Chapter 2 : Carmina the Swordslady

91 4 0
                                    

Chapter 2 : Carmina the Swordslady.

Napa dilat si Rod sa narinig niya, at nakita niyang putol na ang paa ng ipis na aapak sana sa jeep nila.

Nagulat si Rod sa kanyang nakita at muli siyang nagulat ng maputol pa ang iba pang paa nito hanggang sa tuluyan na itong bumagsak.

"Buuugshh!!" malakas na bumagsak sa kalsada ang higanteng ipis.

Rod: Pare! Pare! Ihinto mo muna, pare ihinto mo!. Huminto ang jeep sa gitna ng kalsada.

Andres: Ano nangyare?.

Tanong ni Andres.

Rod: huwag mong papatayin ang makina ng jeep, baka bumangon pa 'to!.

Andres: Oo.

Tugon ni Andres.

Sabay na lumabas ang dalawa sa jeep at inalam ang kalagayan ng higanteng ipis.

Rod: Papaanong naputol na lamang bigla ang mga paa ng halimaw na 'to?.

Nagtatakang tanong ni Rod kay Andres.

Andres: Aba malay ko, ikaw ang namamaril diyan.

"Tlok!5" mahinang huni na lamang ng ipis.

Carmina: Ligtas na kayo huwag na kayong mag-alala.

Wika ni Carmina.

Nag-tataka ang mukha ng dalawa.

Andres: Saan galing boses na iyon?.

Rod: Ewan ko.

Nag-tatakang tugon ni Rod.

Natanaw nila na unti-unting nag-kakaroon ng hugis ng babae habang humuhupa ang alikabok na gawa ng pag-bagsak ng higanteng ipis.

At tumambad sa kanila ang isang hot, gorgeous ngunit palabang dalaga.

Carmina: Ano ang ginagawa niyo sa ganito ka gulong lugar?.

Nakatulala lang ang dalawa sa ganda at sexy ni Carmina.

Carmina: bakit hindi kayo nag-sasalita?.

Tanong ni Carmina.

Andres: Ang laki ng bundok.

Carmina: Ano? Anong bundok?.

Nag-tatakang tanong ni Carmina kay Andres.

Andres: ha! Ah eh! Haha bundok? Balak kasi namin pumunta ng Mt. Samat dun sa bataan.

Carmina: Nag-kakagulo na ang mundo nagagawa niyo pang pumunta ng mt. Samat?.

Andres: Oo bakit?, masamang pumunta doon?.

Carmina: Okay wala na akong paki doon, sige alis nako.

HalimawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon