Hello, It's Nice To See You Again

4.2K 103 12
                                    


December 12, 2016

It's Christmas season again, and everyone's busy preparing for that special day. Halos lahat ng taong nakikita ko ngayon sa bagong bukas na mall dito sa Bacolod ay abala sa Christmas shopping nila. Samantalang ako'y palakad lakad at patingin tingin lang sa paligid at pilit inaaliw ang sarili ko. Ni di ko rin alam kung bakit ako nandito, siguro dahil gusto ko na ring makiusyoso, bagong bukas nga lang kasi tong mall. Sa paglalakad ko, di ko maiwasang di mapansin na hindi pa lubusang tapos tong building, but the management decided na buksan na to para makahabol sa Pasko. Some workers are still working overtime to construct the mall's escalator habang nagsisiksikan  naman sa hagdan ang mga mamimili. Ugali nga naman talaga ng mga Pinoy, marami namang pwedeng bilhan pero mas pipiliin pa ring makipagsiksikan.

 At dahil Pinoy nga din ako kaya nagdesisyon akong makipagsiksikan na rin paakyat para puntahan ang department store dahil naisipan ko na ring bilhan ng regalo ang mga inaanak ko. Malaki na rin kasi ang utang ko sa kanila kaya dapat bumawi ako. Matapos ang ilang minutong pakikipagsiksikan, I reached the place and was glad dahil mura nga ang mga laruan at damit dito. Di naman ako ganun kakuripot, nagtitipid lang naman ako.

Habang abala ako sa pamimili ng mga bibilhin, I decided to call my bestfriend. I haven't told her na nakauwi na ako at pag di ko pa sinabi sa kanya ngayon siguradong magtatampo na iyon.

"Hello Engr., napatawag ka? Nakabili ka na ba ng regalo mo para sa'kin?" Pagbibiro nya ng sagutin nya ang tawag ko.

"Maka'engineer ka naman dyan, tumigil ka nga." Saway ko sa kanya, yes I'm an engineer based in Iloilo City pero ayokong tinatawag nya akong ganun. Di ko rin alam, basta ayoko lang. "And yes, namimili na ako ngayon at di ka kasama sa pinamimili ko. Kita na lang tayo, libre kita."

"Don't tell me, nasa Bacolod ka na? Kelan ka lang umuwi?" She asked surprised.

"Kahapon lang ako umuwi. Asan ka ba? Don't tell me nasa school ka pa?" Balik tanong ko sa kanya. She's a grade school teacher na nagtuturo sa isang private school sa katabing lungsod ng Bacolod.

"Mag-aayos na ako, hintayin mo ako." Medyo nagmamadali nyang sagot, so tama nga akong nasa school pa sya, alas singko y medya pa lang din naman ng hapon. "Saan mo ako hihintayin?"

"Andito akong Citymall ngayon, kaya dito na lang din kita hihintayin. May Jollibee at Chowking din naman dito." I chuckled ng marinigko ang marahas nyang buntong hininga.

"Grabe ka talaga Althea, ikaw na ang pinakakuripot na taong nakilala ko. Disyembre na uy, at alam kong malaki ang 13th month mo."

"Traffic ngayon para bumyahe pa, kaya dito na lang muna tayo. At tigilan mo ako Sally ha, mas malaki bonus ng teacher ngayon, baka akala mo di ko alam." Pagbibiro ko ulit sa kanya.

"Fine, hintayin mo na lang ako dyan." At kahit di ko nakikita ang mukha nya, alam kong nakasimangot pa rin sya kaya mahina akong natawa. "Sige, tumawa ka pa, kuripot." She added sabay baba ng cellphone nya.

Medyo natatawa pa ako habang patuloy sa paghahanap ng idadagdag sa mga napili ko na. Seems like nothing has changed and it felt like we're still our old selves. Siguro ang pinagkaiba lang ngayon ay teacher at engineer na kami, unlike before kung saan pasaway na kolehiyala pa lang kami sa isang state college sa Talisay City.

I smiled with the thought, parang kelan lang nung nag-aaral pa lang kami, ah those were the days. Some said that highschool life is the best, but for me college days were more memorable dahil sa mga panahong iyon marami tayong natutunan. Halos lahat ng bagay ay nalaman natin higit na ang mga kalokohan. We've learned to escape from our long hours of Chemistry class, we've had experienced different training during ROTC, dito rin natin nakilala ang mga taong masasabi nating una nating minahal at dito rin natin naranasan ang una nating pagkabigo.

Sa'Yo Pa Rin..PalaWhere stories live. Discover now