Chapter 17 - Kai

67 4 0
                                    

A/N:

Ang bilis kong makapag-update no? Nyahaha! Ganyan talaga pag-inspired kay Kudo Shinichi. Hay! nakaka-inlove ♥

Sa chapter na to maloloka si Sky sa sinabi ni Artemis na di niya narinig, What steps will he do to look for it? Will he find out or end up begging to Artemis to tell him what it is?

So enjoy todays chapter

=======================================================

Sky's POV

Bumalik na ako sa classroom kasi mukhang walang balak si Artemis na lumabas sabihin sa akin ang binulong niya kanina. I'm frustrated! Gusto kong malaman ang sinabi niya.

Okay Sky, concentrate. Alalahanin mo kung ano ang sinabi ni Artemis kanina.

"K..."

K? Oo! Tama! Nagsisimula sa K ang sinabi niya kanina. Hmm.. Ano ba ang words na nagsisimula sa K.

King? Ano naman ang koneksyon ko sa king? Mali-mali, ano pa ba? Ahah! Ano nga ulit ang english ng sumpa?

Kurse! Pero starts with letter C yun eh. Hmm.. Kill? Kinabahan ako sa naisip ko. I  shook my head. I promised Artemis na siya lang ang paniniwalaan ko and unless di galing sa bibig niya di ako maniniwala.

Sky! Ano pa ba?

Kiss...

Namula ako sa inisip ko. Damn! All this thinking is giving me a headache. Pero kung kiss nga... Aish! Di ko

"Sky, what are you doing? King, Kurse, Kill, Ki--" sinarado ko agad ang notebook ko. Isinusulat ko pala ang mga words na nagsisimula sa K =_=.

"Hoy, wala kang nakita" Sabi ko sa katabi ko at dinuro ko pa siya. Nanginginig pa siyang tumango at bumaling na ulit sa teacher namin.

Hay... Ano nga bang K yun? Tss..

***

Krrrrrriiiiiiiiiinnnnnggggg!!

Uwian na pero hindi pa rin pumasok si Artemis. Nung lunch hindi ko rin siya nakita.  Dapat talaga hindi muna ako umalis, hinintay ko nalang siya.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na. Hmm.. San ko nga ba siya hahanapin?

"Oh my gosh! Ang gwapo talaga ni Kai"

"Agree ako girl! Pero mas mahal ko padin si Kris my loves!"

"Buti nga yun kasi sa akin lang habang buhay si Kai. Pumunta nga ako sa Korea para lang makita siya"

"Wow! Blah blah blah"

Napatakip ako ng tenga ko, ang ingay! Sino ba yang Kris at Kai..

"Kai"

"Kai? Starts with letter K. Yun  nga ang sinabi niya?" isinuklay ko ang kamay ko sa aking buhok. Mababaliw na ako pag di ko malaman kung ano ang binulong niya.

"Kung ahas yun kanina ka pa tinuklaw"

Si Artemis! Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at yinugyog.

"Artemis! Artemis! Arte--Pak!" Aray! Sapakin ba naman ako.

"Alam kong maganda ang pangalan ko. Di mo na kailangang ulit-ulitin pa" tapos inirapan niya ako. Mukhang wala namang masamang nangyari sa kanya.

"Mukhang okay ka naman. Nagawa mo pa nga ako sampalin pero change topic. Artemis, ano nga ang sinabi mo sa akin kanina? Please! Mababaliw na ako sa kakaisip!"

The Otaku has Fallen (Under Construction!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon