Family Day

2.4K 20 0
                                    

Ay,bakit mo inaaway ang anak ko?..sita ni Serena sa batang lalaki nang makitang umiiyak si Kulot.
Eh,gusto nyang kunin ang toy ko eh..pabalang na sagot ng bata.
Bumaling siya sa anak.
Mahal ko,totoo ba yun?..malambing na tanong niya.
Hindi po.Gusto ko lang makipagraro..utal na paliwanag nito.
Hindi naman pala kukunin.Gusto lang makipaglaro..malumanay na ang boses niya ng bumaling sa bata.
Ayaw namin syang kalaro.Kulot salot sya eh,di ba?..sabi nito sabay lingon sa mga batang kasama.
Oo nga..sabay sabay pa na wika ng mga ito.
Lalong lumakas ang iyak ng anak nya.
Bad sila Mommy..humihikbing sabi nito.
Nakaramdam naman ng inis si Serena sa mga batang umaway sa anak.
Kayo ang bad nyo.Hindi dapat kayo nang-aaway..
Hoy,ano yan?!Bakit inaaway mo ang anak namin?Ang tanda mo na pumapatol ka sa bata..malakas na sigaw ng mag-asawa na agad lumapit sa kanila.
Hindi ko sya inaaway.Pinagsasabihan ko lang.Sya nga nang-away sa anak ko..paliwanag niya.
Hindi nang-aaway ang anak ko.At isa pa kung ayaw kalaro ng anak ko ang anak mo wag mong ipagpilitan..mataray na sabi nito.
Akmang susugurin nya ito nang biglang may yumapos sa beywang nya.
Stop.Serena.Tama na..
Patigilin mo talaga yang asawa mo..ayaw paawat na pagtataray pa rin ng babae.
Aba't..lalapitan na muli nya ito nang pigilan sya ni Tenten.Mas hinigpitan pa nito ang pagyapos sa kanya upang hindi siya makagalaw.
Inirapan muna siya ng babae bago umalis kasama ang asawa at anak nito.
Nagpupuyos siya sa inis.How dare that woman and that kid insult her daughter!.
Tama na..Calm down..malumanay na sabi ni Tenten habang masuyong hinahagod ang likod nya.
Mommy Serena,Daddy T,shiwing na lang po tayo...sabi Kulot.Apat na taon na ito ngunit may pagkautal pa.Swimming ang ibig nitong sabihin.
Tila naman napayapa ang loob nya sa paghagod nito sa likod nya.
Okey,let's just swim na lang..ngumiti siya sa anak sabay hawak sa kamay nito.
Iiling-iling na pinagmasdan na lamang ni Tenten ang naglalakad na mag-ina.Tigress pa rin talaga si Serena.Hindi mo pwedeng apihin kung hindi may paglalagyan ka..

Masayang pinagmamasdan ni Serena ang pakikipag-agawan ng bola ni Kulot kina Jay-jay,Nikko at Tingting nang tumabi sa kanya si Simon.
I've never seen her this happy..panimula nito na ang mga mata ay nakatutok sa anak.
Binaling ni Serena ang tingin sa katabi.
Ikaw rin ngayon lang ulit kita nakitang ngumiti ng ganyan..gustong sabihin ni Serena.Buhay na buhay ang mga ngiti nito na umaabot sa mga mata.
Daddy..Mommy..sali kayo..hindi nya namalayan ang paglapit nito sa kanila.Abala kase siya sa pagtitig sa ama nito.
Sige na please?.. Pangungulit nito sabay hila sa mga kamay nila.
Okey..halos panabay na wika nila ni Simon.

Hey,ang daya mo...sita niya kay Simon.
Ha?Ako madaya?..kunot noong tanong nito.
Yeah. You're not supposed to move diba?.Bakit gumalaw ka?..
Hindi ako gumalaw..natatawang sabi nito na umaalog-alog pa ang balikat.
Hmp!Madaya..nakairap na sabi niya..
Okey,ulit na lang..awat ni Kulot sa kanila.
Sige na nga..parang batang sang-ayon nya sa anak.
Masaya nilang ipinagpatuloy ang paglalaro.Hindi maiwasan ni Serena na hilingin na sana ay hindi na matapos ang sandaling iyon.

SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon