February 14, 2017Happy birthday to me. Yup, you've read it right. It's my birthday kasabay ng Valentine's day pero heto ako ngayon, standing in front of their house. Birthday din kasi ng nanay nya and the latter called three days ago habang nasa trabaho ako just to invite me. Honestly, I haven't expected it pero tumawag si Nanay Amanda dahil 60th birthday na daw nya and she wants me to come. Magtatampo na daw talaga sya pag di pa ako nagpakita.
After that awful break up na nangyari sa amin ni Jade di na rin ako masyadong nagparamdam sa mga magulang nya. At akala nila medyo busy lang ako preparing for my board exam kaya hindi na ako nakakapunta sa kanila. Pero ang hindi nila alam ay wala na kami ng bunso nila. Sa totoo di na rin naman kasi nila dapat malaman kasi ang akala nila magkaibigan lang kami ni Jade, magkaibigan lang kaming tatlo ni Sally. And we haven't had the chance to tell them kasi naghiwalay din kami agad. Kung kaya hanggang ngayon akala nila ay matalik na magkakaibigan lang kaming tatlo.
"Nasa loob ang party." Nagulat pa ako sa umakbay sa'kin, si Gabriel, Jade's older brother. "Kanina pa naghihintay sina nanay sa'yo. At talagang magtatampo na iyon pag wala ka pa rin." He added habang hula ako papasok ng bakuran nila.
"Sorry," Kamot kilay kong sagot. "Buti na nga lang naabutan ko pa ang last trip ng fast craft galing iloilo." Dagdag ko habang tinitingnan ko ang paligid. And I smiled dahil halos wala pa ring pinag-iba ang bahay nila.
"Ok lang iyan. Better late than never dba? O sige na, lapitan mo na sya." Pagtutulak nya sa'kin sa nanay nila na hindi siguro ako napansin dahil kausap nito ang isa sa mga bisita nila.
"Hmm, nay." Medyo nahihiya kong bungad ng makalapit na ako sa celebrator ng party and she welcomed me with her smile. "Happy birthday po." I smiled back while handing her my gift at ang paborito nyang Iloilo Pinasugbo.
"Althea." Masigla nyang sagot at niyakap ako. And there I felt, I'm always welcome for them kaya sinagot ko din ang yakap nya.
"Sorry po late ako." I said after that hug.
"Ok lang, ang mahalaga pumunta ka. Namiss kitang bata ka at happy birthday din sa'yo." She answered smiling. "Kung hindi ako nagkakamali hindi ka pa engineer ng huling pumunta ka sa amin ng tatay Oca nyo."
"Sorry po talaga nay, medyo naging busy lang po talaga." Pagdadahilan ko. "At syempre po, isang beses lang po tong 60th birthday nyo, I don't want to miss this."
"Dapat lang no, kung hindi talagang magtatampo na kami ng tatay mo."
"Speaking of him, asan po pala si tatay?"
"Andun sa likod at siguradong nakikipag-inuman na naman kasama ang mga kumpare at si Jason. Puntahan mo na lang anak." She answered at pilit akong ngumiti dahil sa pangalang binanggit nya.
"Mamaya na lang po siguro. Sina Sally po pala? Andito rin ba?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Nasa loob sila ni Jade at sigurado akong kanina ka pa nila hinihintay. Lalo na iyang bunso ko, excited iyon ng sabihin kong pupunta ka dito."
"Talaga po?" Bumalik ang ngiti ko dahil sa sinabing iyon ni nanay.
"Puntahan ko na lang po muna sila.""Sya sige, at sabay sabay na kayong kumain. Di pa rin kumakai ang mga iyan." Nanay Amanda answered.
"Opo, kami na pong bahala." I smiled.
Di pa rin nawawala ang mga ngiti ko habang pumapasok sa loob kung saan andun sina zhatz. At lalong lumapad ang ngiti ko ng marinig ang pinag-uusapan nila.
"Kahit kelan paasa iyang si Althea." Narinig kong pagrereklamo ni Sally. "Humanda talaga sya pag nagkita kami."
"Zhatz, baka busy lang." Jade answered defending me.
