Chapter 18 - Sparkle

47 4 0
                                    

A/N:

Nagulat ako kasi 21 ang notifications ko akala ko nagloloko ang wattpad yun pala may nag-flood votes sa akin :D Dedicated to @crappythoughts thanks for the flood votes! I appreciate it :D

Ang ganda ng casting ng Kimi ni Todoke :D Ang wafu ni Miura Haruma =3= mas kilala sa wattpad as Jiro Festin pero di ko natapos panoorin bagal kasi ng net =_=

Oo nga pala sorry kasi medyo natagalan, wala kasi ako sa mood mag-sulat. Naging good mood na ulit ako ngayon kasi napanaginipan ko si James Reid at Andre Paras pumunta daw sa bahay namin XD Ayaw ko na nga sanang magising =3=

======================================================

Sky's POV

Bukas na pala ang birthday ni mom, natapos na din ni tita ang susuotin ni Artemis kaya pinapapunta kami para daw masukat at lagyan ng adjustments kung kinakailangan.

Kanina pa ako nandito sa pintuan pero ni anino ni Artemis di ko pa nakita. Di ba pinaalalahanan ko na siya? Baka naman nakalimutan o mas malala pa KINALIMUTAN =_=

"Hi Sky" bati sa akin ni Odette. Ngumiti lang ako at bumaling ulit sa labas ng pinto.

"Hinanap mo ba si Artemis?" lumingon ako sa kanya.

"Well..." pinaglaruan niya ang mga daliri niya, "She's cleaning the gym at the ninth gate" nanlaki ang mata ko. Damn! Ang laki-laki kaya ng gym na yun!, "Promise Sky ginawa ko talaga ang lahat para di siya maparusahan. I talkes to Mrs. Imperial na patawarin siya pero hindi siya pumayag kasi kailangan niya daw matuto" dagdag pa niya. Ginulo ko ang buhok niya.

"Thanks for doing that" aalis na sana ako nang bigla siyang pumunta sa harapan ko para pigilan ako.

"What are you doing?"

"Tutulungan ko si Artemis, alam ko naman sa sobrang katangahan ng babaeng yun hindi impossible na may mangyaring masama"

"Pero Sky alam mo kung ano ang punishment--"

"Shh.. hinaan mo ang boses mo. Kaya nga hihingi ako ng pabor. Please Odette" Pinagdikit ko ang aking dalawang palad, "Shoot! Kailangan ko nang umalis baka maabutan pa ako ng teacher natin. Bye!" at kumaripas na ako ng takbo pero kakaalis lang ng train.

Sheezz! Matagal pa yun bago bumalik ulit sa station na ito.

"Hey Sky!" Si Zane!

"Pre! Saan ang punta niyo?"

"Sa Gym, ikaw? May klase pa ah?" napakamot ako ng ulo. Inakbayan ako ni Jorge at ginulo ang buhok.

"Aba aba. Marunong ka na pala niyan?" at tumawa siya.

"Pano kung mahuli ka?" tanong ni Hale. Ngumisi ako bago sumagot.

"Hindi ako mahuhuli maliban nalang kung sabihin niyo. Isa pa gagawan ako ng excuse ni Odette"

"Captain! Di ba wala si coach? Kailangan meron magbantay sa atin para naman maiwas sa gulo" sabi ni Hale at kinindatan niya si Zane. Napangisi naman si Zane. Ano sila mga bata at kailangan pang bantayan.

"Sino kaya ang AVAILABLE?" tanong naman ni Jorge na nagpipigil tawa.

"Sino?" di ko na mapigilan ang sarili kong sumabat. Sabay silang napatingin sa akin at napa-palm face si Hale.

"Ay gago! Ikaw na nga ang tinutulungan ayaw mo pa?" sabi Jorge at mukhang naiinis.

"Ahh.. so gusto niyo ako ang magbantay sa inyo kahit na hindi naman kailangan para mas maging solid ang alibi ko. Sige ako nalang dahil available naman"

The Otaku has Fallen (Under Construction!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon