Chapter 3

111 1 1
                                    

   

     Napabalikwas ako ng bangon ng maalimpungatan ako. Inilibot ko ang aking paningin sa kwarto. Kinabahan ako ng marealize kong hindi akin ang kwartong kinalalagyan ko nga ngayon. Iba na rin ang suot ko. Nakaputing nighties ako na hanggang hita ko lamang. 



      Ang huli kong naaalala ay noong hinahabol ako ni tiyo at ang nakakasilaw na liwanag galing sa sasakyan na ilang metro nalang ang layo sakin.


   Simple pero elegante tignan ang kwartong ito. Halatang mayaman ang may ari. Pinaghalong black and white ang kulay ng kwarto pati na ang mga disenyo. Kulay puti rin ang bed sheet ng kama at napakalambot ng higaan hindi katulad ng higaan ko kina tiyang. May tatlong pinto ang kwarto. Marahil ang isa doon ay bathroom. Tinignan ko ang orasan sa may bedside table. 7:23 am.

      Tumayo ako at naglakad palabas. Nabungaran ko ang napakahabang hallway. Habang naglalakad ako ay may narinig akong tunog ng piano. Napahinto ako sa paglalakad at pinakinggan ang tugtog. Napakaganda nito sa pandinig. Hinanap ko kung saan galing iyon at napadpad ako sa harap ng kwarto. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya sumilip ako.

     May nakita akong matipunong lalaki na tumutugtog ng piano.  Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang mukha niya. Bago pa niya malaman na pinapanood ko siya ay bumalik na lamang ako sa kwarto ko dahil hindi ko rin naman kabisado ang pasikot sikot sa bahay na to.

      Pagkalabas ko ng banyo ay nagulat ako ng may nakita akong matandang babae sa loob ng kwarto.

"Buti naman at nagising kana iha.. alam mo bang tatlong araw ka nang tulog?" sabi ng matandang babae

"Tatlong araw?" ang tagal pala ng tulog ko.

"Oo, nagulat nga ako ng dalhin ka dito ni Lucas na walang malay." sabi ni manang habang inaayos ang kama.

"Naku! ako na po diyan." nakakahiya naman kasi kung siya pa ang magliligpit ng pinaghigaan ko.

"Hindi, sige na kaya ko na ito" hinayaan ko na lamang siya at naupo sa paanan ng kama.

"uhm.. " naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.

"Manang rose nalang ang itawag mo sakin." Nakangiting sabi niya sakin.

"Manang rose sino po yung Lucas na sinasabi niyo?" Tanong ko

"Siya ang amo ko at siya rin ang nagdala sayo dito"

"naku, nakakahiya naman po sa amo niyo" Sabi ko.

"Mabait na tao si Lucas natural lang na tulungan ka niya iha, at siya nga pala ano bang pangalan mo?" tanong ni manang

"Czarina po manang."

"Kay gandang pangalan." Ngumiti nalang ako sa sinabi ni manang.

"Oh siya! sige tara na sa baba at ng makapag almusal kana" gaya nga ng sabi ni manang ay bumaba na kami at pumunta sa dining. Naabutan naming naghahanda ng pagkain ang babaeng kasing edad ko lang yata.

"Eto nga pala si daday, katulong rin siya dito kaya pwede mo siyang tawagin kung may kailangan ka." sabi ni manang. Ngumiti naman sakin si daday.

"Hi ma'am! ako nga pala si daday, grabe mas maganda ka pala sa malapitan! kung ganyan lang sana ako kaganda eh baka nagkagusto na sakin si sir hihihi " Napahagikhik naman ako sa sinabi ni daday.

"Naku! ikaw talaga daday tigilan mo na nga ang pagpapantasya mo sa sir Lucas mo, ang mabuti pa ay magdilig ka nalang sa garden ." Kunyaring galit na sabi ni manang kay daday.

   
     Naputol naman ang pag uusap nila ng may marinig kaming yabag pababa ng hagdan.

"Andiyan na ang senyorito lucas" narinig kong sabi ni daday at hindi nga siya nagkamali dahil biglang may sumulpot na lalaki sa dining.

        Napakagwapo nito sa suot na black armani suit. He has this dark aura around him. Napaiwas ako ng tingin at yumuko ng mapansing titig na titig ito sakin. Mas lalo akong kinabahan ng maglakad ito palapit sakin.

"Good morning sir!" ngiting ngiti na bati ni daday. Napahagikhik naman si Manang nang hindi siya pansinin nito.

"Glad you're awake." Nagulat ako ng magsalita ito. Nag angat ako ng tingin. Walang emosyon ang mga mata nitong nakatitig sakin.

"uhm oo, salamat nga pala." Nauutal utal na sagot ko habang pinaglalaruan ang laylayan ng damit na suot ko. Nakita ko namang umalis na sila manang. Nilagpasan ako nito at umupo sa hapagkainan.

"For what?" tanong niya habang umiinom ng kape.

"Sa pagtulong sakin.."

"Don't thank me yet... may kapalit ang pagtulong ko sayo.." huh?

"What do you mean?." Naguguluhan kong tanong.

"Eat and we'll talk later." Sabi niya at pinagpatuloy na ang pagkain.

"Okay." Pagkatapos naming magbreakfast ay umalis naman agad si Lucas.

        Nalaman kong siya pala ang CEO ng Dela Vega Company na nagmamay ari ng mga chains of hotels and restaurants at mga malls hindi lang sa pilipinas kundi pati sa ibang bansa. Kaya pala parang pamilyar ang muka niya. Minsan ko na siyang nakita sa isang magazine ng pumunta kami ni Euly sa mall. oh wait... si euly nga pala. hindi niya alam kung nasaan ako...

MEANWHILE

"Did you found her?." Tanong ko sa private investigator na nasa harapan ko.

"H-hindi pa sir." I felt my blood boiled with his answer. F*ck, it's been 15 f*cking years and this bastard still can't find her.

"Then what the hell are you still doing here? get the f*ck out and find her." Sigaw ko. Napahilot ako sa sintido ko ng umalis na ang PI na inutusan ko para hanapin siya.

"Hey man!" Napatingin ako sa taong kakapasok lang sa opisina ko.

"Do you know the word knock Martinez?"  Ngumisi lang ito at umupo sa sofa.

"Ganyan mo ba batiin ang bestfriend mo dela vega? I'm hurt." Sabi nito at hinawakan pa ang dibdib.

"F*ck you."

"Hanggang ngayon ay hindi mo parin pala tinitigilan ang paghahanap sa kanya. Dude, it's been years!"

"If you're here just to piss me off, your free to leave." Sabi ko ng hindi tumitingin sakanya.

"Just give up already." Martinez said.

"I can't." I sighed. I wont give up on her. Never.

"Well, lets just hope that she's still alive" Tinignan ko siya ng masama.

"She's not dead." I glared at him.

"You crazy bastard." Sabi nito at umiling iling.

" Ano bang pinunta mo dito?" Tanong ko.

"Well, aside the assholes that kept pestering me about you I also want to ask if you're going to the charity ball this weekend?"

"No. You know I'm not interested in that kind of event." He knows I'm not a fan of crowded places.


"K.fine you unsocial bastard. Just call me if you change your mind. I need to go, I have other business to attend to" He said and smirked at me.

"Never want to know what that business is."

"See you at the ball then." He said and dashed out of my office.



























OWNED BY A BILLONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon