Xiane's POV
Haysss. Kainis na araw na to! Sa dinadami dami ng araw ngayon pa naisipan ni Honey mag-absent. Bakit ba kasi sobrang sakit reglahin nun!
Oh! Ayan tuloy nag-iisa akong nakapila dito sa cafeteria para sa food! Lunch na kasi.
Isa pang nakakainis wala ng table dito...
Nakaharap ko na si ateng tindera at kinuha ko sa kanya yung food saka ko binayaran. Ngayon hawak hawak ko ang isang tray na nakalagay yung pagkain ko.
So ano? Kakainin ko ito habang nakatayo ako? Ganda kong ito maghihirap ako ng ganito? Wt. Haha
Okay...
Lakad dito, doon. Tingin dito at doon. Tama! Ayun!
"Ah kuya, pede po makikain sa table mo?" Mahinahon kong sinabi kahit na gutom na gutom na ako gusto ko ng kainin lahat ng nakikita ko.
Di ko alam kung bakit pero, tinalikuran ako bigla ng gag*, ayy bastos.
Di na ako nagpasintabi ba, magpapabebe pa ba eh gutom na nga!
"If you don't mind upo na ako sa harap mo gutom na kasi ako... " agad akong umupo sa tapat niya. Di ko alam kung bakit pero pinagtitinginan na kami ng marami.
Sabagay, sanay na ako sa mga tingintinginan diyan ng kung sino-sino.
"Ay, ang landi naman ng babaeng yan!"
"Oo nga eh, biruin mo meron na ngang syang Zaire aagawa pa tayo kay Mr. Yummy!"
"May araw din yan saatin"
Puro halos kababaihan ang naririnig ko. Anong problema nila? Nakain lang ako paepal pa sila?
Wala akong pake. Lalasapin ko ang lasa ng Carbonara with Sandwich CLUBHOUSE... Samahan mo pa ng natural and pure pinaapple Juice 100% w/o sugar.
Shemsss! Sobrang sarap.
Napatingin ako bigla sa lalakeng kaharap ko. Bakit ganito to? Sobrang naiilang lang ba siya sa kagandahan ko?
Sobra naman siyang makaiwas tumingin aba halos sa kutsara nalang siya nakatitig. Manginig nginig pa.
"Kuya okay ka lang ba?"
Agad na may dumating na lalaki tapos nilapitan yung kasama ko.
♡ COXPOV (Cut of Xiane's POV) ♡
Tyron's POV
Bakit pa sa lahat ng babae sa mundo siya pa yung lagi ko nalang nakikita at lalo pang lumalapit. May saping linta ata ang babaeng ito.
Una dahil sa kanya nawalan ako ng trabaho tapos nakita niya pa yung...
Hays, nakakabwisit. Kung kaya ko lang itago ang pagmumukha kong ito sa sobrang hiya. Aba, matagal ko ng ginawa.
Tapos kinausap niya ako na para bang wala siyang maalala. Tss, di ko siya kayang pansinin.
Maganda nga siya. Pahamak naman sa buhay ko.
Bigla nalang may dumating na tinawag ang pangalan ko.
"Tyroooon!" Sigaw niya at sa buong canteen naririnig ito.
Bila siyang napalapit saamin at parang tinuturo turo yung kasama kong babae.
"Hey, is she-... "
Nako lagot.
Agad akong napatayo dahil... Muntik na, muntik na mabuko.
Lumapit ako sa kanya at nagsabi na...
"Pre ano ba, wag ka maingay!" Sabi kong medyo kabado habang nakatalikod sa babae at nakaakbay sa kaibigan ko na si Gaige.
"Haha, for the first time pre, may kasama ka kumain sa table mo ah!" Pang-aasar niya saakin.
Never kasi akong nagkaroon ng kasabay kumain. Lalo na ng babae kahit itong si Geige di ko sinasabayan kumain sa Canteen.
"Ganda ng Chix mo ah!" Pang-aasar niya saakin.
Oo, maganda naman talaga siya kaso. Nakita niya yung dapat niyang hindi makita.
"Heka lang pre, diba siya yung babae sa hot spring na may kasamang isa pang hot chix?"
Oo tama, alam niya rin yun paano? Ang isang sobrang manyak na tulad niya, hindi papatalo sa kalibug** ng isip niya.
Nabulok ako sa kakaintay sa kanya na intayin yung babaeng nasa kabilang kwarto lang. Doon sa hot spring. At nung nakita nga namin na lumabas kaya ayun. Hindi alam netong utol ko na nakita ko na itong babaeng ito.
"Sige pare ikaw ng bahala jan sa isa, ako naman sa kaibigan niya! Paunahan tayo ah!"
At bigla biglaan siyang umalis sa tabi ko.
Agad akong bumalik sa kinauupuan ko.
"Sino yun" tanong niya
"Kaibigan ko lang... " naiilang na talaga ako dito sa babaeng ito.
"Ah, ikaw bat ka nag iisa?" Nagsimula akong ibahin ng kaunti ang aura na meron dito naiinitan kasi ako sa kaba.
"Amm, absent kasi si Honey yung best friend ko, kaya eto nag iisa ako" at agad niyang sinubo ang pasta na nasa tinidor niya.
Bakit pati. Pati pagsubo niya maganda parin tulad niya?
"Amm, may problema ka ba?" Bigla niyang tinanong saakin.
"Ah wala, nilalamig lang ako... " pagpapalusot ko pero naiinitan talaga ako.
"Ah, eh... Bakit ka pinagpapawisan?" Sabi niya bigla at nagbabalak siyang ilapat ang kamay niya sa ulo ko pero.
Bigla akong napatakbo, este napaalis sa kalagitnaan ng ganoong sitwasyon ng medyo nakaalis na ako sa canteen agad akong tumakbo papunta sa isang garden.
EofTPOV
◇◆◇◆◇◆
Xiane's POV
Ang tae kausap nun, eto na ngang nag aalala yung tao. Ano ka, ngayon lang to!
Bigla ba akoh layasan ng mokong. Gwapo sana siya kaso bastos, kinakausap lalayasan ako bigla. Haysss. Wala na ba talagang perfect guy diyan?
Napatingin nalang ako sa kinakain ko ng bigla kong nakita ang isang itim na pitaka.
Dahan dahan ko itong kinuha at tiningnan.
Wow ang gaganda naman ng letrato dito. May gallery show sa loob ng wallet!
Binulsa ko agad ang pitaka na iyon at umalis sa canteen habang dala-dala ang clubhouse na hindi ko pa nauubos.
Hanggang sa makarating ako ng room. Medyo nagkasamaan pa kami ng tingin ni Samantha.
Mahalikwat nga ang laman nitong wallet pag-uwi HAHAHA. Wag kayong mag-alala isosoli ko din naman. Saka, hello! Jusme... 500 lang naman laman ng wallet niya.
Di ko para pag interasan pa no. Yaman ko pa dito.
Excited na akong mag-uwian...
▶▷▶ Ayan pasko na! Merry Christmas!!! ◀◁◀
Sa susunod niyo na malalaman ang lahat ng mangyayari.
Abangan...
"Fudge! Ano to? "
"Put*k di ako makapaniwala!"
"Pare nakita mo pitaka ko?"
Hihihi. Sa new year ulit!!! Enjoy reading! Paramdam kayo ah! Muaaaa!!!
YOU ARE READING
Stupid Disaster
HumorSadyang kabaliwan lang ang panira sa love-life! ❤❤❤❤ Romansang nakakatanga!!! ❤❤❤❤ 12-19-16/#90 in Humor/ Highest Rank~