Chapter 1: The HMS mall encounter.
Planet Earth Year 2064.
Kung gusto mong malaman ang nangyayari sa mundo sa panahong ito, imaginin mo ang isang mundo na konti lang ang tao, maraming sirang bahay, maraming nakatiwang na sasakyan, puro usok at apoy sa paligid, at huli puro Halimaw ang nakakalat, ang iba namang tao na nanatili pang buhay ay gumawa ng kanilang sariling diskarte para malabanan ang mga Halimaw o HMS.
Sa Gitna ng Magulong Mundo ay may dalawang magkaibigan ang nakasakay sa isang Jeep.
Hindi Pangkaraniwan ang Jeep na ito dahil kaya nitong umandar sa ibabaw ng tubig at lupa.
lulan nito sina Andres at Rod si Andres ay nagkukumpuni ng mga baril at iba pang sandata na pwedeng ipanlaban sa mga HMS.
Si Rod naman ang tumutuklas kung paano masusugpo ang mga mapaminsalang HMS.
Habang nililibot nila ang kanilang siyudad nasasaksihan nila ang unti-unting pagkasira nito dahil sa mga HMS na nag-lalaban sa Gitna ng siyudad,
ang iba naman sa sobrang laki ay kayang mag pabagsak ng gusali ng hindi sinasadya.Rod: Grabe pare sirang sira na ang siyudad, may pag-asa pabang mapigilan ang mga HMS na yan.
Andres: Pare huwag kang mawawalan ng pag-asa habang nanatili tayong buhay hindi tayo titigil na humanap ng paraan kung pano malilipon ang lahat ng mga HALIMAW na yan!.
Rod: Sang-ayon ako sayo pare.
Huminto sila sandali sa isang Mall upang maghanap ng armas at pagkain.
Walang katao tao sa Mall at may naramdamang kakaiba si Andres!
Andres: Pare alisto ka!
Bahagyang kinabahan si Rod.
Rod: O,oo pare!.
Ilang segundo pa ay naglabasan ang walong "Cheedile" mula sa bintana ng Mall, nabasag ang salamin nito.
Ang mga "Cheedile" ay isang uri ng HMS na may katawan ng Cheetah at ulo naman na sa buhaya.
Bawat isa nito ay may taas na limang talampakan.
Kaagad na pinaulan ng bala ni Rod ang mga Cheedile.
Andres: Mukhang matigas ang mga ito ah!.
Kinuha ni Andres ang isang malaking balisong sa kanyang likuran.
Ibang klase ang balisong na ito kapag ginamit mo ito ay nagmumukha itong espada na pangdigma at ang talim nito ay sadyang dinisenyo upang maging napakatalas na sandata na kayang humiwa ng isang puno sa isang kumpas lang.
Sumugod si Andres sa mga Cheedile.
Rod: pare mag-iingat ka.
Andres: Silang mag-ingat sa Balisong ko.
Tatlong Cheedile ang nag mamadaling sumugod kay Andres.
BINABASA MO ANG
Halimaw
Science FictionHuwag kang lumaban para sa sarili mo, lumaban ka para sa mga mahal mo, at iyon ang katangian ng isang tunay na Bayani. Year 2064 Dr. Mariano: Lilikha ako ng mga nilalang, na siyang mag-babalik sa dating ganda ng mundo. Ilang sadali pa ay. "Roooooaaa...