Chapter 9 : The Final Battle in Mt. Samat

71 5 0
                                    

Chapter 9 : The Final Battle in Mt. Samat.

Sundalo: Captain pinapatawag po kayo ni General.

At sumunod kaagad si Andres.

Andres: Sir! Pinapatawag niyo raw po ako.

General: Lahat ng Opisyal sumama sa'kin.

At sumunod silang lahat kasama si Andres.

General: Tipunin niyo ang lahat ng mga sundalo at Swordsman dahil may mahalaga akong sasabihin.

At nagtipon na nga silang lahat.

General: Pansamantalang ibigay niyo sa akin ang inyong puso at isip.

Tumahimik ang buong hukbo.

General: Ngayong Abril 9 taong 2064 ay kasalukuyang 122 anibersaryo na ng kagitingan ng mga sudalo sa bataan sa pag-depensa sa mananakop na hapon, Dito ipinakita ng mga pilipino ang kanilang katapangan at kabayanihan upang depensahan ang Probinsyang ito, ngayon gusto kong makita sa inyong mga katauhan ang KATAPANGAN, KABAYANIHAN at Pag-mamahal sa mundong ating sinilangan, kailangan matapos na ang dalawang taong pakikidigma natin sa mga halimaw dahil apat na buwan na lamang ang itatagal ng tao sa mundong ito kapag hindi pa napigilan ang mga Halimaw, Ang kemikal na hinahanap ng buong mundo na mag-papabalik sa mga halimaw sa dati nilang anyo ay kasalukuyan 8 kilometro lamang ang layo mula sa kinaroroonan natin at iyon ay nasa krus lamang ng Mt. Samat ngayong oras na ito, bibigyan ko kayo ng 20 minuto upang mag-handa sa gagawin nating pag-salakay sa krus, asahan na ninyo ang isang madugo at buwis buhay na pag-harap natin natin sa mga Halimaw!, Mabuhay ang mundo!.

Mga sundalo: Mabuhay!.

General: Mabuhay ang mga tao!.

Mga sundalo: Mabuhay!.

General: Mabuhay ang bansang Pilipinas!.

Mga sundalo: Mabuhay!.

General: Panginoon, kayo na po ang bahala sa amin, mahal na mahal po namin kayo panginoon, mag-simula ng mag si pag-handa!!.

Mabilis na nag-sikilos ang mga sundalo pati narin ang CARGAS o (Carmina, Andres, Rod, Greg, Antonio, Sarah).

Andres: Cargas lumapit kayo sa'kin, masayang masaya ako na nakasama ko kayo at naging bahagi kayo ng buhay ko, hindi natin alam kung ito na ba ang huling beses na mag-kakasama tayong anim, ano man ang mangyari nakatatak na kayo dito sa puso ko, lalo kana Carmina mahal na mahal kita.

At hinalikan ni Andres si Carmina sa harap ng kanilang mga kasama.

Carmina: Andres walang mamatay sa'tin.

Andres: Carmina yan din ang dasal ko, pero hindi ko hawak ang buhay ko.

Rod: Hanggang sa huli mga kaibigan.

Antonio: Hanggang sa huli.

At nag-yakapan silang anim.

HalimawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon