Chapter 12 - Prince of Tennis

52 5 0
                                    

As promised dahil bukas recognition na namin mas madalas na akong makakapag-update. Woooh! Naka 1st ulit ako. Sana magpatuloy tuloy pa ito.

Again guys sorry for the typos. Pagtapos na ng story na ito saka ko nalang i-eedit

==================================================

Pagkatapos ng nangyari mas pinagtutuunan ko na ng pansin ang paggising ng maaga. Lahat ng relo sa bahay ay 1 hour advance kaya pati sila mama ang aga din magising.

Ilang beses nga ako nasigawan ni kuya kasi pati alarm clock niya advanced.

Guess what kung anong oras ako nagising ngayon? 4:30 A.M.

Bumaba na ako at dumeretso sa kusina, dahil maaga naman daw akong magising ako na daw ang maghanda ng breakfast sabi ni mama.

Hmm.. Ano kaya ang pwede lutuin?

Chicken Adobo seems nice, pero di ko alam kung pano lutuin.

Lol, Artemis para san pa ang internet? Research research din pag may time.

Oo nga no! Kinuha ko ang Ipad sa kwarto at nag search ng 'How to cook Chicken Adobo'

I have a good feeling with this.

***

BOOM!

"What was that!" sigaw ni kuya habang bumababa sa hagdan. Tapos sumunod na sila mama at papa.

"Artemis anong nangyari? What's with the explosion? And your face. It-it ugh.. Nevermind. ano ba ang nangyari" sabi sa akin ni mama.

"Mam! Mam! An-- Artemis! Ba't nasa kusina ka?!" lumapit sa akin ang bagong gising na si Yaya margie at pinalo ako sa pwet. Palihim naman na tumawa si kuya.

"Aray ko po! Masakit yun Ya!" sabay himas sa pwet ko. Sh*t! ang saket!

"Natural masakit! Ilang beses na ba kitang pinagsabihan na wag na wag pumunta sa kusina!" She's right, simula nung nasa Japan kami once pa lang ako naka set foot sa kusina pagkatapos nun na-ban ako.

"Hello, nandito pa po kami" sabi ni papa, "Care to explain Artemis Mendoza"

"Papa, I assure you. I really don't know why I can't set foot in the kitchen" tinaasan lang ako nito ng kilay at tumingin siya kay yaya, "Bakit bawal si Artemis sa kusina?"

"Sir mag-faflashback nalang po ako"

~Flashback~

"Yaya!Watashi wa daidokoro o kariru koto wa dekimasu ka? [Yaya! Can I borrow the kitchen?]"

Ano kaya ang gagawin ng batang ito? Ang aga pa nagising.

"Ano ba ang gagawin mo?"

" Watashi wa tsumori wa jibun no bentō o tsukuru nda [I'm gonna make my own bento]"masaya niyang sabi.

"O siya siya. Lock mo ang pinto, lalabas lang ako saglit kasi bibili ng mga food stocks at gulay" nginitian niya lang ako at nagsimula nang magluto.

"Ohayō, sono daikon wa ikuradesu ka? [Good morning, how much is that radish?]"

"Ie ga moete iru o mite! [Look a house is burning]" sigawan ng mga tao. Napatinfin na rin ako sa usok pero di pa naman kalakihan. Teka! direksyon yun papunta sa amin. Si Artemis!

Binayaran ko muna ang babae at tumakbo pabalik ng bahay. halos himatayin ako nang makita na ang bahay namin ang nasusunog. Buti nalang at naapula agad ito dahil nakarating kaagad ang bumbero. Konting paayos lang at okay na ulit.

The Otaku has Fallen (Under Construction!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon