Their Dreams

2.7K 25 0
                                    

Napatda si Serena nang buksan ang pinto ng bahay.Hindi niya inaasahan ang dumating.Si Nanay Taps at Tatay Dodoy.
Gaya niya ay gulat na gulat din ang mga ito.
Na-nay Taps,Tatay Dodoy?..kinakabahang bungad niya.Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito.Alam nya na may galit din ang mga ito sa kanya.Sino bang magulang ang matutuwa sa babaeng nang-iwan at nanakit sa anak ng mga ito.
Serena?..panabay na sabi ng mga ito.
Pasok po kayo..anyaya niya.Sumunod ang mga ito sa kanya sa loob.
Hindi nabanggit sa amin ni Tenten na nagkabalikan na kayo..ani Nanay Taps
Baka si Serena yung surprise ni Tenten para sa birthday ni Kulot..excited na hula ni tatay Dodoy.
Kulot?Sino po si Kulot?..kunot noong tanong nya sa mga ito.
Hindi ba nabanggit sayo ni Tenten?..nagtataka ring balik tanong ni Nanay Taps..
Umiling siya.Sa loob ng dalawang linggong pagsasama nila ni Tenten ay hindi nila pinag uusapan ang mga personal na bagay tungkol sa kanila,kabilang na ang kani-kanilang pamilya.Walang alam ang mga magulang nila sa kasunduan.
Nay,Tay,hindi po ba kayo galit sa akin?..pag-iiba nya sa usapan.Nagkatinginan ang mag-asawa.Pagkuway hinawakan ni Nanay Taps ang kamay niya.
Hindi namin maiiwasang hindi magdamdam Serena,nasaktan ang anak namin.Pero kung ano man ang naging dahilan mo sa pag-iwan kay Tenten,alam namin na may dahilan yon.Saksi kami kung gaano mo sya minahal.
Naiyak si Serena sa narinig.She can't believe it.They really have the most understanding and forgiving heart.After what she did to their son,they still try to understand her intension.Sana lang katulad din ng mga ito si Tenten.Sana pakinggan at unawin din sya nito gaya ng ginawa ng mga magulang nito.
Naku!tiyak na matutuwa ang anak nyo..tuwang tuwang sabi ni tatay Dodoy.
Anak?..naguguluhang tanong niya.Puno ng pagtataka na nakatingin siya sa mag-asawa.Anong anak ang sinasabi ni Tatay Dodoy?..
Ikaw talaga napaka daldal mo..sita ni Nanay Taps sa asawa.
Sorry,sweetheart nadulas lang..
Nakatingin pa rin sya sa mga ito.Naghihintay ng paliwanag.
Huminga muna ng malalim si Nanay Taps bago sinagot ang tanong nya.
Si Kulot,sya yung ampon ni Tenten.Hindi ba binalak nyo noon na mag-ampon?.
Tumango siya.Naaalala nya na napagkasunduan nga nila ni Tenten noon ang pag-aampon.
Nagpatuloy si Nanay Taps.
Si Kulot yung nagmatch para ampunin nyo.Kayo ni Tenten ang legal parents nya.Kahit wala ka,itinuloy nya ang pangarap nyo.Ikaw ang nakalagay na ina ni Kulot sa papeles nya.
Muli,ay hindi niya napigilan ang pag-iyak.Sobrang saya ang nararamdaman nya.Parang sasabog ang puso niya dahil sa nalaman.Hindi naman pala tuluyan ng nilamon ng galit para sa kanya ang puso nito.He still continue in making their dreams come true.
Kung ano man ang rason nito sa pagsama sa kanya sa Pilipinas at gawing mistress ay hindi na mahalaga sa kanya.

Marami pa silang napagkwentuhan nila Tatay Dodoy at Nanay Taps.Nalaman nya na pati pala yung kubo sa farm na gusto nilang maging tahanan kapag nagpakasal na sila ay binili pa rin ni Tenten.Sinabi rin ng mga ito na sa isang linggo na ang birthday ng anak nila.
Excited na syang makita ito.Hindi na sya makapaghintay na mayakap at mahalikan ang anak.
Maraming katanungan ang mga ito.Kailan pa raw sila nagkabalikan ni Tenten?.Bakit hindi man lang sya dumalaw sa mga ito?.Ngiti lamang ang naging sagot nya sa mga ito.Hindi nya kayang sabihin ang deal nila ng anak nito.Alam nyang ikagagalit iyon ng mag-asawa.

SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon