♥♡♥♡♥♡♥
Xiane's POV
Natatawa talaga ako nakakain na nga ako may nakuha pa akong pitaka. Aba malay ko ba kung sino may ari neto. Ang nakakainis ang tagal matapos ng klase. Sa bahay ko na kasi balak buksan itong wallet niya. Basta nasa bulsa ko lang.
~Riiiiing~
Yaaas! Nag-bell na.
"Honey una na ako ah" agad kong sinabi kay Honey, pagkatapos ay kumaripas na ako ng takbo palabas ng school. Haha, runner ata to! Pumasok kasi si Honey, nung after lunch. Sabi niya okay lang daw siya.
Buti nalang malapit lang bahay namin. Nang makarating na ako ng bahay agad kong binuksan yung gate tapos sinara ko na din.
Binuksan ko yung pinto pero di ko mapasok yung susi ko nanginginig ako.
"Shit! Naiihi ako bigla di ko mabuksan yung pinto!" Nakakainis pumasok ka ng lintik na susi ka!
Makalipas din naman. Nabuksan ko yung pinto. Nabaksak ko na yung susi at bag ko sa sahig tatakbo agad ako sa banyo. Madapa-dapa na ako sa bilis ko tumakbo.
"Putek, pati ba naman banyo dito sa baba sarado!" Di ko na talaga kaya nanghihina yung pantog ko.
Tumakbo agad ako sa taas, takte parang nagapang na ako sa hagdan, hindi pwedeng dito ako abutan, pagtatawanan ako ng kapatid ko. Nang makataas ako gumapang na talaga ako papunta sa kwarto ko. Shet, sana bukas pintuan dito.
Nakadapa akong buksan ang pintuan ng kwarto ko.
"Ho** Sh** kapag talaga naabutan ako dito kakalimutan kong nabuhay ako sa araw na 'to!"
Pinipigilan ko na talagang hindi mapaihi gigil na gigil ako. Sa wakas nabuksan ko yung pinto. Tumayo agad ako sa abot ng makakaya ko at karipas sa takbo sa banyo ko.
Bukas na talaga ito at di ko nalapat kanina na isara. Halos lagabag ko ng binuksan ang pinto. Binaba ko agad ang shorts saka pambaba ko.
Matapos ang sandaling iyon, wooo! Success! Napahiga agad ako sa kama ko.
"Ang sarap talaga mahiga sa kamang malambot!" Agad din naman akong umupo kinapa ang bulsa ko.
"This is the right moment!" Inihuho ko lahat ng laman.
"Tingnan nga natin ang laman nito. Ang dami naman niyang mga barya, yaman naman. Tapos 500 lang. Hahaha nakakatawa ang bigat kaya sa bulsa ng maraming barya. Ang dami naman niyang cards." Para na akong baliw dito na kinakausap ang sarili ko.
Ito lang, wala na. Humiga ulit ako. Kinuha ko ulit yung wallet nangalikot.
"Napakamumurahin naman nitong wallet niya, sira sira na. Ilang taon na ba ito?"
Heka bakit ganun parang may nakaipit pa. Pagkabukas na pagkabukas ko bumaksak sa mukha ko yung bagay na yun, inihagis ko agad kung saan yung wallet tapos. Hinawakan ko agad yun at tiningnan.
"Gosh! Ano to?"
Bigla namang may kumatok.
"Hoy! Ate yung gamit mo kamo nasa baba tapos iniwan mo pang bukas yung pinto...
Heka, heka, hindi ko alam gagawin ko. Nagpaikot-ikot ako sa higaan kaya nalaglag ako.
"Aray ang sakit sa likod." Nakita ko na lang na parang bubuksan ni Xenovia yung pinto kaya.
"Wag na wag kang papasok!" Agad kong nilagay sa ilalim ng higaan ko sinusubukan kong tumayo pero ika-ika na ako dito. Mukha na akong engot dito.
"Eh ano? Hahayaan mo nalang bang maagnas yung gamit mo katulad ng mukha mo?" Agad siyang umalis habang natawa. Tae-tae talaga ng kapatid kong yun, kung agnas yung mukha ko mukha naman pampatay na mukha niya.
Tumakbo ako sa pintuan susubukan ko sanang habulin ang luka pero nakita ko na lang na kakasara niya lang ng pintuhan niya. "Bwisit na babae yun!" Sinara ko na yung pintuan ko saka bumaba para kuhanin ko yung mga gamit ko sa baba. Hindi ko para sabihin na inabot na ako ng tawag ng banyo kanina. Pagtatawanan ako nito ng todo. Baliw eh.
"Ate peram akong tsinelas ah?" Sigaw niya habang nasa baba ako.
"Sige nasa ilalim ng higa-" Putek ang bobo ko, bakit doon ko nilagay. Nabato ko yung gamit ko sa sala. Hindi ko ma pa naaayos yung mga gamit nung lalaking yun.
Tatakbo ako sa hagdanan yung tipong madapa-dapa tulad nung kanina.
Ang bilis ko talagang tumakbo. Tapos, tapos...
Naabutan ko nalang siyang hawak hawak niya yung...
"Ate! Magpaliwanag ka! Bakit may CON*OM ka dito! Tapos may pitaka ka pa nga lalake. Sino 'tong palaka na ito?" Hindi ko alam kung ano yung una kong sasagutin.
"Ah, e, i..."
"Umayos ka nga! Ano isusuko mo nalang pagkababae mo sa kung sino lang?" Sigaw na sigaw siya buti nalang sound proof itong bahay namin baka marinig pa ako ng kapit bahay.
"Pwede isa-isa lang?" Parang ako yung bata sa eksena na nahuli ng kapatid na nagloloko.
Medyo kumalma kalma naman siya.
"Sige sino muna ito?" Tinutukoy niya yung letrato na galing sa pitaka.
"Hindi ko alam, nakita ko lang siya sa canteen-" Hindi pa tapos sinasabi ko bumibira na agad siya saakin.
"Ano? Hindi mo alam, tapos may CON*OM ka dito! Ano kailan kayo nag-meet?" Talaga bang ayaw niyang kumalma. Kumuha ako ng upuan para paupuin siya.
"Kalma, kung ano- anu agad iniisip mo. Nababaliw ka ba? Ganan na ba tingin mo talaga sa ate mo? Ayaw mong maghintay ako ng paliwanag. Sa tingin mo ba yang pagsigaw sigaw mong yan malalaman mo yung totoo?" Para siyang ewan ngayon na nakatungo. Kinuha ko agad yung hawak hawak niyang con*om saka nilapag sa lamesa ko.
"Sige sisimulan ko ang pagpapa liwanag pwede wag ka muna maging OA diyan bago pa mabalitaan ng kapitbahay na nakasaksak ako ng kapatid." Mahinahon ako ng lagay na to ah, dapat malaman niya lang kung sino ang Ate. Ako ang ate, ako tong inaano niya di naman niya alam ang istorya.
"Itong pitaka galing sa lalaki na nakasabay ko kumain, wala na kasi akong makainan. Tapos bigla siyang umalis naiwanan niya yung pitaka. Aba! Malay ko ba kung sino siya. Saka hindi ko na siya na habol. Gutom na gutom ako no. Bukas ko balak isoli, kaso kinalikot ko muna. Kasi trip ko lang."
Tumungo lang siya. Tapos tumingin siya saakin nakikita ko ang mga mata niyang nangungusap na humihingi ng sorry. Tapos tumungo ako. Lumabas nalang siya ng kwarto. Pero tumakbo pabalik sakin at niyapos ako bigla. Aww, ang sweet talaga.
"Sorry ate" Ngumiti nalang ako. Ganan talaga ang pagiging ate, dapat mauna sa kalokohan. De joke lang.
Napaisip ako, bakit kaya may Con*om yung lalaking yun?
EndoXPOV
♥♡♥♡♥♡♥
▶▷▶ Wat? 2k reads na? We? Lels, salamat po sa pagbabasa nitong ewan na di mo maintinhan. Salamat po talaga! Happy 2K Reads Guys! Labyou!Magapapsukan na ako baka di na ako makapag UD ng maayos. College eh. Sana andito pa kayo. Kahit parang wala na lels.◁◀◁
Published: January 06, 2017
YOU ARE READING
Stupid Disaster
HumorSadyang kabaliwan lang ang panira sa love-life! ❤❤❤❤ Romansang nakakatanga!!! ❤❤❤❤ 12-19-16/#90 in Humor/ Highest Rank~