O ayan ah, wala ako nakita.
Bakit pagbukas ko ng pinto yun yung nakita ko?
Haayyyyy! Nababaliw na ako. Ang gulo ko!
---
Di rin nagtagal naisipan kong lumabas na ng banyo.
"Fudge!"
Napasigaw na ako ng mahina sa aking kaloob looban. Pasalamat ako walang nakarinig kasi sa kaloob looban naman ako napasigaw eh.
Nakita ko na naman si Samantha. Samantha the Super Bit*h. Alam mo kung anong ginagawa?
Ganito lang naman ang nakita ko, napaka simple. Nakikipag halikan lang naman si Samantha doon pa sa lalaking...
Sa lalaking akala mong gwapo kanina. Yung nanghahalik ng kamay na di naman kanya.
Kaya napabalik ako sa loob ng banyo.
Gosh. Ano yun? Bakit ganoon yung pwesto nila? Hindi ko maipaliwanag ang lahat. Lalo na at bago ito sa paningin ko.
Nakasandal si Samatha sa pader habang ang dalawang hita niya ay nasa bewang nung gwapong alien kaya't nasa pagitan ng hita ni Samantha yung gwapong alien habang hawak ang pang-upo ni Samantha. Ito namang si Samantha naka kibit ang kamay sa leeg nito.
Napapahawak ako sa bibig ko. Nandito ako sa loob. Ang pwesto kasi ng banyong ito ay tago, nasa loob ng biyak na bato sa mismong daan. Kaya't parang sinasadya nila ito.
As expected to a super beach este BIT*H Samantha.
Pati sa school nakikipag make out. Diba pwedeng sa bahay lang ganern?
Puro ungol ang naririnig ko sa kanila, 'di ko naiwasang sumilip sa labas.
Nung nakita ko. Di ko talaga mapigilan. Ang inis. Lalo na at hindi ako makalabas dito. Halos b** ni Samantha ay nakikita dahil hindi na naka butones ang damit nito.
Tumingin ako sa orasan ko. Napalaki ako ng mata. Eight na ng umaga. Late na ako.
Aba kahit weird ang pangarap ko marunong ako mag-aral at lahat ng iyon ay sekreto lang naming dalawa ng BFF ko na si Honey.
At dahil sa nangyayari sa labas. Hindi na ako tuloy mapakali. Lalabas ba ako o hindi?
Tiningnan ko ulit sila. Gosh. Wala na yung palda ni Samantha nasa may tuhod na niya. 😲
Hindi ko na kaya! My virgin eyes! Nadudumihan na ng malanding ito.
Kaya...
Lumabas ako ng banyo at lumampas sa kanila ng para bang walang nakikita.
Medyo napatigil sila at natanaw kong nakangiti si Samantha at mukhang nagulat naman yung gwapong alien kahit na di ko pa siya kilala alam ko ang itsura niya.
Alam kong sinasadya mo to! Samantha you'll pay for this!
Cut of Xiane's POV
Gwapong Alien's POV
Nakita kong naglalakad si Xiane kanina kaya hinabol ko siya. Nahulog niya rin kasi ang panyo niya pero...
---
"Mukhang may hinahanap ka ah"
Bigla akong napatingin sa nagsalitang babae. Si Samantha lang pala.
Hindi ko siya balak pansinin lalampasan ko na siya pero...
Hinila niya ako at biglang hinalikan. Hindi ko napigilan ang sarili ko.
Kaya, napahantong na nakita kami ni Xiane sa ganoong pangyayari. Bagamat, alam kong ginusto ko rin ang ganoong pangyayari ngunit di mo maiaalis ang salitang. Nakakahiya.
YOU ARE READING
Stupid Disaster
HumorSadyang kabaliwan lang ang panira sa love-life! ❤❤❤❤ Romansang nakakatanga!!! ❤❤❤❤ 12-19-16/#90 in Humor/ Highest Rank~