Serena meets Kulot

2.5K 22 1
                                    

Daddy T!!..anang batang babae na halos madapa sa pagsalubong kay Simon.Agad itong binuhat at pinaghahalikan ni Simon sa pisngi.
Birthday nito ngayon at sa isang resort ipinasya ni Simon na i-celebrate iyon.Hindi nga sya makapaniwala nang imbitahin siya nito.Halos maiyak siya sa tuwa sa isiping makikita na nya ang anak sa wakas.
Naiiyak na pinagmasdan ni Serena ang dalawa.Kung pagmamasdan ang mukha ay mapagkakamalan na biological na mag-ama ang dalawa.Maputi ang bata na mamula-mula ang pisngi.Napaka cute nito at bagay na bagay rito ang kulot na buhok.
Maya maya ay bumaling ang tingin ni Kulot sa kanya.Tila ba kinikilala siya.
Alanganin ang ngiting ibinigay niya rito.Hindi nya alam ang magiging reaksyon ng bata sa kanya.
H-hi Kulot?Happy birthday...her voice is shaking.She wanted to hug her,to kiss her and to pinch her chubby cheeks too.
Tumingin muli ito kay Simon.Para bang nagpapaalam kung pwede syang batiin o hindi.
Marahang ginulo ni Simon ang buhok nito at tumango.Hudyat nang pagpayag.
Bumaba ito mula sa pagkakakarga at lumapit sa kanya.
Niyuko niya ito at masuyong hinaplos ang mamula-mulang pisngi.Hindi na niya napigilan ang sarili.Mahigpit na niyakap nya ito habang umiiyak.
Oh!she didn't expect to feel fascinated just by hugging her daughter.An overwhelming happiness embraced her.Ang saya saya niya.Pakiramdam nya ay may biglang nag-iba sa kanya sa isang iglap.
M-mommy?..nag-aalangang tanong nito sa kanya habang pinupunasan ang mga luha niya.
Sa halip na matigil ay lalo pa siyang napaiyak.
Mommy..
Ang sarap pakinggan.Seems like the best song she ever heard in her whole life.
Naku,tama na muna ang drama.Lalamig na ang pagkain..pang-aagaw sa pansin nila ni Nanay Taps habang nagpupunas ito ng mga luha.
She held her daughter's small hand and walked to the buffet.
Gusto mo ba ito?..tanong niya sa anak habang hawak hawak ang isang stick ng hotdog.
Tumango ito at itinuro rin ang katabing fried chicken.
Simon,ikaw anong sayo?..baling niya kay Simon.At akmang kukunin ang plato nito ngunit agad itong tumanggi.
Si Kulot na lang ang asikasuhin mo..
Are you sure?..
Matipid na ngiti lang ang iginanti nito.

Hindi maipaliwanag ni Simon ang nararamdaman habang pinagmamasdan ang kanyang mag-ina.
Mag-ina..simpleng salita ngunit napakalaki ng impact sa buhay nya.
He was dumbfounded.Wala naman sigurong masama kung nanamnamin nya ang ganitong pakiramdam.Ang masayang pakiramdam na may buo siyang pamilya kahit sa pagkakataon lamang na iyon.
Masuyo niyang hinaplos ang buhok ng anak.Ramdam nya ang saya nito.Matagal na kase nitong gustong makita si Serena.Ngunit lagi na lamang siyang nagsisinungaling dito.He told her that Serena was going through something in Italy.Na matatagalan pa bago nila ito makasama.
Sa totoo lang ay aksidente lang ang pagkakakilala nito kay Serena bilang ina nito.Umuwi kasi syang laseng ng minsan.Habang hawak hawak ang litrato nito ay panay ang tulo ng luha niya.Hindi nya namalayan na nakatulog siyang hawak iyon.Kaya nang pumasok ito sa kwarto niya ay nakita ang litrato.
Ang mga magulang niya ang nagpaliwanag dito kung sino si Serena sa buhay nila.But his parents didn't tell the kid that Serena knew nothing about her existence.At ang ginawa nitong pag-iwan sa kanya.
Maybe,part of him knew that this would really going to happen kaya hindi na rin sya tumutol sa pagsasabi ng mga magulang kay Kulot tungkol kay Serena at ipinasya na rin nyang pagtakpan ang mga pagkukulang nito.

SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon