Chapter 1 - First Day (Kamalasan)

149 4 1
                                    

Artemis' POV

"Kkkkkrrrriiinnngggg" tumunog ang aking alarm clock ng pagkalakaslakas pagtingin ko dito bigla akong napasigaw.

"7:30 na!!!!" at pumasok si yaya.

"Ano ka ba naman Artemis!? ang aga aga sigaw ka ng sigaw. Ang sarap pa naman ng tulog dahil nanaginip ako ng gwapo" Si yaya Margie talaga.

"Ya, Sorry po, ba't di niyo ako ginising? at 7:30 na po!" pinakita ko sa kaniya ang alarm clock ko.

"Anong 7:30?" hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni Yaya. Malelate na ako! "Pwede po paki bigay nalang saakin ng tuwalya sa banyo" mabilis kong sinabi kay yaya.

Dahil sa pagmamadali ko nakalimutan kong magpakilala. I'm Artemis Mendoza, Anak ni Jade Mendoza at Ryle Mendoza. May kapatid ako si Zane Mendoza. Hindi naman kami mayaman pero dahil sa di inaasahang pangyayari. Nanalo kami sa lotto, nagtayo si papa ng isang business hanggang sa lumawak ng lumawak ng lumawak.

Oo nga pala, late na ako! Pagkababa ko nakita ko si Mama naghahanda ng almusal. *Q* Ahh! My favourite.. TINAPA!! Pero wala na akong oras. Huhuhu.. kasi naman ang ganda ng episode sa Fairy tail kagabi di ko maiwan-iwan. Nag-pants, t-shirt and shoulder bag lang ang ako. Wala pa kasing uniform eh.

"ママは、私が残している[Mom I'm leaving!]" Nakakaintindi naman si mama ng japanese.

"Anak hindi ka ba kakain ang aga pa ha?"

"あなたは何について話していますか?すでに730分だ [What are you talking about? It's already 7:30]"

"And can you please speak in tagalog or english"

"Hai oka-- este opo mama" Nagpaalam na ako at nag kiss sa cheeks ni mama sakto naman gising na si kuya.

"Hoy ano pa ang ginagawa mo maligo ka na malelate ka na po. First day pa naman" Hindi lang niya ako pinansin at umupo sa table at kumain. Nakakainis talaga >___< BADTRIP naman tong si kuya. Makaalis na nga!

*Usapan ng Mag-ina*

"Ano ba ang nangyari diyan sa kapatid mo at ang aga-aga nagising? Teka ano na naman ginawa mong kalokohan dun sa kapatid mo?"

"Ma naman hindi ko naman inaakalang may pagkatanga ang kapatid kong genius.. At saka no harm done, di ba po?"

"O sige, Basta mag sorry ka dun ha"

"Opo Ma, at ano na kaya nangyari doon? Sayang di siya nakakain ng Tinapa. Sarap pa naman"

"Flat pa naman ang kotse naiwan pa ang cp niya basta ibigay mo ito sa kapatid mo at magsorry ka"

"Ma one is enough for a wise man. Di ko na ulit siya pagtitripan" ^_^v

*At sa kabilang banda naman*

"Naku!! Mang Leo matagal pa po ba iyan" Gahd! I'm super duper ultra late. Letse Flan! sira pala ang kotse.

"Opo, Mam sumakay nalang po kayo ng MRT" Hhmm... Good idea!

"Mang Leo naman sabi ko po huwag na ninyo akong tawaging mam. O sige alis na po ako"

"Mam- ang ibig ko po sabihin Miss Ar- ay este Artemis lang pala" Haynako si Mang Leo talaga.

"Ano po iyon?" Gosh I have no time for this I'm late, baka hindi na ako makapasok sa school.

"Ang aga pa po diba? Bakit po kayo nagmamadali!" Ang dami na nagsabi niyan sa akin ha +___+ Nakakairita na.

The Otaku has Fallen (Under Construction!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon