Chapter 3 : New friends.
Alas otso na ng gabi.
Ng huminto ang jeep nila Andres sa isang Grocery na walang tao ngunit bukas ang ilaw.
Rod: Tara Mina kumuha tayo ng pagkain tsaka tignan narin natin kung may gamot.
Andres: Aah! Huh! Huh!.
Rod: Nanginginig si Andres, hindi siya pwedeng iwan mag-isa, sige ako na lang ang pupunta ng grocery Mina maiwan ka na lang dito bantayan mo muna si Andres.
Carmina: Oo sige.
Hinipo ni Carmina ang noo ni Andres.
Carmina: Grabe! Ang taas ng lagnat mo.
Andres: Hooo! Ang lamig.
Nanginginig na wika ni Andres.
Pumilipit si Andres upang mabawasan ang lamig na kanyang nararamdaman.
Carmina: Anong gagawin ko?, okay sige hooo!.
Huminga si Carmina ng malalim at niyakap niya si Andres.
Carmina: Grabe ang init mo.
Niyakap ni Andres si Carmina ng mahigpit, nagulat naman si Carmina sa ginawa ni Andres pero wala siyang magawa.
Ilang sandali pa ay naka tulog si Carmina.
Alas tres ng madaling araw ay nagising si Carmina dahil may narinig siyang nag-kukwentuhan sa labas ng jeep.
Pag-bangon niya ay may kumot na nakayakap sa kanya at wala narin si Andres sa kanyang tabi, hinawakan niya ang kumot at siya ay napa-isip.
Si Andres at Rod pala ang nag kukwentuhan sa labas ng jeep.
Rod: Oh! Pare kape.
Iniabot ni Rod ang kape kay Andres at tinanggap naman ito ni Andres.
Andres: Kailangan pa natin ng marami pang armas para tumagal pa tayo at matapos ang misyon natin.
Rod: Hindi pa nga magaling yang sugat mo eh!.
Andres: Pare konting pahinga na lang ito, kaya nang lumaban ulit.
Rod: Hindi mo ba iinumin yang kape mo? Lalamig yan.
Andres: Dalawa lang ba itong kape?.
Rod: Oo ea, si Carmina wala.
Andres: Sandali lang.
Binuksan ni Andres ang likuran na pinto ng jeep.
Nang marinig ni Carmina na may nag-bubukas ng pinto ay dali-dali siyang humiga at nag-tago sa kumot.
Napangiti si Andres ng makita niyang nag-tago si Carmina sa kumot.
Andres: Wag ka nang mag-tago inumin mo muna itong kape oh! Para mainitan ka.
BINABASA MO ANG
Halimaw
Science FictionHuwag kang lumaban para sa sarili mo, lumaban ka para sa mga mahal mo, at iyon ang katangian ng isang tunay na Bayani. Year 2064 Dr. Mariano: Lilikha ako ng mga nilalang, na siyang mag-babalik sa dating ganda ng mundo. Ilang sadali pa ay. "Roooooaaa...