"Ikaw talagang babae ka! kung ano ano na lang ang lumalabas diyan sa bibig mo!" sabi ko sakanya.
"Totoo naman eh.." nakangusong sabi nito.
"wag kang magpout, nagmumuka kang pato." natatawang sabi ko sakanya.
"sabi kaya ni babe ang cute ko daw pag naka pout."
"Naniwala ka naman?" ang sarap talaga asarin ng babaeng to.
"Hmp! Bestfriend ba talaga kita?"
nakataas ang kilay na tanong niya."to naman.. binibiro lang kita." nagpipigil ng tawa na sabi ko.
~~~~~~~
*MALL*
"Sige na please! isukat mo lang." pamimilit ni Euly. Gusto niya kasing ipasuot sakin yung damit na konti nalang yata ay pwede ng makita ang kaluluwa ko. Color black na 2 inch above the knee kasi ito at hapit na hapit sa katawan.
"Hindi naman ako mahilig sa ganyang mga damit atsaka mahal yata yan." nakangiwing sabi ko habang nakatingin sa damit.
"Okay lang yan.. libre ko naman." nagbuntong hininga nalang ako bago kunin sakanya ang dress tsaka pumasok sa fitting room.
"Oh my gad!!! Ang sexy mo talagang babae ka.. para kang super model." yan agad ang sabi ni Euly sakin pagkalabas ko ng fitting room. Bahagya kong inunat pababa ang dress. napaka iksi kasi, nakakahiya hindi naman ako sanay magsuot ng ganitong mga damit.
"Masyadong maiksi itong dress tsaka wala naman akong paggagamitan niyan."
"In case of emergency baka kailanganin mo din yan tsaka libre ko naman." sabi ni Euly.
"Bahala ka." Pagkatapos naming bayaran yung mga pinamili naming damit dumiretso na kami sa National bookstore dito sa mall. Bibili daw kasi siya ng libro para sa pamangkin niya.
Hindi namin kasama si Cody ngayon kasi may importante daw siyang pupuntahan. Habang naghahanap ng libro si Euly ay napadako naman ang tingin ko sa mga magazines na nakadisplay.
Napatingin ako sa isang magazine na model ang isang napaka gwapong lalaki. "THE BACHELOR: LUCAS GABRIEL DELA VEGA". Hindi ko alam kung bakit parang pamilyar ang pangalan niya. Siguro narinig ko lang sa kung saan. Bagay na bagay sakanya ang suot niyang itim na armani suit.
Napaka ganda ng mata niya... parang napakasarap niyang titigan lang buong magdamag. Napakaswerte siguro ng babaeng mamahalin niya. Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"Ang gwapo noh." sabi ni Euly habang tinataas baba ang kilay.
"H-hindi a-ahh." Nauutal utal na sabi ko sabay nag iwas ng tingin.
"Wehh?! eh kanina ka pa nga nakatingin diyan eh." nang aasar na sabi niya sakin.
"Tara na nga." yaya ko sakanya tsaka siya hinala palabas ng bookstore.
"May nagugustuhan na bang lalaki ang NBSB kong bestfriend ha?." tanong ni Euly saakin.
"Tumigil kana nga.. hindi ko siya gusto kaya tumahimik kana diyan."
"Okay sabi mo eh." Nang aasar na sabi niya.
Gabi na nang umuwi kami ni Euly. Nakapatay na ang ilaw ng dumating ako sa bahay siguro ay tulog na sila tiyang. Pumasok na ko at umakyat na sa taas. Naligo muna ako bago humiga sa kama. Malapit na akong maidlip ng nakarinig ako ng mga yabag.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari. Mas lalo akong kinabahan ng biglang pumasok si tiyo kasama ang kaibigan niya sa loob ng kwarto ko.
"Tiyo b-bakit po kayo nandito sa kwarto ko?." Nanginginig na tanong ko kay tiyo. Sana naman ay mali ang hinala ko sa balak nilang gawin.
"wala naman... makikipaglaro lang kami sayo hahaha." sabi ni tiyo habang nakatingin sakin ng may pagnanasa.
"parang awa niyo na... wag niyo po'ng gawin sakin to." umiiyak na sabi ko kay tiyo habang tinatakip sa aking katawan ang gamit kong kumot. Hindi ko alam kung bakit wala si tiyang at madeline dito sa bahay pero pinagdadasal ko na sana dumating na sila.
"shhh, wag kang umiyak sigurado naman akong mag eenjoy ka sa gagawin natin." sabi ng kasama ni tiyo. Umiling iling ako sa sinabi niya.
"Wag kang magtatangkang tumakbo kundi alam mo na ang mangyayari sayo." sabi ni tiyo habang pinapadulas sa mukha ko ang maliit na kutsilyong hawak niya. Wala akong nagawa kundi ang mapahagulhol nalang.
Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nila sakin ng akmang pupunitin ni tiyo ang suot kong damit. Napasigaw na lamang ako.
"Tumahimik ka.." sabi ni tiyo pagkatapos ay sinuntok ako sa tiyan. Muntikan na akong mawalan ng ulirat dahil dun pero pinilit kong manatiling gising.
Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas dito.
"Masunurin ka naman pala eh." Sabi ng kasama ni tiyo habang hawak ang dalawa kong kamay. Nakita ko ang flower vase sa maliit na mesa katabi ng kama ko kaya nag pumiglas ako at pilit na inaabot ng hindi napapansin nila tiyo. Nang maabot ko na ay pinalo ko agad ito sa ulo ng kasama ni tiyo. Nawalan naman agad ito ng malay. Nang makita ni tiyo ang nangyare ay nanlilisik ang matang tumingin siya sakin.
"Walang hiya ka talagang babae ka... pinagsabihan na kita kanina pero hindi ka nakinig." Galit na galit na sabi ni tiyo.
Isasaksak niya na sana ang kutsilyo sakin pero sinipa ko agad siya palayo ginamit ko ang pagkakataong iyon para makatakbo habang namimilit siya sa sakit.
Takbo lang ako ng takbo hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko napansin na sa gubat malapit sa bahay namin ako napadpad.
"Sige tumakbo ka lang rina... patay ka sakin pag naabutan kita." narinig kong sabi ni tiyo. Mas binilisan ko pa ang takbo dahil sa oras na maabutan nila ako hindi ko alam kong makakatakas pa ba ako ngayong konti nalang ay susuko na ang katawan ko.
Sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin na nasa kalsada na pala ako. Habang patawid ako ay nasilaw ako sa ilaw kaya hindi ko nakita ang sasakyang papunta sa direksyon ko. Naramdaman ko nalang ang ang pagbagsak ko sa sahig bago magdilim ang paningin ko.