Chapter 15 - Claustrophobia (Part 2)

43 4 0
                                    

A/N:

May part 3 pa po to pero di ko sure kung kailan ko maipopost

=======================================================

Artemis' POV

"Ughh.." Pilit kong iminumulat ang mata ko. Bakit ang hirap magising, tumayo ako pero napaupo ulit ako ng may matigas na bagay na nakatama sa ulo ko.

Madilim kasi at wala akong makita kaya kinapakapa ko ang sa ibabaw ko. Ano to? Kinapa ko rin ang sa paligid ko. Ano ba yan di ko naman mahulaan kung nasaan ako. Inamoy ko nalang ang paligid ko nang makakuha ako ng clue kung nasaan ako.

It smells like stainless metal. Psh, ano na ba ang oras? Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang phone ko.

4:53 a.m.

Woah!

Nakatulog ako sa lugar na di ko naman alam kung saan? But I don't remember a habit of mine sleeping in a place I don't know.

Ang sikip naman dito. Nanlaki ang mata ko nang matauhan ako kung nasaan na ako. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

Artemis hinga ng malalim.

Inhale..

Exhale..

Inhale..

Exhale..

Sinubukan kong i-text si kuya pero wala akong load tapos 5 percent nalang ang phone ko.

"Please wag ka munang mamatay" kinakabahan na ako. Inalala ko kung pano ba ako na punta sa lugar na to?

May sumagi sa isip ko na isang bagay, bracelet.

I think I know what happened. I was kidnapped in broad daylight. Papunta pa lang ako sa classroom ng tatlo nang may tumakip sa ilong ko and then I passed out.

Sa lahat ng pwede nilang pagdalhan sa akin bakit sa locker pa?

I need to get out of here! Bumibigat na ang paghinga ko at ang mga ala-ala na ayaw ko nang balikan ay unti-unting pumapasok sa aking isipan.

That day.

The day I was first kidnapped and almost got raped.

Eigth years old pa lang ako nun at sariwa pa sa isipan ko ang mga nangyari.

"Mommy! mommy! Let's go to that Ice Cream parlor!" pinaghihila ko si mom sa dulo ng kanyang damit. For an eight years old child I'm pretty childish.

Yumuko siya at sinabi sa akin.

"Yes baby, after this mommy will buy you a lot of chocolate flavored ice cream"

Pero makulit ako nun, gusto ko nang pumunta sa ice cream parlor. Kaya nang nakatalikod pa siya ay tumakbo na agad ako papunta dun. at dumeretso sa cashier.

"One chocolate ice cream please"

"May pera ka ba bata"

"My mommy will come here later she will pay that"

"Umalis ka na dito bata. May paenglish-english ka pa diyang nalalaman!" pangbubulyaw sa akin ng babae. Natakot ako kaya napaatras ko at may humawak sa akin sa magkabilang balikat.

"Ikaw, bakit mo naman sinisigawan ang cute na batang ito. Binabayaran ka ng mabuti! Sige na bigyan mo na siya ng gusto niya ako na ang magbabayad"

Ilang beses na sa akin pinapaalala sa akin ni mama na don't talk to strangers pero nakita kong mabait naman siya ah.

Or so I thought he was...

The Otaku has Fallen (Under Construction!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon