Chapter 5: The Hotel.
Greg: Tara doon na lang tayo sa hotel na iyon matulog total wala namang tao dun.
Rod: Oo nga.
At pumasok na nga ang anim sa hotel.
Rod at Antonio: Wow ang ganda ng hotel.
Greg: Guys tignan niyo ang laman ng kwarto na 'to!.
Pag-tingin nila ay punong-puno ng armas at mga kasuotan pang-gyira.
Sarah: saan kaya galing ang mga 'yan?.
Antonio: Ang mahalaga marami na tayong armas panlaban sa mga HMS.
Greg: Tingin ko naiwan 'yan ng mga army.
Rod: Oh! Sino una maliligo sa inyo?.
Sarah: Ako na.
Rod: Okay sige mga babae muna mauunang maligo, teka mukhang malambot ang kama na iyon ah!.
Nang marinig nila Antonio at Greg ang wika ni Rod tungkol sa kama ay nag-katinginan silang tatlo, at mabilis silang nag-unahan sa kama.
Rod: Hoy! Akin 'tong unan.
Antonio: Sayo na, basta sakin 'tong kumot.
Greg: Huwag nga kayong malikot, inaatok ako.
Ilang sandali pa ay naka tapos na ang lahat na maligo, at nag luto na ng makakain ang mga babae.
Rod: Ano tapos na ang niluluto niyong dalawa diyan?.
Tinutukoy ni Rod sina Sarah at Carmina na abala sa pag-luluto.
Carmina: Oo tapos na, tawagin muna sila kakain na tayo.
At inihanda na ng dalawang babae ang pag-kain sa mesa.
Antonio: Wow, mukhang masarap to ah!.
Greg: Tara kain na.
At naka upo na nga lima.
Carmina: teka nasan si Andres?.Sarah: Oo nga nasan siya?.
At biglang lumabas si Andres mula sa kwarto na bagong ligo.
Bahagyang nagulat si Carmina at napasubo ng pagkain, habang si Sarah naman ay nakatingin lang kay Andres.
Rod: Tara na pare kain na.
Antonio: Oo nga Andres ang sarap ng ulam.
Andres: Sino ang nagluto nitong sinigang? mukhang masarap ah!.
Sarah: Ako nag luto niyan
Tinikman ni Andres ang luto ni Sarah.Andres: Masarap.
Nakangiting wika ni Andres.
BINABASA MO ANG
Halimaw
Science FictionHuwag kang lumaban para sa sarili mo, lumaban ka para sa mga mahal mo, at iyon ang katangian ng isang tunay na Bayani. Year 2064 Dr. Mariano: Lilikha ako ng mga nilalang, na siyang mag-babalik sa dating ganda ng mundo. Ilang sadali pa ay. "Roooooaaa...