Chapter 16 - Secret

59 4 0
                                    

A/N:

Hindi ko na ginawan ng part 3 ang claustrophobia kasi wala naman akong mailalagay. This is dedicated to my friend Yaninz. Binabasa mo pala to? Hahaha!

Enjoy todays chapter

=======================================================

Marc's POV

Para san yun?

"Marc, marc, Marc!"

She kissed me in the forehead. Alam kong pasasalamat lang yun pero...

"Marc!"

"What the f---?! Ano!" nanlaki ang mata ng adviser namin sa sinabi ko. Napatingin kay Artemis na nakangisi at tinaasan ako ng kilay. Pumalakpak pa siya ng mahina at mukhang amuse na amuse sa nangyari.

"You-you di-didn--"

"May I go out? Sumasakit ang ulo ko" tumayo na ako at laking gulat ko nang makitang nakasunod sa akin si Artemis. Nang makalayo-layo na kami sa room ay hinarap ko siya.

"Bakit ka sumusunod sa akin?"

"Well, boring ang klase at wala pa naman si Odette at sa tingin ko mag-eenjoy ako kasama ka" ngumisi siya. Walang tao sa paligid, hinapit ko siya sa bewang. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya

"Hmm.. gusto mong mag-enjoy?" Hindi ko ine-expect ang reaction niya. Imbis na kumunot ang noo at sapakin ako ay hinaplos niya ang mukha ko.

"Yes and you're the only one that can give me that satisfaction" she said it in a husky voice. Nagsitindigan ang balahibo ko.

"HAHAHAHHAHAHAHAHAHA!" lumayo siya sa akin at humagalpak sa kakatawa.

"Haha! I ca--Haha! Kung nakita mo lang ang mukha mo, Epic!" at humagalpak ulit siya sa kakatawa.

"Tss. Hindi ka ba nakainom ng gamot" mag-wawalk out na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. May parang kuryente na naramdaman ako sa pagdapo ng kanyang sa braso ko.

This girl really has a weird effect on me.

"Oy! Haha! Sa-- Haha!" huminga siya ng malalim. Pulang-pula na ang mukha niya sa kakatawa. Ang tagal naman nito matuluyan kung upakan ko na kaya?

"Okay na ako" sabi niya at tumayo na ng matuwid pero halatang nagpipigil siya ng tawa.

"Pft.. Haha! Hindi pa! Hahaha!" dahil naiinis na ako ay inalis ko na ang pagkakahawak niya sa braso ko at umalis na. Pumunta nalang ako sa aking comfort zone, ang music room.

Nang isara ko ang pinto ay bumukas uli ito at bumungad sa akin ang mapulang mukha ni Artemis pero di na siya tumatawa.

"Daya mo, bakit mo ako iniwan dun?" nanliit ang mata ako sa inis. This girl is really, impossible! Hindi ko nalang siya pinansin at umalis na ako sa harapan niya pero bago ako makaalis ay hinila na ako pabalik.

Nandyan na naman ang kuryente nang mahawakan niya ako. Humarap ako sa kanya at abot tenga ang ngiti niya.

"What?!" tiningnan niya ako mata sa mata. Ako ang unang umiwas ng tingin. Napahawak siya sa bibig niya na nakaperfect O.

"Masaka! Anata ga watashi o suki!"

Huh? Ano daw?

"Ano ba ang pinagsasabi mo?" kinuha niya ang gitara na gagamitin ko sana. Umupo siya sa high chair, hindi pa rin matanggal ang ngisi niya.

"Sit" utos niya sa akin. Hindi ako sumunod, nagkasalubong ang kilay niya at hinila ako paupo.

Nagsimula na siya mag-strum.

The Otaku has Fallen (Under Construction!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon