December 28, 2016
"Zhatz, sorry kakadating ko lang. Medyo traffic kasi." Nagulat ako sa boses na iyon mula sa likuran. And when I turn my head, I saw Althea with her signature smile, the one which makes her eyes disappear and her dimple visible. Sa totoo lang kasi di ko inaasahan na susunod ito sa amin ni Sally dahil alam kong medyo busy ito at tumanggi rin ito sa paanyaya ng kaibigan namin.
"Ok lang iyon, babawi ka naman di ba dahil ililibre mo kami?" Sally grinned sabay lahad ng palad nya kaya wala na ring nagawa si Althea kundi abutan sya ng pera.
"Zhatz, here idagdag mo to." Sali ko sa usapan at mag-aabot din sana ng pera para pandagdag sa binigay ni Althea dahil nahihiya na ako pero sabay din nila akong tinanggihan.
"Jade, ano ka ba? Ok lang iyan kay Thea, malakas tayo dito." Pagbibiro ni Sally at agad tumungo sa counter para mag-order na ng pagkain namin.
"Parang di ka na nasanay sa isang iyon." Althea chuckled sabay ukopa sa upuan sa tapat ko. At dun ko lang din napansin ang tee shirt na suot nito, the engineer is wearing my Christmas gift which made me smile. "Bat ka natatawa?" Puna nya sa'kin.
"Wala naman. Bagay." I answered still smiling as I point the shirt.
"Aw, thanks." Althea smiled back dahil napansin ko na suot na nya ang regalo ko sa kanya. "Sa'yo din, bagay." She added na ang tinutukoy ay ang kwintas na bigay nya.
"Binalik pa talaga, well thanks to you." At sabay kaming natawa sa takbo ng usapan naming dalawa.
"Kayo din, bagay." Pakikisali ni Sally sa usapan at sabay nagpatahimik at nagpalingon sa amin ni Thea.
"Ambilis mo namang makabalik." Puna ni Althea sabay pandidilat ng mata sa kaibigan.
"Sus, bakit? Ayaw mo na ba akong bumalik?" Sally continued teasing.
"Salvacion Bonifacio." Althea answered with warning in her voice.
"Kainis ka." Maktol ni Sally dahil sa pangalang tinawag ni Althea sa kanya na kinatawa naman ng dalawa. "Ewan ko sa inyo."
"So bakit nga andito ka na?" I asked.
"Nakalimutan ko kasing itanong kung anong gusto nyo."
"Cheeseburger, large fries at hot fudge sundae."
"Cheeseburger, fries at regular coffee."
Sabay na sagot namin ni Althea na lalong nagpangiti kay Sally. "Kape at sundae lang talaga ang naiba ha." Natatawang sambit nito. "Bagay nga kasi." Dagdag pa nito sabay talikod na para umorder sa paborito naming fastfood sa isang sikat na mall sa Bacolod.
When she left, tahimik lang kaming dalawa at hindi malaman kung sino ang mauunang magsalita. I busied myself with my phone dahil alam kong namumula na ako habang napatingin na lang sa labas si Althea. I really don't know if both of us were too shy to speak first dahil sa ginawang panunukso na naman ni Sally sa amin knowing na ngayon lang uli nito ginawa ang mga banat nyang iyon pagkatapos ng ilang taon.
"Pasensya ka na.."
"Sorry about that.." Sabay uli naming turan na lalo kong kinapula kaya umiwas na naman ako ng tingin. Honestly, di ko na rin maintindihan understand how I feel especially when I saw her again after years of not seeing each other since our graduation in college. Nalilito na rin ako kung bakit nararamdaman ko ulit ito, these feelings that I have for her na akala ko'y matagal ng nabaon sa limot. At first I thought that I just missed her dahil mula ng maghiwaly kami ay hindi na ito nagparamdam pero hindi, the feeling is still the same. Marami mang nagbago na'y ganun pa rin yata ang feelings ko para sa kanya. Gusto ko pa ring laging nakikita ang mga ngiti niya at pakinggan ang bawat kwentong sinasabi niya. But this can't be because I was in love with Jason, three years ko na siyang nobyo kaya hindi ko dapat nararamdaman to kay Althea. Dapat kay Jason ko lang to ilaan, sa nobyo ko lang.